KAILANGAN ANG MASUSING PAG-AARAL

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO HINDI maitatanggi na nakakaalarma ang ilang kaganapan sa public health system front partikular ang patuloy na pagtaas ng kaso ng ­COVID-19 sa bansa na isa nga sa pinakahuling tinamaan ay walang iba kundi si Pangulong Bongbong Marcos mismo. Mabuti naman at hindi malubha o severe ang naging kondisyon ni PBBM at kailangan lamang niyang sumailalim sa one-week isolation, kung saan ay patuloy naman niyang nagagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang pangulo at ama ng bansa. Inaabangan na rin ng mamamayan kung sino ang magiging bagong…

Read More

HINDI NAMAN BIG TIME

DPA Ni BERNARD TAGUINOD HINDI maituturing na big time ang rollback na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw, Martes, nasa P80 level pa rin ang presyo ng mga produktong petrolyo. Mahigit anim na piso lang ang ibababa ng presyo ng bawat litro ng diesel, gasolina at gaas at marami nga ang natatakot na pagkatapos ng price rollback na ito ay muling magtataas ng mas malaki ang mga kumpanya ng langis. Ilang buwan na ang nakararaan, nagbaba ang oil ­companies ng mahigit P5 sa presyo ng kanilang mga pro­duktong…

Read More

ESTAFA VS NANDARAYA SA 4Ps?

PUNA Ni JOEL AMONGO LAGOT, may paglalagyan na ang mga nandaraya sa pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Hahabulin daw kasi ng bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Secretary Erwin Tulfo ang mga manloloko, kakasuhan sila ng estafa. Hindi n’yo kayang bulagin si Sec. Tulfo dahil matinik na mediaman ‘yan, lahat maging sino ka man ay kaya niyang banggain. Kaya kayong mga hindi dapat tumatanggap o hindi kwalipikado na mabigyan ng ayuda ng 4Ps magbalut-balot na kayo dahil nalalapit na ang inyong mga…

Read More

PAGSIBOL NG PAG-ASA

SA nakalipas na anim na taon, sukdulang kawalang pag-asa ang sentimyento ng mas nakararaming Pilipino, bunsod ng pamamayani ng karahasan sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte, ang malawakang katiwalian, pag-abuso, kawalan ng hanapbuhay, ­maruming pulitika na mas pinalala pa nang sumulpot ang lintek na pandemya. Sa pagpapalit ng administrasyon, muling nabuhayan ng pag-asa ang sambayanan sa kamay ng bagong pangulo. Patunay nito ang mataas na antas ng pag-asang naitala sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS). Ayon sa SWS, 46% ng mga Pilipino na nasa hustong gulang ang…

Read More

SERYOSOHIN NA ANG DISIPLINA SA DAAN

ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO, JR. BALIK lansangan o daan ang topic natin, kailangan dahil ang lansangan ay parang ugat ng katawan ng tao na kapag may problema ay apektado ang buong sistema. Ito Ang Totoo: Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, maraming pangyayari ang nagaganap sa daan, may hindi sinasadya, at may sinasadya, dahil walang disiplina o kaya ay sadya lang tanga. Marami ring klase ng daan, may expressway, national highway, provincial road, barangay road at iba pa. Sa Expressway tulad ng SCTEx at National Roads sa…

Read More

BI CHIEF DAPAT HINDI DUWAG

BISTADOR Ni RUDY SIM MASUSING dumaraan sa matinding pagsasala ang ­ilang ahensya ng pamahalaan na hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin ang bakanteng posisyon, upang ­maging makatotohanan ang isa sa mga naipangako sa sambayanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong kampanya, na magkaroon ng malinis at tapat na paglilingkod sa bayan upang ang korapsyon sa ­gobyerno ay masugpo. Isa sa mga ahensya ng pamahalaan na may maraming bilang ng mga aplikante bilang “commissioner” ay ang Bureau of Immigration (BI) na sa kasalukuyan ay pansamantalang nagtalaga si Department of…

Read More

MGA EO NI PBBM, PANALO NG BAYAN

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA SA pagpasok ng bagong administrasyon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang ika-17 na Presidente ng Pilipinas, marami ang nag-aabang sa magiging istilo ng pamamahala at sa mga ­magiging prayoridad nito. Sa unang linggo ng kanyang opisyal na pamumuno, makikita na ang prayoridad nito ay ang iakma ang istraktura ng administrasyon sa kanyang plano upang masigurong magiging mas episyente ang kanyang pamamalakad sa bansa. Dalawang executive order (EO) agad ang inilabas ni PBBM sa unang linggo ng kanyang pamamahala. Sa…

Read More

HAMON SA PABAHAY

KASABAY ng pagdami ng populasyon ay ang pagtaas ng antas ng pangangailangan ng ­disenteng tahanan sa mamamayang Pilipino. Sa nakalipas na mga taon, tila nawaglit ito sa mga nagdaang administrasyong piniling iwan sa real estate developers ang problema sa pabahay. Ito mismo ang hamon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), isang bagong kagawarang binigyan ng mandatong isulong ang programang magbibigay-daan na magkaroon ng maayos na bahay ang bawat pamilyang Pilipino. Ang totoo, hindi biro ang mandato ng DHSUD lalo pa’t nahaharap sa matinding problema sa pananalapi ang…

Read More

BUTI NAMAN

DPA Ni BERNARD TAGUINOD MARAMI ang natuwa sa desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na buwagin ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil parang wala naman yatang malalaking tao na sangkot sa katiwalian ang kanilang naipakulong. Bukod diyan, may low ranking officials daw ng PACC ang power tripper at ginagamit ang ahensya para balikan ang mga opisyal ng gobyerno na kanilang nakabangga bago sila na-appoint sa komisyon. Binuo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang PACC sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 43 matapos siyang magalit kay dating Ombudsman Conchita…

Read More