KONTRA – MANGGAGAWA SI DUTERTE

LAHAT naman ng naging pangulo ng Pilipinas ay hindi maganda ang pagtrato sa manggagawa kung ihahambing ang mga patakaran at direktibang inilabas para sa mga negosyante o kapitalista. Syempre , higit na kinampihan at sinuportahan ng mga pangulo ang mga negosyante kaysa mga manggagawa. Kabilang diyan si Pangulong Rodrigo Duterte. Sabihin n’yo kung mali ako. Kastiguhin ninyo ako kung kumbinsido kayo na ­napakaraming nagawa si Duterte para sa mga manggagawa simula nang maging pangulo siya noong Hunyo 2016 hanggang ngayong malapit nang matapos ang kanyang termino. Ang kakaiba kay Duterte…

Read More

MGA OFW NAKATUTOK SA PAGLIKHA SA DOFIL

PORMAL nang tinapos ni Senador Joel Villanueva, Chairman ng Senate Committee on Labor and Employment ang mga pagdinig at public consultation sa usapin ng pagbuo ng Department of Overseas Filipinos (DOFIL). Nagsimula na rin ang pagpupulong ng Technical Working Group (TWG) upang pagsama-samahin ang mga nabuo sa naganap na Senate Committee ­hearing at pati na rin ang mga rekomendasyon ng iba pang mga senador. Kapag natapos na ng TWG ang pag-consolidate ng mga panukalang probisyon ay bubuuin na ang Committee report na ipapasa para sa review bago tuluyang isalang sa…

Read More

DOH NA NAMAN???

ANO ba yan? Sa halip na makatulong sa kinakaharap na pandemya ng bansa, aba’y wala palang inatupag itong isang kamag-anak umano ng isang opisyal ng Department of Health kundi ang magkamal ng limpak-limpak na salapi sa pagpapapasok ng gamot na Remdesivir para magamit sa mga tinamaan ng COVID-19? Hala, kaya pala malaki ang pagtutol ng DOH sa paggamit ng Ivermectin na isang anti-parasitic oral medicine at sinasabing anti viral medicine din, dahil daw wala pang pag-aaral sa naturang gamot? At ang masaklap ay siniraan pa ito ng DOH dahil ang…

Read More

PROTOCOL SA VACCINES PASS DI PA MALINAW

MILYONG katao na ang nakakumpleto ng 2 bakuna simula noong Marso 1 pero wala pang inilalabas ang Department of Health (DOH) na protocol hinggil sa vaccine pass na hawak ng mga tao na ebidensya na nabakunahan na sila. Bawat Local Government Unit (LGUs) ay may sariling vaccine card para sa mga mamamayan nila na nabigyan na ng bakuna na nagpapatunay na sila ay nabakunahan na. Mukhang may nakakalimot na naman sa DOH at maging sa Inter-agency task force (IATF) sa vaccine pass protocols dahil hanggang ngayon ay walang abiso kung…

Read More

DENR-NCR INUTIL SA PAGTUGON SA SUMBONG

NOONG nakaraang Huwebes, Mayo 13, 2021 may nagsumbong sa PUNA na may pinuputol na puno sa Pugong Ginto St., Agaurdiente, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City. Pati litrato ng puno na pinuputol ay ipinadala sa atin ng ating tagasubaybay. Ang ginawa natin ay hinanap natin ang page ng Department of Environment and Natural Resources National Capital Region (DENR-NCR) at sinubukan nating imessage ito. Kasabay ng message natin nung Huwebes, ala-1:01 ng hapon sa DENR-NCR ang litrato ng puno na pinuputol sa pamamagitan ng chainsaw. Ito ang reply, pero ang alam…

Read More

NILOLOKO NILA ANG MAMAMAYAN KUNG LAHAT SILA AY NAKAPOKUS SA COVID-19

MAHIGIT apat na buwan na lang ay magaganap na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga tatakbo mula sa pagiging pangulo ng bansa hanggang konsehal ng bayan. Ngunit, sabi nina Bise – Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na hindi pa nila iniintindi sa ngayon ang eleksyong darating. Ang kanilang atensiyon ay nakatuon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) hindi sa politika. Pokaragat na ‘yan! Sina Robredo, Moreno/Domagoso at Go ay mayroong interes na tumakbo sa ­pagkapangulo ng…

Read More

ALIAS JC LITTLE COMMISSIONER NG BI?

DAPAT imbestigahan ng bagong talagang Chief ng Philippine National Police (PNP) at Action Man na si Director General ­Guillermo Eleazar ang isang aktibong opisyal ng PNP. Sa kabila na wala na ito sa Bureau of Immigration ay siya pa rin ang maituturing na little Commissioner ng BI na diumano ay mas makapangyarihan pa sa ibang matataas na opisyales ng ahensya. Si Alias JC ay itinalaga noon ni BI Commissioner Jaime Morente ilang taon na ang nakakaraan matapos sumabit ang mga dati niyang tauhan sa 50 Million Pesos na bribery scandal.…

Read More

DOFIL SINIMULAN NANG HIMAYIN NG SENADO

MATAPOS ang maraming buwan na paghihintay ay natapos na rin ang isinasagawang Senate Committee hearing na pinamumunuan ni Senador Joel Villanueva ng Senate Committee on Labor and ­Employment. Sa pagtatapos nito ay ­sinimulan naman ang pagpapatawag sa mga stake ­holders upang maging kabilang sa ­Senate Technical Working Group (TWG) upang himay-himayin, pagsama-samahin at talakayin ang iba’t ibang bersyon ng batas na isinampa ng mga senador. Kabilang dito ang mga ­senate bills nina Senador Christopher Go na Senate Bill 1949 at Senate Bill 202, Senate Bill 1848 ni Senador Joel Villanueva,…

Read More

MAS PINALAWAK AT MAS PINAGHUSAY NA SERBISYO NG BAYAD

SA pagkakaroon ng bagong normal ngayong panahon ng pandemyang COVID-19, napakahalaga para sa mga kumpanyang naghahatid ng iba’t ibang uri ng produkto at serbisyo ang umangkop sa mga pagbabagong dulot ng pandemya upang patuloy na makapaghatid ng mahusay na produkto’t serbisyo sa publiko. Upang makatulong sa pag-iwas sa virus, mainam kung ang mga transaksyon gaya ng pagbabayad ng bills, mga serbisyo, at pamimili ng iba’t ibang produkto ay maaaring gawin online upang hindi na kailangan pang lumabas ng bahay ang mga konsyumer. Kaugnay nito, ang isa sa pinakakilala at pinagkakatiwalaang…

Read More