SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG INAABANGAN na ng marami ang 2022 Philippine 10-Ball Open Tournament ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. Kung hindi ako nagkakamali, gaganapin ito mula Oktubre 24-31, 2022 sa Hardtimes Sports Bar sa Timog Ave., Brgy. South Triangle, Quezon City. Magkakaroon naman ng qualifiers sa nasabi pa ring venue. Ang entry fee ay nagkakahalaga lamang ng P300 kung saan magkakaroon ng double knockout at single knockout events (Top 64). Ang event na ito ay handog sa lahat ni Cong. Teves katuwang ang…
Read MoreCategory: OPINYON
AKSYON NI CASTILLON, NASA DWDD NA
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP MAYROON nang bagong matatakbuhan ang mga OFW at kanilang pamilya sakaling mangailangan sila ng payong legal. Sinimulan na kasi ni Attorney David Castillon sa programang Bantay OFW sa DWDD 1134 Khz sa AFP AM Radio ang pagbibigay ng libreng pagpapayong legal. Bukod sa makabuluhang impormasyong legal ay handa rin tumulong si Atty. Castillon sa mga pangangailangan ng ating mga OFW at kanilang pamilya. Ang programang Bantay OFW ay mapakikinggan sa radio DWDD 1134 KHz tuwing Biyernes simula alas-6 hanggang ala-7 ng gabi na…
Read MoreBAGONG COMPUTER PROGRAM NG PNP-FEO NAGDULOT NG MALAWAKANG PROBLEMA
RAPIDO Ni PATRICK TULFO BAGO pa man pumutok ang istorya ukol sa pagloloko ng sistema sa pagrerehistro ng baril at pagkuha ng lisensya sa Firearms and Explosive Ordnance (FEO) ay naisulat na po ng inyong lingkod ang problema, matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa ilang security agencies tungkol sa mabagal na pagbibigay ng Firearms Record Verification ng FEO. Ayon sa impormante, ang dating sistema na dapat ay aabutin lang ng ilang oras ay inaabot na ng ilang araw at ang itinuturong salarin ay ang bagong “computer program” na ginagamit…
Read MoreTELCOS MAKUPAD!!!
PRO HAC VICE Ni BERT MOZO KAILANGAN din marahil na silipin na rin ng lehislatura kung anong dapat na ipataw na parusa sa mga telecommunications company sa bansa na mabagal umaksyon sa pagbabalik ng kanilang operasyon o signal ng kanilang mga cell site kapag mayroong mga kalamidad na tumatama sa bansa, kagaya ng Super Bagyong Karding. Kagaya na lamang sa bayan ng Panukulan sa Quezon, sa Polillo Island, na dalawang araw na ay wala pa ring signal ang mga cell site ng mga telco na napakahalaga para sa subscribers…
Read MoreLAYLAYAN NG LIPUNAN, NAGAGAMIT NG POLITIKO
KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO MAHIRAP talaga maging mahirap lalo na kung nakararamdam ka ng pang-aapi o kaya ‘yung alam mo naman na tama ka pero ‘di ka napakikinggan. ‘Yung may katuwiran ka naman pero lumabas na ikaw pa ang may kasalanan, madalas na tawag dito ay kawalang katarungan at kaapihan. Madalas ito ang nararamdaman ng mga taong walang sinabi sa lipunan o mga taong nasa laylayan, mga urban poor ‘pag nasa lungsod, na totoo naman sila ang nagiging biktima kapag hindi maayos ang pamunuan ng isang bayan o institusyon. Sabi…
Read MoreNASAAN ANG MGA PARTY-LIST?
DPA Ni BERNARD TAGUINOD TUWING nagkakaroon ng kalamidad sa iba’t ibang parte ng ating bansa, ang tanging umaayuda lang sa mga biktima ay ang national government sa pamamagitan ng local executives. Merong iilang foundations at mga indibidwal na may kaya sa buhay ang tumutulong pero ang hinahanap at inaabangan ko ‘yung mga kinatawan ng mga party-list na nakaupo sa Kongreso… pero wala ata. Ang party-list congressmen ay parang traditional politicians din na nag-iikot sa buong bansa kapag panahon ng kampanya at nangangako ng tulong kapag sila ay naluklok sa Kongreso.…
Read MoreNOT ONCE, BUT TWICE
PUNA Ni JOEL AMONGO HINDI lang isang beses, kundi dalawang beses nang nabibiktima ng “fake news” sa kidnapping ang Caloocan City Police. Noong Setyembre 22, 2022, nagsalita sa media si P/Col. Fernando Del Rosario, hepe ng Caloocan City Police, na naloko raw sila ng isang babae na nakilalang si alyas “Sam” na nagpasaklolo sa kanila matapos tangkaing dukutin ng isang lalaking nakamotor sa isang lugar sa nasabing syudad. Base sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na ang sinasabing tangkang kidnapping kay alyas “Sam” ay walang katotohanan. Ayon kay Col. Del Rosario,…
Read MoreBUTATA NA NAMAN ANG MGA KRITIKO NI PBBM
OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO NOONG panahon ng kampanya para sa pampanguluhang halalan nitong 2022 ay kabi-kabila ang paninira ng mga kritiko ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa umano’y malamang na hindi siya kikilalanin ng international community partikular ng Estados Unidos, sa sandaling magwagi siya sa eleksyon. Pinaputok pa nila na hindi raw siya makapupunta sa US dahil daw sa mga kaso na kinahaharap niya kaugnay ng mga bintang na tagong yaman ng kanilang pamilya, na alam naman ng lahat na walang katotohanan. Dahil nga sa sobrang paninira nila sa…
Read MoreMURANG DIESEL MULA RUSSIA MALAKING TULONG SA EKONOMIYA
ITO ANG TOTOO ni Vic V. VIZCOCHO, Jr. NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Pilipinas sa bansang Russia tungkol sa pagbili ng “fuel” at iba pang produkto tulad ng “agricultural products”, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa isang panayam habang siya ay nasa bansang Estados Unidos. Ito Ang Totoo: isa ito sa mga hakbang upang maibsan ang lumalalang “inflation” dala ng giyerang Russia at Ukraine na nagbubunga ng sobrang pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo sa buong mundo na nagpapahirap naman sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon sa Pangulo, hindi…
Read More