SA PAMUMUNO NI GOV. HELEN TAN LALO PANG AANGAT ANG QUEZON PROVINCE!

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TIYAK na lalo pang-aangat ang lalawigan ng Quezon sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Helen Tan. Pinagtutuunan ng pansin ngayon ni Tan ang pagsuporta sa mga negosyo. “Sinuong natin ang maputik na palayan at malalim na ilog upang mabisita ang Dairy Farm sa Barangay Bagong Silang, Guinayangan Quezon. Kasama ang mga kawani ng Quezon ­Provincial Agriculture, tiningnan natin ang kalagayan ng ­lumalagong dairy farm na ito,” wika ni Tan. Sinasabing batay sa datos ng Philippine Statistics ­Authority (PSA), tumaas ng 9.5 percent ang…

Read More

ARNELL IGNACIO, SAKTONG-SAKTO SA OWWA

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP SINO ang mag-aakala na ang isang singer-actor-comedian ay mapupunta sa public service at ang hahawakan pang posisyon ay ang pangangalaga ng kapakanan at karapatan ng mga OFW. Sa simula ay kinuwestiyon ang kakayahan ni Deputy Administrator Arnell Ignacio na ngayon ay isa nang ganap na administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Sinabi na wala siyang alam pagdating sa kalakaran ng gobyerno dahil isa lamang itong artista at komedyante. Ngunit lingid sa kaalaman ng maraming mga OFW, si Administrator Ignacio ay unang itinalaga…

Read More

SISTEMA NG SOSIA, BAKIT DAW PABAGU-BAGO KAPAG NAGPAPALIT NG LIDERATO?

RAPIDO Ni PATRICK TULFO TANONG ng isang kakilala na may-ari ng security agency, bakit daw kapag nagpapalit ang Philippine National Police (PNP) ng hepe nito at iba’t ibang heads sa branches nito ay bakit daw pati ang sistema ng renewal ng lisensiya ng security agencies ay binabago rin? Natatagalan daw ngayon ang pagbibigay ng documentary requirements tulad ng Firearms Record Verification (FRV) ang SOSIA (Supervisory Office for Security and Investigation ­Agencies) dahil binago nito ang computer program sa pagbibigay ng ­naturang dokumento, ­nangangapa tuloy ang mga gumagamit nito. Hindi katulad…

Read More

MAKALAYA NA SANA SI MARY JANE VELOSO

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO KASALUKUYANG nasa Indonesia si President Ferdinand ­”Bongbong” Marcos Jr. para sa makasaysayan at kauna-­unahan niyang state visit bilang pangulo ng ating bansa. Bagama’t inaasahang tatalakayin sa pagbisitang ito ang ­pagpapatibay pa sa diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa, hindi rin maiwasang umasa ang mga tao na mabibigyang pansin din ang kaso ni Mary Jane Veloso. Sa mga hindi nakakaalam, 12 taon nang nakakulong ngayon sa Indonesia si Mary Jane dahil sa kasong pagdadala ng iligal na droga roon. Pero maraming Pilipino, kabilang na ang dating Pangulong…

Read More

KAHIT ANONG LAKING PROBLEMA MAY SOLUSYON

KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO ESTABLISH a big idea, an idea that can solve a big problem, kaya kung ang problema mo ay kung paano mo magagawa na kumausap ng maraming tao ay napakalaking challenge talaga ito. Naalala ko pa dati, kailangan kong humingi ng referral sa mga kapitan at sa mga kakilala para dumami ang prospect ko bagay na napakahirap gawin, sa bawat lapit mo sa kakilala, kung hindi ka magagastusan, ang iba ay lalaitin ka pa. Naghahanapbuhay lang naman ako, pero bakit ‘pag dumarating ako ay para akong may…

Read More

PELCO III INIREREKLAMO SA MATAAS NA SINGIL SA KURYENTE?

PUNA Ni JOEL AMONGO NAGKAISA ang mga miyembro at opisyales ng North Grove Residences Homeowners Association, Inc. na ireklamo ang Pampanga Electric Cooperative Incorporated (PELCO III) dahil sa biglang pagtaas ng 40% ng kanilang bills sa kuryente sa nakalipas na tatlong buwan ng taong kasalukuyan. Sa sulat ng North Grove Residences Homeowners Asso­ciation kay Mr. Rich Bravo, director ng PELCO III San Simon, Pampanga noong Agosto 27, 2022 na pinirmahan nina Eduardo Muhi, HOA president; Rizalde Clarin, HOA vice president, at Michelle Agatep, HOA secretary, inireklamo nila ang biglaang pagtaas…

Read More

SINO MAY SALA SA PERSONALIZED TEXT SPAM?

DPA Ni BERNARD TAGUINOD BAGO nagkaroon ng pandemya, nangongolekta na ng personal information ang iba’t ibang establisyemento at maging ang government offices sa mga taong pumapasok sa kanilang opisina at tindahan. Lalong lumala ang pangongolekta noong kasagsagan ng pandemya para daw sa contact tracing sakaling may magkaroon ng kaso ng COVID-19 sa lugar na pinuntahan ng mga tao. Nananakot ang gobyerno sa mga taong naglalagay ng maling impormasyon tulad ng ­pangalan, mobile numbers at kung saan nakatira sa tila attendance sheet dahil may katumbas na ­kaparusahan daw. Ang karaniwang may…

Read More

PAGBABALIK NG E-SABONG INAABANGAN NA NG BAYANG SABUNGERO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TALAGANG inaabangan na ng bayang sabungero ang pagbabalik ng operasyon ng online cockfighting. Ngunit kung ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang tatanungin, hindi pa raw alam ng board nila kung ihihinto ang operasyon ng e-sabong tulad ng utos ni noo’y Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang naging pahayag ni PAGCOR chief Alejandro Tengco na nagsabing kokonsultahin pa raw nila si Pres. Bongbong Marcos ukol sa usapin. Hindi naman daw magtatagal ay pagdedesisyunan na ito. “I have not had a chance to discuss…

Read More

SA SUBIC FREEPORT: “STUPID” DAW ANG “SCHOOL” SABI NG DAYUHAN

ITO ANG TOTOO NI VIC V. VIZCOCHO, JR. TINAWAG na “stupid” ng isang dayuhang residente ng Subic Bay Freeport ang mga paaralan sa Kalayaan Housing dahil lamang sa nagkabuhol-buhol ang daloy ng mga sasakyan sa tapat nito sa unang araw ng “face-to-face” classes nitong ­nakaraang Linggo. Ito Ang Totoo: Dalawang magkatabing paaralan, ang Special Education Center for the Gifted (SPEDG) na ­elementarya at Regional ­Science High School (RSHS), ang nasa “area,” kapwa kilala sa kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral. Kung tutuusin, pwede ­naman maiwasan ang ­”vehicular traffic” pero…

Read More