NAGKAISA na ang mga mataas na opisyal ng gobyerno na suportahan ang mga nagsusulputang community pantries sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa ating pananaw, isa itong ‘wise decision’ na ginawa ng gobyerno dahil imbes na awatin ay tulungan na lang para sa isang makabagong bayanihan na ang pasimuno ay mismong ang ating mga kababayan. Napakasarap din kasi sa pakiramdam na nakatutulong tayo sa iba sa abot ng ating makakaya. Kung hindi kaya na bigyan ng ayuda ang lahat ng mga Filipino lalo na ang mga mahihirap, sa pamamagitan ng…
Read MoreCategory: OPINYON
PAHAYAG NI SUAREZ TUNGKOL SA SPUTNIK GAMALEYA KWESTYUNABLE
KINUMPIRMA ni Gobernador Danilo “Danny” Suarez na napakatalamak na ng atake ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Quezon dahil mahigit 9,800 ito. Inamin ito ni Suarez sa “Report to the Nation” ng National Press Club (NPC). Mula sa nasabing bilang, 400 katao na ang mga namatay sa Quezon dahil sa COVID-19. Maganda ang lingguhang talakayan ng NPC dahil mabu-bunyag ang mga katotohanan sa maraming isyu mula sa mismong mga sangkot na opisyal ng pamahalaan, kabilang na ang mga kontrobersiyal tulad ni Suarez, dahil binubusisi at diretsahang tinutumbok nina…
Read MoreCHINESE NATIONAL NAGBAKASYON SA NAIA
TUMATAGINTING na 700 Thousand Pesos ang offer umano ng handler ng isang Chinese national sa kung sinumang travel agency o immigration employee na maaring makatulong sa dayuhan na mabawi ang exclusion order laban sa kanya at hayaang makapasok ng bansa. Ayon sa BI Exclusion Order No. POD T2-21-03-006, si ZHANG XIAMENG na ipinanganak noong October 22, 1982 at may passport number E78851482 ay dumating sa NAIA terminal 2 noong March 18 sakay ng Philippine Airlines PR315 galing Tianjin , China. Pero hindi siya nakalusot sa pagsusuri ni immigration officer Teves…
Read MoreAKOOFW SUMUGOD SA BAHAY NI TATAY PEPITO SA CORDOVA, CEBU
IDINULOG sa aming programa sa radyo sa DWDD 1134 KHz AM na UP UP Pilipinas nitong nakaraang Miyerkules ang sitwasyon ng pagmamaltrato at isa pang hindi makauwing OFW dahil sa pagkakaroon ng malaking pagkakautang. Sa aming panayan nina BGen. Gerry Zamudio, Coco Naic, Bhong David, Emil Carreon at Ma Fe Nicodemus ay malungkot na ikinuwento sa amin ang pagmamaltrato at panghahalay sa isang domestic worker na OFW. Naiyak naman ako habang nagkuwento ang isa pang matandang OFW na hindi makauwi sa Pilipinas dahil sa pagkakautang. Si Philip Badrina ay magkahalo…
Read MoreONE MERALO FOUNDATION, KAISA SA LABAN KONTRA COVID-19
NGAYONG panahon ng pandemya, napakahalaga ng pagtutulungan sa pagitan ng iba’t ibang sektor ng lipunan lalo na’t patuloy na tumataas ang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) mula ika-24 ng Abril, ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay 989,380 na. Hindi magtatagal ay aabot na sa isang milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Bagama’t nananatiling malubha ang sitwasyon ng bansa bunsod ng pandemyang ito, hindi naman dapat mawalan ng pag-asa dahil sa aktibong…
Read MoreMayor Sarah napipisil na maging susunod na pangulo ng bansa
ISANG taon at 12 araw pa bago dumating ang pampanguluhang halalan sa ika-9 ng Mayo sa 2022. Subalit ngayon pa lamang ay nagsisimula nang pag-usapan kung sino-sino ang malamang na tumakbo para pumalit sa kasalukuyang nananahan sa Palasyo ng Malakanyang na si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa survey kamakailan ng Pulse Asia, lumabas na malamang na Duterte pa rin ang pumalit na punong tagapagpaganap sa bansa sa darating na eleksyon. Sa naturang survey ng Pulse Asia noong nakaraang Huwebes, ang Presidential daughter na si Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio ang napipisil…
Read MoreINDUSTRIYALISASYON NASAAN NA?
ISA sa pangako ng gobyernong Duterte ay ang magtayo ng sariling industriya sa Pilipinas dahil marami naman tayong mga raw materials na makukuha mula sa ating mga likas na yaman o natural resources. Walang bansa kasi ang yumaman na hindi isang industrial country o walang sariling industriya at umaasa lang sa mga supply mula sa ibang bansa, kasama na ang Pilipinas dyan. Wala tayong maipagmamalaking produkto at kung meron man kayong mabiling mga bagay sa ibang bansa na “made in the Philippines” ay karaniwang mga produkto na dito lang ginawa…
Read MoreLABAN O BAWI NI USEC DIÑO
SOBRA nang nakatatawag ng pansin ang mga pulitiko na may planong tumakbo sa eleksyon sa 2022. Panay na kasi ang pagsakay nila sa mga isyu partikular na rito sa mga nagsulputang community pantries. Isa sa mga sumakay itong si Undersecretary Martin Diño ng DILG. Umaani siya ngayon ng mga batikos dahil gusto niya na kumuha muna ng permit o clearance mula sa lokal na pamahalaan ang mga nagsasagawa ng community pantries. Katawa-tawa ang hirit ni Usec kaya pinuputakte tuloy siya ngayon ng mga PUNA lalo na ng ating mga netizens.…
Read MoreHidilyn Diaz, halimbawa ng atletang inapi pero nakabangon
TIYAGA, lakas ng pag-iisip at pananampalataya sa Diyos ang sa loob ng apat na taong nakalipas ay naging sandata ni Filipino weightlifter Hidilyn Diaz sa kanyang pagbangon para muling buhayin ang muntik nang nasirang pangarap dala ng kawalan ng tiwala ng mga sports leader sa bansa. Kaya ipinamalas ni Hidilyn sa lahat ng hindi naniniwala sa kanya na kaya niyang bumalikwas mula sa pagkabigo sa 2014 Asian Games tungo sa pagkakamit niya ng silver medal noong XXXI Games of the Olympiad sa Rio de Janeiro noong 2016. Mula noon ay…
Read More