DAPAT lang magkaisa ang sambayanang Filipino na idepensa ang ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) laban sa modern day conqueror na China dahil ang susunod na lahi ang makikinabang dito. Maliban dun sa mga Pinoy na makapili o traydor sa bayan, palagay ko nagkakaisa ang Lahing Kayumanggi na ipagtanggol ang ating teritoryo na gustong sakupin ng buong-buo ng China. Mantakin nyo, hindi pa sila kontento sa 7 isla na kanilang sinakop mula 1995, pinupuntirya rin nila ang Julian Felipe Reef at maging ang Pag-asa Island na isa nang munisipalidad…
Read MoreCategory: OPINYON
KAHIT BAWAL ONLINE SABONG TULOY
SA kabila ng pagiging ilegal ng online sabong ay nananatili pa rin ito sa kanilang operasyon. Ang lakas pa ng loob nang mga nasa likod nito dahil nagagawa pa nilang makapagpost sa social media ng schedule ng kanilang tupada. Bakit nga ba ilegal ang online sabong na kung tawagin din ng iba ay electronic o e-sabong? Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO General Manager Royina Garma, wala itong permiso o clearance mula sa gobyerno. Bukod dito, kakumpetisyon na ito ngayon ng mga legal na sugal na kanilang iniendorso…
Read MoreTOTOHANIN NG BFAR ANG PAGKILOS LABAN SA CHINA
NAPAKAINIT na isyu sa kasalukuyan ang pagpasok, pag-iikot at pagtambay ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS). At tila hindi naman literal na tahimik ang pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa ginagawa ng China. Nagsalita na si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. laban sa mga barko ng China na walang takot na pumasok sa WPS. Maliban diyan, Ilang beses nang naghain ng diplomatic protest si Locsin sa China laban sa pananatili ng mga barko nito sa Julian Felipe Reef. Noong Marso pa nagsimulang tumambay ang mahigit 300…
Read MoreAlamat ni Manny Pacquiao (Ika-27 Bahagi) Paano nangyari ang Pacquiao-Mayweather?
NOONG panahong wala nang pag-asang pagsabungin ang Pilipinong may hawak ng korona ng WBO welterweight na si Manny Pacquiao at walang talong si Floyd Mayweather Jr., biglang umeksena ang isang Pilipinong part-time actor cum waiter na nagpresintang kaya niyang mamagitan upang matuloy ang sagupaan ng dalawa. Noong ika-7 ng Enero 2010 ay nagpahayag si Bob Arum, CEO ng Top Rank Promotions at pangunahing promoter ni Pacquiao, na kanselado ang lahat ng negosasyon para sa pinakahihintay ng mundo ng boksing na sagupaan ng dalawang pinakamagaling na mandirigma sa ibabaw ng ring.…
Read MoreAlamat Ni Manny Pacquiao (Ika-26 Bahagi) Kambal na masaker sa Macau
TAONG 2013 at 2014 nang muling ipamalas ng Pilipinong si Manny Pacquiao ang kanyang kakayahang bumangon mula sa pagkakadapa at ituloy ang kanyang misyon bilang boksingero – magpaligaya ng tao. Pinili ng noon ay 28 taon nang beterano sa pakikipagbasagan ng mukha ang Cotai Arena, Macau para doon supilin ang mga ambisyosong humamon sa kanya na sina Brandon Rioz at Chris Algieri. Sariwa pa sa alaala ng marami ang mapait na kambal na pagkatalo ni Manny sa kamay ni Timothy Bradley (split decision sa 12) at Juan Manuel Marquez (KO…
Read MoreSI JOY AT INDAY
ANG laki ng pagkakaiba bilang lider ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon City at Mayor Inday Sara Duterte ng lungsod ng Davao. Si Mayor Inday Sara mabilis magpasya, agad na kumikilos at umaaksyon kapag may nakitang namumuong problema. Habang si Mayor Belmonte, teka-teka at saka lang gagalaw kapag nagkabulilyasuhan na o may nangyari nang hindi maganda. Kitang-kita ang performance ng dalawang babaeng alkalde sa mga itinatayong community pantry. Nagsimula ito sa Maginhawa Street sa Quezon City na pinangunahan ni Ana Patricia Non at nasundan ito sa iba’t ibang panig ng…
Read MoreMAYOR CRISTY ANGELES, TUNAY NA NAGMAMALASAKIT SA MGA OFW NG TARLAC CITY
MABIBILANG sa daliri ang mga alkalde na aking hinahangaan dahil sa pagpapakita ng tunay na pagmamalasakit sa ating mga kabayaning OFW. Una sa listahan ng aking hinahangaan na alkalde ay si Mayor Cristy Angeles ng Tarlac City. Ginagampanan ni Mayor Cristy ang role ng pagiging ”guardian” o Nanay ng mga pamilya ng mga OFW. Kamakailan nga ay may lumapit na pamilya ng OFW na humihingi sa kanya ng tulong. Hindi na nagdalawang salita ang pamilya nito at agad ay ipinarating sa akin ang kanilang suliranin. Ngunit bago pa man niya…
Read MoreANO NGA BA TAWAG SA MGA TAONG BIGAY BAWI?
KUNG ako po ang tatanungin, tama si Lt. General Antonio Parlade Jr., na tawagin niya ang ilang mga Senador na estupido! Sino namang matinong mambabatas na matapos nilang payagan o pirmahan ang isang batas at pondohan upang maisakatuparan ito, ( ang tinutukoy ko po ay ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict’s NTF-ELCAC) ay karakarakang babawiin nila ito dahil lang sa hindi nagustuhan ang mga binitiwang pahayag sa mga interbyu ng media. Tinutukoy ko ang sinabi ni General Parlade na babala sa mga tao na sinasamantala…
Read MoreKONTRAPELO ANG FDA-DOH
HINDI ko alam kung gusto ba talaga ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na makawala na sa pandemya ang sambayanang Filipino o hindi dahil parang kontrabida sila sa lahat ng mga ginagawa ng mamamayan para makaiwas at magamot ang sarili laban sa COVID-19. Maraming Filipino ang gumagawa ng sariling paraan para maproteksyunan ang kanilang sarili sa COVID-19 pero lahat ng kanilang ginagawa ay hindi pinapaboran ng FDA at DOH. Sa pagdinig sa Kamara noong nakaraang linggo, pinuna ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang DOH…
Read More