PONDO NG OWWA, NAUUBOS NA NGA BA?

MATAPOS na lumabas sa balita ang panawagan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III para sa karagdagang pondo ng Overseas ­Workers Welfare Adminsitration (OWWA) upang matustusan ang gastusin ng mga OFW na nasa quarantine area, maraming mga OFW ang nangangamba na sila na ang babalikat sa pagbabayad sa hotel, transportasyon at pagkain sa panahon ng kanilang quarantine sakaling umuwi sa Pilipinas. Nitong Abril 29, 2021 ay isinagawa ang regular OWWA Board of Trustees meeting na pinamumunuan ni Sec Bello at doon ay aming napag-usapan ang tunay…

Read More

IMMIGRATION ASSISTANT TIRADOR NG EXCLUDED PASSENGERS

ISANG immigration assistant na nakatalaga sa Border Control Intelligence Unit (BCIU) ng Bureau of Immigration ang diumano ay tirador ng mga dayuhang excluded passengers sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA. Siya raw ang madalas na nakikitang nag-aayos bilang fixer ng mga kawawang dayuhang biktima sa main office ng BI sa Intramuros Maynila. Itago natin siya sa alias na GL at kasabwat umano niya ang mga tiwaling tauhan ng BCIU at TCEU na nakabase sa NAIA. Ang mga taga BCIU at TCEU ang siya naman daw naglalakad ng Recall of…

Read More

MAHUSAY NA SERBISYO NG TELEKOMUNIKASYON AT INTERNET HATID NG RED FIBER

ISANG taon mahigit mula nang magsimula ang ­pandemyang COVID-19, patuloy pa rin ang ating bansa sa paglaban kontra COVID-19. Bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng ­COVID-19 kada araw, tila matatagalan pa bago bumalik sa normal ang takbo ng ating buhay. Habang hinihintay ang pagdating ng mga dosis ng bakuna para sa lahat, patuloy rin ang pagpapatupad ng iba’t ibang uri ng mga community quarantine sa bansa. Bilang resulta, marami ang nagtatrabaho at nag-aaral mula sa kani-kanilang tahanan. Sa ganitong panahon lumalabas ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay at…

Read More

NATUTUYO ANG BUKID

PARA masiguro ang pagkakaroon ng food security sa ating bansa, kailangang mapaunlad pa ang ating irrigation system at tubigan sa lahat ng bukid hindi lamang ang mga nasa palayan. Kung mapapansin nyo, limitado ang sistema ng ­ating irigasyon dahil ­tanging ang mga bukid lamang na tinataniman ng palay ang mayroon nito. Ito rin ang dahilan kaya dalawang beses lang kada taon nakapagtatanim at nag-aani ang karamihan sa mga magsasaka. May mga magsasaka sa bansa tulad ng mga taga-Nueva Vizcaya ang tatlong beses na nagtatanim at nag-aani ng palay dahil nabiyayaan…

Read More

COVID-19 SA INDIA NAKAAALARMA NA

KUNG mananatiling pasaway ang mga Pinoy ay hindi malayong matulad tayo sa bansang India. Hindi biro ang daan-daang libong naitatala sa India na nahahawaan ng COVID-19. Dalawa hanggang mahigit tatlong libo o pataas pa ang namamatay sa kanila dahil sa sakit na ito. Nagkalat na ang mga patay sa kanilang bansa na mistulang mga basura na lamang kung sunugin ang mga bangkay. Hindi na rin kayang ma-accommodate ng kanilang mga ospital ang mga may COVID-19 dahil sa dami ng mga nahahawaan araw-araw. Mayroon na raw ­kasing bagong variant ng ­COVID-19…

Read More

Dagok sa layon ni Eumir para sa unang gintong medalya sa Olimpiyada

NAANTALA na naman ang ­paghahanda ni Filipino Olympian Eumir Marcial para sa darating na XXXII Games of the ­Olympiad na gaganapin sa ­Tokyo simula Hulyo ng taong ito. Dumating sa Pilipinas ang middleweight Olympic qualifier na tubong Zamboanga para dalawin ang may karamdamang amang si Eulalio at sana’y samahang muli ang pambansang koponang nakatakdang lumahok sa Asian Elite Men and Women Boxing Championships sa May 21-31 sa New Delhi. Subalit ang nasabing torneo sa India ay ipinagpaliban at inilipat sa Dubai ng Asian Boxing Confederation simula Hulyo. Naging dahilan ito…

Read More

MACHO CHIQUITO NG BI MAY SUOT NA MAHIWAGANG BRIEF

KUNG ang mga kilalang super hero gaya nina Batman at Superman ay lantarang nakalabas ang kanilang underwear aba’y meron namang isang opisyal sa Bureau of Immigration na ayaw ilantad ang itinatago niyang sikreto. Yun ay ang size ng kanyang underwear. Alam n’yo bang naging usap-usapan sa NAIA ang isang senior citizen na immigration officer na diumano ay jowa nitong si Macho Chiquito? Itago na lang natin siya sa pangalang Aling Beth. Bago daw magkaroon ng pandemya ng COVID-19 ay nagpunta pala sa Hongkong si Aling Beth. Ang pakay raw ng…

Read More

APALGU AT AKOOFW NAGSANIB PWERSA PARA SA MGA OFW

PORMAL nang nagsanib pwersa ang Association of  Philippine Administrator of Local Government Unit (APALGU) at ang Advocates and Keepers Organization of OFW Inc (AKOOFW) upang lalong palakasin ang pagpapalaganap ng impormasyon na may kinalaman sa kapakanan at karapatan ng mga OFW at pamilya ng mga OFW . Kinikilala ng APALGU ang kahalagahan ng pagbibigay ng suporta  at pagkilala sa sakripisyo ng bawat pamilya ng OFW na halos bawat kalye sa bawat barangay ay mayroon mga OFW. Ang APALGU ay isang samahan ng mga tinatawag na mga “Little Mayor” dahil ito…

Read More

P60-B KITA NG KARTEL NG MGA IMPORTER NA BABOY

PABOR na pabor sa mga importer ng karne ng baboy ang ­Executive Order No. 128 (E.O. 128) na inisyu ni Pangulong ­Rodrigo Duterte dahil, ayon sa ilang senador, aabot hanggang P60 bilyon ang kikitain ng ­naturang mga negosyante. Sa E.O. 128, pinayagan ang mga importer na mag-angkat hanggang 100 metro – toneladang iba’t ibang parte ng baboy. Ang nasabing 100,000 minimum access volume (MAV) na maaaring angkating mga baboy ay napakalaki mula sa 43,000 metro – tonelada. Maliban diyan, ibinaba ni Duterte sa limang porsiyento ang taripa o bayad na…

Read More