PAGSAPIT NG Hunyo 30, ganap nang maisasakatuparan ang giit na liderato ng hindi bababa sa 31 milyong Pilipino – ang makasaysayang pag-upo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo. Kasabay niyang uupo sa pwesto ang mga napiling katuwang sa iba’t ibang departamento – hudyat ng pagtatapos ng pamamayagpag ng ilang buwaya sa gobyerno. Babala ni Marcos Jr. sa mga kasabay niyang manunungkulan sa gobyerno – kakapunin niya sinumang makitaan ng bulilyaso, kesehodang kaalyado o rekomendado ng mga malalapit sa kanya. Hindi rin aniya siya magdadalawang isip na palitan agad…
Read MoreCategory: OPINYON
PAGTATALAGA NI BBM KAY ERWIN TULFO SA DSWD, WISE DECISION
OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO MUKHANG nagpapakitang-gilas agad si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary-designate Erwin Tulfo, ilang araw pa lamang matapos ianunsyo ng kampo ni President-elect Bongbong Marcos ang kanyang pangalan bilang kalihim ng naturang departamento. In fairness, mukhang maganda ang mga plano ni Tulfo, na kilalang takbuhan ng mga mahihirap at inaapi, sa naturang ahensya. Katulad ng pangako niya na siya ay magiging kalihim na madalas makikita “on the ground” na magtatrabaho sa mismong mga komunidad na nangangailangan ng tulong. Ito ang hinahanap ngayon ng taong…
Read MoreSINDIKATO NG CHINA IN-EXPORT SA PINAS?
DPA Ni BERNARD TAGUINOD KILALA ang China sa mga produktong walang katibay-tibay na nagkalat at ibinebenta hindi lamang sa mga lansangan kundi sa online dahil marami silang produktong peke na ine-export sa ating bansa. Pero hindi lang ang mga pekeng produktong ‘made in China’ ang in-export sa ating bansa kundi ang kidnap for ransom (KFR) syndicate ng Chinese nationals na pumupunta sa ating bansa bilang mga turista. Karagdagan ‘yan siyempre sa drug syndicate ng Chinese nationals dahil sila naman talaga ang nagdadala ng mga ilegal na droga sa ating bansa…
Read MoreTIWALA SA MAINSTREAM MEDIA MABUBURA NA KAYA?
HUDYAT na kaya ito na unti-unti nang nawawalan ng tiwala ang nakararaming mga Pilipino sa mga anchor sa television networks (mainstream media)? Na-PUNA po kasi natin sa nagdaang dalawang presidential elections noong 2016 at nitong katatapos na May 9, 2022 ay pumatok sa nanalong mga presidente ang social media platform. Unang nakinabang dito ay si outgoing President Rodrigo Roa Duterte na nakapagtala ng boto na 16,601,997 o 39.01% kumpara sa kanyang katunggali na si Mar Roxas na may 9,978,175 boto o 23.45%. Nakapagtala ng 6,623, 822 lamang si PRRD laban…
Read MoreSABLAY SA EXPANDED DISCOUNT PARA SA SENIOR CITIZENS, PWDs
MATAGAL nang naisabatas ang garantiyang diskwento sa senior citizens at mga taong may kapansanan, subalit tila kapos pa rin ang saklaw ng mga naturang batas – partikular ang Republic Act 9994 (Expanded Senior Citizen Act) at RA 7277 (Magna Carta for Disabled Persons). Kamakailan lang nang pagtibayin ng Kamara ang resolusyong nag-aatas sa mga ahensya ng gobyerno na agarang maglabas ng guidelines kaugnay sa pagbibigay ng diskwento sa online transactions ng senior citizens at persons with disabilities (PWDs). Sa unang tingin, maski sinong senior citizen o PWD ay malulugod sa…
Read MoreNAIPIT SA AMONG NAG-AAWAY, NAPAUWI NG AKOOFW AT OWWA
NAIPIT sa nag-uumpugang bato ang naging kalagayan ni Kimberly Duclayan dahil sa “away-mag-asawa” na humantong sa paghihiwalay ng kanyang mga amo. Ayon sa sumbong na ipinadala ni Kimberly sa AKOOFW, nakarating siya sa bansang Kuwait sa pamamagitan ng Naptron International Manpower Agency noong Setyembre taong 2017. Tapos na ang kanyang kontrata noon pang Setyembre 2021 kaya kung tutuusin ay mahigit na siyang 4 na taon naninilbihan sa kanyang amo na walang uwian o bakasyon. Sa loob ng panahon na iyon ay hindi na rin nire-renew ng kanyang amo ang kanyang…
Read MoreSINDIKATO NGA BA ANG NASA LIKOD NG PATAYAN SA BOC?
MGA Igan, hindi kaila sa atin ang mga nangyayaring pananambang sa Bureau of Customs, ilan nga rito ay nagbuwis ng buhay. Sino nga ba ang nasa likod nito? Haitz! Despalinghado ang ating mga INTEL! Ambot! Salamat naman sa tropa ni Bureau of Customs ESS Dir. Yogi Ruiz, isang pulis ang inaresto, at sinasabing ito’y suspek sa pag-atake sa limang kawani. Ang tanong bakit kaya pulis? Ambot sa kambing na may bangs! Nakapagtataka lang at kaagad itong namatay. Sadya bang pinatay? May nais bang pagtakpan? Namatay raw dahil sa pang-aagaw ng…
Read MoreSAGOT NI SEC. ERWIN TULFO SA MGA KRITIKO
HINDI pa man nagsisimula ang kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroon nang maikling mensahe sa kanyang mga kritiko ang mamamahayag na si Erwin Tulfo na bigyan muna siya ng pagkakataon na magawa ang kanyang tungkulin bago siya husgahan. Sa aming panayam sa premyadong brodkaster, sinabi nito na binibigyan niya ang sarili ng anim na buwan hanggang isang taon na mabago ang DSWD. Dahil kung hindi ay siya na mismo ang magsasabi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanggalin siya at ibigay na lang…
Read MoreKAHANDAAN SA FACE TO FACE?
SA kabila ng nagbabadyang muling pagsirit ng mga kaso ng nakamamatay na COVID-19, iginigiit ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga paaralan. Hindi maikakailang mas mabisa ang paraan ng pagtuturo sa ilalim ng F2F set-up, subalit higit na angkop marahil na isaalang-alang muna ng naturang departamento ang kaligtasan ng mga kabataang ayon sa pambansang bayaning Gat Jose Rizal ay ang pag-asa ng ating bayan. Ayon kay outgoing Education Secretary Leonor Briones, inaasahan niyang siyento-porsiyentong makababalik sa face-to-face ang klase sa lahat ng antas at sa…
Read More