BBM PAUPUIN MUNA

INCOMING President Bongbong Marcos, ‘di pa nga nakakapanumpa binabatikos na ng mga kritiko nito! Paupuin ninyo muna saka na ninyo ­hanapan ng butas. May kumalat pa sa social media na di-umano ay magkakaroon ng victory celebration si BBM sa Amanpulo sa Palawan. Ito ay isang malaking fake news, ayon mismo sa tagapagsalita nito na si Atty. Vic Rodriguez dahil ultimo ang pamunuan ng resort sa nasabing isla ay nagsabi na wala silang natanggap na reservation para sa bagong halal na pangulo. Ang Amanpulo ay kilala sa buong mundo dahil sa…

Read More

BI EMPLOYEES NANAWAGAN KAY BBM

NANANAWAGAN ang ilang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) kay presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maging maingat sa pagpili sa ­maaaring i-endorso ng ilang grupo na mga opisyales na ilalagay sa matataas na puwesto sa BI kabilang ang Port Operations Division na siyang naging kontrobersyal kamakailan dahil sa Pastillas scheme kung saan isinangkot ang ilang mga tauhan ng ahensya, na maaaring makasira umano sa magandang hangarin ng pamahalaang Marcos na pagbabago sa pamahalaan. Naging usap-usapan sa BI ang umano’y posibleng pagtatalaga ng Department of Justice (DOJ) kay…

Read More

BAGONG MUKHA NG ILLEGAL GAMBLING

SA kumpas ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kontrobersyal na e-sabong ay kanyang pina­hinto, kasabay ng direktiba sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa agarang tigil operasyon ng online talpakan. Ang totoo, agad namang kumilos si DILG ­Secretary Eduardo Año. Katunayan, isang kalatas ang agad niyang ibinaba sa Philippine National Police (PNP) at sa local government units (LGUs) para sa sabayan, kung hindi man pinag-isang operasyon, laban sa e-sabong operators na matigas ang ulo. Ang betting stations, agad na ipinasara ng LGUs bilang tugon sa direktiba ni…

Read More

SABLAY SI VINCE SA DOTr

UMAANGAL ang ­maraming empleyado ng Department of Transportation dahil sa umuugong na balita na plano umanong kunin ni ­incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, bilang miyembro ng kanyang gabinete si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president at CEO Vince Dizon, bilang susunod na ka­lihim ng Department of Transportation (DOTr). Ilan sa mga kawani ng DOTr ang nagsabi na marami naman ang mas karapat-dapat na maaaring mamuno sa kagawaran kesa kay Dizon na anila ay may kaduda-dudang record at ilang beses na ring nasangkot sa mga anomalya at kontrobersya. Maging ang…

Read More

KARANGALAN SI BBM BILANG PRESIDENTE

SA nasyunal eleksyon, ­naging MANTRA ni President-Elect Bongbong Marcos ang PAGKAKAISA, tungo sa isang maunlad at matiwasay na bansa. Isang malinis na hangarin. Hindi po ba? Maluha-luha po ang inyong lingkod habang sinasabi ni President-Elect BBM na gusto niya ang mamamayang Pilipino ay magsasabing “AKO AY PILIPINO, TAAS NOO KAHIT KANINO”. Busilak ang puso ni BBM, hindi lamang ang kanyang sarili ang iniisip, kundi ang ­sambayanang Pilipino. Kaya naman, magkaisa tayo at suportahan ang kanyang napakagandang layunin. Sa ngayon, ikinararangal ko talaga ang kanyang pagka­panalo bilang Presidente ng Pilipinas. Biruin…

Read More

TANGGAPIN NA LANG KASI

HINDI makauusad ang ating bansa kapag hindi marunong tumanggap ng pagkatalo ang iilan sa ating mga kababayan sa resulta ng eleksyon noong Mayo 9, 2022 na pinanalunan ni Bongbong Marcos. Ang petisyong inihain ng isang grupo sa Korte Suprema para ipatigil ang presidential at vice presidential canvassing ng dalawang kapulungan ng Kongreso na magsisimula sa Mayo 24, ay hindi makabubuti sa ating bayan. Hindi lang si presumptive President Marcos ang kanilang tinatarget dito kundi ang buong bansa sa kabuuan. Tila ayaw nilang umusad ang ating bansa at para bang sinasabi…

Read More

GAPANGAN SA SENATE PRESIDENCY

HINDI pa man ganap na nagbubukas ang 19th Congress, kanya-kanyang gapang na ang ginagawa ng limang senador na pawang umaasinta sa iiwanang pwesto ni Senate President Vicente Sotto III. Kabilang sina Sen. Cynthia Villar, Majority Leader Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Joseph Victor Ejercito, Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Francis Escudero – lahat sila ay miyembro ng mayorya sa senado. Sa limang interesado, medyo lamang sina Villar at Ejercito na may kaanak na kapwa senador pagsapit ng Hunyo. Hindi naman nagpapaiwan sina Zubiri at Gatchalian na diumano’y agresibong nakikipag-usap sa…

Read More

ILLEGAL E-SABONG SITES, NAMAMAYAGPAG NA NAMAN

MATINDI na ngayon ang mga nangyayari mula nang ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng online sabong sa bansa. Kung maaalala, sinuspinde ang e-sabong operations, batay na rin sa rekomendasyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año. Nagsagawa raw ng survey ang DILG ukol sa “social impact” ng e-sabong sa mga mamamayanang Pilipino. Doon ay tinukoy ng DILG ang mga hindi pa rin nareresolbang pagkawala ng ilang mga sabungero sa bansa. Isa raw sa mga masasasamang impluwensiya ng online sabong sa mga Pinoy ay ang…

Read More

OFW HOSPITAL DINADAGSA NA NG MGA OFW

LABIS-LABIS ang aking kaligayahan noong pormal na binuksan ang OFW Hospital sa San Fernando, ­Pampanga noong nakaraan Mayo 1 taong kasalukuyan. Ito kasi ang isa sa aking pangarap at bandang huli ay naging aking adbokasiya. Bagaman, naisakatuparan na ang pagkakaroon ng unang OFW Hospital, ay naniniwala ako na sa bagong administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong”Marcos, ay maisasakatuparan naman ang pagkakaroon ng OFW hospital ward sa lahat ng regional at provincial hospital sa buong Pilipinas. Matapos ang inauguration ng OFW Hospital noong nakaraang Mayo 1 taong kasalukuyan, ay nagsimula na rin…

Read More