DPA Ni BERNARD TAGUINOD KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) sa kanilang budget hearing sa Kongreso, na mahigit 20 million doses ng COVID-19 vaccines ang nag-expire na lamang. Sayang naman! Pero hindi inaamin ng DOH kung anong brand ng bakuna ang nag-expire gayong tuloy-tuloy naman ang kanilang pagbabakuna, hindi nga lang agresibo pero kahit papaano ay marami pa rin ang nagpapabakuna. Dahil hindi nila sinasabi kung anong brand, marami tuloy ang naniniwala na mga gawang China na Sinovac ang nasayang na mga bakuna dahil inaayawan ito ng mga Pilipino. Kung…
Read MoreCategory: OPINYON
PINAS, PASULONG BA O PAURONG?
PUNA Ni JOEL AMONGO NAPAKARAMING katanungan ang taumbayan sa gobyerno ngayon, kung kailan naging computerized na ang proseso ng mga tanggapan nito ay saka naman naging matagal ang pag-iisyu ng tinatawag na government identifications (IDs). Ayon sa mga nakausap ng PUNA, kung dati, ang postal identification na iniisyu ng PhilPost ay nakukuha sa loob lamang ng isang araw, ngayon ay umaabot na ng dalawang buwan. Hindi na rin agad nag-iisyu sa loob ng isang araw ng Social Security System (SSS) Identification card, sa halip ay aabutin na rin ito ng…
Read MorePITMASTER FOUNDATION, INC. MAJOR SPONSOR SA CLIMATE CHANGE FORUM
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TULOY-TULOY ang charity efforts ng Pitmaster Foundation, Inc. Katunayan, aba’y isa ito sa major sponsors sa gaganaping National Climate and Disaster Emergency Policy Forum na gaganapin sa Discovery Primea Hotel, Ayala Avenue, Makati City bukas, September 22, 2022. Sinasabing ang event ay dadaluhan ng lima sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos. Wala kasi ang Pangulo sa Pilipinas dahil dumadalo ito sa mas mahalagang aktibidad sa Amerika. Kasama sa mga inaasahang a-attend sa forum sina Secretaries Benjamin Diokno, Arsenio Balisacan, Raphael…
Read MoreHARINAWA
PRO HAC VICE Ni BERT MOZO OPTIMISTIKO si PANGULONG FERDINAND “BONGBONG” MARCOS, JR., na kanyang makakausap si US PRESIDENT JOE BIDEN, ito’y upang mapag-usapan at lalo pang mapaganda ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos para matiyak at mas lalo pang lumakas ang bilateral relations ng dalawang bansa dahil na rin sa patuloy at matagal na rin namang pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika. Bukod sa naturang hangarin ni PBBM ay naniniwala rin itong mas lalo pang mapalalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa tulong na rin ng ating mga kababayan sa…
Read MorePATAPOS NA ANG PANDEMYA
NABABANAAG na ng World Health Organization na magtatapos na ang pandemya sa COVID-19. Naitala ang pinakamalaking pagbaba ng mga kaso kamakailan mula nang sumulpot ang pandemya noong Marso 2020. Ngunit may babala si Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na igihan ang pag-iingat at mga hakbang habang papalapit na ang pagtatapos ng pandemya. Nanawagan ang WHO sa mga bansa na agapan ang pagbagsak ng mga kaso para tuluyan nang mawala ito. Kung magpapabaya ay posibleng muling lumaki ang mga kaso at ang sumulpot ang ibang variants. Hindi mauunsyami ang magandang kalalabasan ng…
Read MoreMAY PERA BA SA THIRD PARTY PROVIDER?
KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO TALAKAYIN naman natin ngayon ang may kaugnayan sa third party provider. Maraming natutuwa lalo na kung ang pag-uusapan ay mga online platform, kasi naman kahit nasa bahay ka lang, darating na ika nga sa harapan ng iyong pintuan ang lahat ng iyong kailangan. Nakabawas ka na rin sa pagpila kung ang pag-uusapan ay ang mga ahensya ng gobyerno na talaga namang isusumpa mo ang pagpila lalo na kung nakikita mong ang mga empleyado na pinasasahod ng taumbayan na bukod sa halos ayaw magtrabaho, ay masusungit pa.…
Read MoreMALAKI ANG TIWALA NG MGA PINOY KAY PBBM
OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO SA kabila ng walang humpay na pagbatikos na ginagawa ng mga kritiko sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, matibay pa rin ang paninindigan at tiwala ng mayorya ng mga Pinoy sa kanya. Alam kasi ng ating mga kababayan na wala naman talagang hangad ang mga kritiko kundi sirain at lahat ay gagawin nila upang mabigo sa kanyang misyon si PBBM na paunlarin ang bansa at gawing masagana ang pamumuhay ng ating mamamayan. At isa sa mga katibayan na talagang popular nga si PBBM ay ang…
Read MoreSIGA SA PINAS
DPA Ni BERNARD TAGUINOD LAKI ako sa Tondo at napansin ko na ang mga siga noon sa aming lugar ay lehitimong mga residente. Kung baga, doon na sila ipinanganak, lumaki, nagkaisip hanggang sa gustong maghari. Kapag may dayo sa aming lugar, pinagtitripan ng mga siga para marahil maipakilala nila ang kanilang sarili na sila lang ang pwedeng maghari-harian sa kanilang lugar at wala nang iba pa at sino man ang babangga sa kanila ay may paglalagyan. Wala na akong balita sa mga siga noon sa aming lugar. Naglaho na sila.…
Read MoreRET. POLICE, 2 PA INIREKLAMO SA PANUNUTOK NG BARIL
PUNA Ni JOEL AMONGO PAANONG magkakaroon ng respeto sa mga awtoridad ang mga ordinaryong mamamayan kung sa kanila mismo manggagaling ang pang-aabuso? Ang binabanggit po natin ay ang reklamo ni Marlon Robert Banez, Jr., residente ng Aguardiente, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City laban kay Martin Quiambao, retiradong pulis at dalawa pang kasamahan nito, ng #51 Pugong Ginto St., Aguardiente, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City. Batay sa reklamo ni Banez sa Barangay Hall ng Sta. Monica, dakong alas-10:30 ng umaga noong Setyembre 9, 2022, dumating si Quiambao kasama ng…
Read More