2022 PITMASTERS CUP 10-STAG DERBY SA MANILA ARENA

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG INAABANGAN na ng bayang sabungero ang finals ng 2022 Pitmasters Cup 10-stag derby (local band edition). Ginaganap ang derby na ito sa Manila Arena na ­matatagpuan sa Panadero St., Sta. Ana, Maynila. Ang 3-stag elims/3-stag semis/4-stag finals ay itinakda mula September 26, 28, 30, October 2, 4, 6 & 8, 2022. Nasa P88,000 ang pot money habang P55,000 naman ang minimum bet. Aarangkada naman ang 3rd elimination ngayong araw, September 30. Dito’y magsasalpukan ang mga nasa Set C. Sa darating na Linggo, Oct.…

Read More

UGNAYAN NG NGO AT DMW DAPAT PAIGTINGIN

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP PORMAL na naimbitahan ang ating AKOOFW sa Senate hearing na ipinatawag ni Senador Raffy Tulfo nitong Miyerkoles. Kabilang sa mga dumalo ay ang mga kinatawan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa ­pamumuno ni Secretary Susan “Toots” Ople at si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell ­Ignacio, Usec. Hans Cacdac at Usec. Bernard Olalia. Sa hanay naman ng mga non-government organization (NGO) ay kasama nating dumalo ang AKO OFW Inc. National President Marcia Gonzalez-Sadicon at ang “Abogado ng mga OFW”, at Legal…

Read More

BAGONG BI COMM, LILINISIN ANG AHENSYA O CHAROT LANG?

BISTADOR Ni RUDY SIM NOONG nakaraan lamang ay ating ibinisto ang raket ng ilang miyembro ng “K-POPpangit” na tiwaling mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Verification and Compliance Division kung saan ay ginagawa na umanong hanapbuhay ang pangingikil sa mga dayuhan at lehitimong travel agencies, na muling bubulatlatin ang mga dokumentong natapos nang iproseso ng iba’t ibang tanggapan dito. Muli tayong nakatanggap ng sumbong mula sa isang dayuhan na matapos mabigyan ito ng visa upang maging legal siyang makapag­hanapbuhay sa a­ting bansa ay isang tawag umano…

Read More

PANLOLOKO NG SCAMMERS NA CARGO COMPANIES SA OFWs, DAPAT NANG MATIGIL

RAPIDO Ni PATRICK TULFO ILANG buwan nang hawak ng inyong lingkod ang problema ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang mga bagahe na ilang taon at buwan nang hindi nakararating sa kanilang mga mahal sa buhay rito sa Pilipinas. Sa ngayon, bukod sa nauna nang inireklamo sa amin na Allwin Cargo, CMG, Kabayan Express Cargo, natisod pa namin ang iba pang cargo company na nang-aabandona ng mga bagahe ng OFWs. Mula sa mga padala muna sa UAE, meron na rin kaming hawak na rek­lamo na mga bagaheng mula Australia, Canada…

Read More

MAY PANALO SA HYBRID WORK ARRANGEMENTS

ANO ang epekto sa mga kumpanya at ano ang mga ­benepisyong idudulot sa mga manggagawa ng ­pagpapalawig ng work-from-home scheme ng Department of Labor and Employment? Pinalawig ang WFH o hybrid work arrangements para mahikayat ang stakeholders na ipatupad ang telecommuting ­programs. Ang Department Order 237 na nilagdaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ay naglalaman ng nirebisang ipinatutupad na panuntunan ng Republic Act 11165 o Telecommuting Law. Pabor din ito sa business outsourcing (BPO) na mga ­kumpanya dahil tuloy ang tax perks at tuloy ang WFH option habang inililipat ang…

Read More

“KARDING” NAGTALA NG MINIMUM CASUALTY DAHIL SA MAAYOS NA DISASTER RESPONSE

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO MINSAN pang napatunayan na kapag maayos ang namumuno ay magiging maayos din ang pagsunod ng kanyang mga ­nasasakupan. Isang matibay na halimbawa rito ang nakaraang Super Typhoon Karding na talaga namang nagdala ng malaking pangamba sa mga dinaanan nitong mga lugar sa Southern, Central at Northern Luzon. At tulad nga ng forecast ng PAGASA ay talagang napakalakas ang paghagupit ni Karding sa iba’t ibang lugar na nagresulta sa ­pagkasira ng mga imprastraktura at pananim sa maraming bahagi ng Luzon. Habang isinusulat ang kolum na ito…

Read More

DOON SA AMIN SA SIERRA MADRE

DPA Ni BERNARD TAGUINOD NOONG bata ako, sikat na ­sikat ang kantang Sierra Madre ni Coritha, hindi lamang sa aming mga kabataan kundi maging sa nakatatanda sa amin dahil bahagi ang lugar namin sa Cagayan sa kabundukan ng Sierra Madre. Napakalaking pasasalamat kasi namin sa Sierra Madre dahil kung wala ang kabundukang ito, matagal nang wash-out ang Lambak ng Cagayan sa mapa ng Pilipinas. Nasa kabila lang kasi ng Sierra Madre ang Pacific Ocean kung saan nagmumula o nabubuo at nagpapalakas ang bagyo bago tumama sa kalupaan kaya malimit kaming…

Read More

PARANGAL SA NAMATAY NA 5 RESCUERS, KULANG

PUNA Ni JOEL AMONGO HINDI lang dapat matapos sa kaliwa’t kanang parangal o pagkilala ang ibigay sa ­limang rescuers na namatay sa San Miguel, Bulacan sa kasagsagan ng Super ­Typhoon Karding kamakailan. Sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby ­Bartolome, Jerson Resurrecion at Narciso Calayag, Jr., ay pawang mga miyembro ng ­Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan. Ayon sa Facebook page post ni Bulacan Vice Governor Alex Castro, ang limang rescuers ay namatay habang naghahanda sa kanilang isasagawang rescue operations sa pananalasa ng ST Karding sa…

Read More

SOBRA SA TRABAHO, KULANG SA SWELDO

SOBRA-SOBRA ang trabaho at mas malawig na oras sa gawain ang nararanasan ng mga guro. Dahil dito, nanawagan ang Teachers’ ­Dignity Coalition (TDC) sa Department of Education (DepEd) na maglabas ng malinaw na polisiya sa working hours ng mga guro makaraang lumitaw ang ulat na ang mga guro ay binibigyan ng sobrang trabaho at mas mahabang oras ng pagtuturo. Ang ibang guro ay sapilitang nagtatrabaho nang sobra sa anim na oras dahil kulang ang personnel. Nagkakaroon ng malaking bilang ang isang klase kaya sumisikip ang silid-aralan at humahaba ang oras…

Read More