“WAG na kayong maghangad ng gold (medal) sa Olympics!” Ito ang buod ng sagot ni Filipino Olympian Eumir Marcial sa mga pumuna sa kanyang pahayag na kakulangan ng suporta sa kanya ng Association of Boxing Alliance of the Philippines (ABAP) at Philippine Sports Commission (PSC) sa gitna ng kanyang paghahanda para mabigyan ang Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya mula sa Olimpiyada. “Kung ganyan ang suporta at mentality ninyo, ‘wag kayong maghangad ng gold sa Olympics,” ang halatang nababagot, naiinis na post ng 25-anyos na Zamboangueño sa kanyang Facebook account bilang…
Read MoreCategory: OPINYON
SAYANG ANG MGA PUNO
HINDI ko masisisi ang mga taong tutol sa pagtatayo ng vaccination hub sa Nayong Pilipino sa Parañaque City dahil sayang ang mga punong kailangang putulin sa nasabing lugar. Kahit pa sabihin natin na gagastusan iyan ng pribadong sektor, hindi pa rin nararapat dahil napakaraming gusali na puwedeng paglagyan ng vaccination site para mabakunahan ang mga taga-Metro Manila. Maraming eskuwelahan na hindi nagagamit dahil distance learning ang sistema ng pagtuturo ngayon dahil sa COVID-19 pandemic. Sa katunayan, sa mga eskuwelahan isinasagawa ng mga Local Government Units (LGUs) ang bakunahan sa kanilang…
Read MorePUNA SA MABAGAL NA ROLL OUT NG COVID-19 VACCINES
NANGANGAMBA si Dr. Tony Leachon, dating miyembro ng COVID-19 task force na posibleng masayang lang ang ilang bakuna na dumarating sa bansa kung hindi agad ito maipamamahagi ng gobyerno sa dapat na pagbibigyan nito. Ngayon pa nga lang na ‘di pa dagsa ang pagdating ng mga bakuna mula sa iba’t-ibang bansa ay mabagal na ang roll out nito, lalo pa kung sabay-sabay na ang pagdating nito sa bansa. Ilan sa mga bakuna na dumarating sa bansa ay hanggang dalawang buwan lang ang itatagal hanggang expiration date nito. Kaya kung hindi…
Read MoreBI COMM KAPIT TUKO SA PUWESTO?
TILA isang teleserye na gaya ng Ang Probinsyano ni idol Coco Martin ang walang kamatayan na pag-abang ng mga taga Bureau of Immigration kung kailan mapapalitan sa pwesto si Commissioner Jaime Morente. Maituturing na raw kasi itong overstaying sa pwesto kaya dapat lang ay palitan na ito. Kamakailan ay isang balita ang kumalat sa ahensya na isang retired Colonel umano mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakaabang na papalit kay Morente anumang araw. Ililipat naman umano si Morente sa mas tahimik na puwesto dahil na rin sa…
Read MoreMGA SENADOR AT KONGRESISTANG NAGBALEWALA SA MGA MAGSASAKA
DALAWANG senador ang alam kong madalas na magsalita para sa buhay, interes at kinabukasan ng mga magsasaka. Sa Kamara de Representantes, kung hindi ako nagkakamali ay dalawa rin ang kinatawan ng mga magsasaka. Nakatitiyak ako na kung sila ang tatanungin ay pihadong napakahalaga sa kanila ang mga magsasaka dahil ipinagtatanggol nila ang isa sa mga batayang sektor ng ating lipunan. Ngunit, kung uunawaing mabuti ay hindi talaga nakatulong ang dalawang senador at dalawang kongresista sa mga magsasaka. Pokaragat na ‘yan! Hindi nila kinakastigo nang husto kailanman ang Department of Agriculture…
Read MoreTechnical men, kailangan ng Pambansang Delegasyon sa global meet
PATULOY ang pagdami ng mga Filipinong atletang kakatawan sa bansa sa darating na XXXII Games of the Olympiad na nakatakdang ganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan. Walo na ang opisyal na magdadala ng pambansang watawat sa tuwing ika-apat na taong palaro na tinatawag ding “The Greatest Sports Show on Earth.” Ito ay matapos na ang baguhang rower na si Chris Nievarez ay hindi inaasahang nakapasa sa 2021 Asia-Oceania Continental Olympic Qualifiers ng kanyang sport na ginanap mismo sa Tokyo noong nakalipas na linggo. Si Nievarez, isang…
Read MoreIstriktong protokol ipatutupad sa pagbabalik ng PBA
Ni EDDIE ALINEA ANG pagkatuloy ng 46th Season ng PBA ay nakasalalay pa rin sa istriktong pagsunod ng 12 miyembrong koponan sa itatakdang mga bagong protokol ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID). Ito ang nakapaloob sa mensaheng ipinadala ni PBA Commissioner Willie Marcial kahapon hinggil sa pagbibigay permiso ng IATF-MEID para makapag-ensayo na ang teams bago magsimula ang season sa Hunyo. Plano ng liga na magsagawa ng dalawang conference ngayong taon. Ipinarating ni Kume ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng isang zoom meeting sa…
Read MoreEXODUS
NOONG isang gabi narinig ko ang kanta ni Gloc 9 na “wala nang natira” sa kapitbahay. Tungkol ito sa mga nag-aabroad na mga Filipino mula sa Nurses, Doctor, Engineer, guro hanggang sa karpintero at kasambahay. Dati, marami raw tayong supply ng mga ito pero ngayon ay wala ng natira dahil nag-aabroad sila kung saan naniniwala silang naroon ang kanilang kinabukasan pati na ang kanilang pamilya. Hindi lang naman dito sa Pilipinas ito nangyayari dahil kahit ang China, nag-aabroad ang kanilang mamamayan kaya sila ang tumatanggap ng pinakamalaking remittances ng dolyar…
Read MoreMAYOR MALAPITAN DAPAT KINASUHAN DIN SA GUBAT SA CIUDAD?
MARAMING nagtatanong bakit limitado lang daw kay Brgy. 171 Bagumbong Chairman Romeo Rivera ang kaso at hindi raw isinama si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan? Hindi lang naman kapabayaan ni Chairman Rivera, kundi kapabayaan rin daw ni Mayor Malapitan ang nangyari bilang ama ng siyudad. Kung sa Brgy. 171 o sa Bagumbong, ang ama ay si Chairman Rivera, ama rin naman si Mayor Malapitan ng siyudad ng Caloocan. Kaya dapat daw ay magkasama sila sa kinasuhan ng kasong administratibo. May punto ang sinasabi ng ating mga taga subaybay. Ano…
Read More