LABIS-LABIS ang kaligayahan ng mga pinuno ng iba’t ibang samahan ng mga OFW sa buong mundo matapos na mapanood ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginanap na webinar na may temang Labor Mobility and Human Rights: Examining Migrant Labor Governance in the Middle East. Ito ay inorganisa ng Department of Foreign Affairs sa pakikipagtulungan ng Minisitry of Human Resources and Social Development ng bansang Saudi Arabia at International Organization for Migration at University of the Philippine-CIFAL. Sa mensahe ni Pangulong Duterte ay kanyang binigyan diin ang kanyang panawagan…
Read MoreCategory: OPINYON
PASTILLAS AT ISYU SA HUMAN SMUGGLING, PAKANA DAW NG MGA AMBISYOSONG IMMIGRATION OFFICERS?
BAGO pa man pumutok ang isyu patungkol sa Pastillas scheme at Human Smuggling ay mayroon nang isang grupo ng mga immigration officers at ilang tiwaling opisyal na naka destino sa main office ng Bureau of Immigration ang nagsabwatan umano upang mag alok ng impormasyon sa Senado kapalit na makuha ang puwesto bilang Chief ng Port Operations Division ng BI sa airport. Ayon sa ating source, taong 2019 pa lamang ay sumugod na ang ilang mga MIB o Men in Black na naka todo uniporme pa ng BI at nagtungo sa…
Read MoreBATAYAN SA MALING DESISYONG PROTESTANG ELEKTORAL WAKASAN NA
TOTOO namang matatapos na ang termino ni Bise – Presidente Maria Leonor Robredo sa Hunyo 30, 2022. Ngunit, hindi pa rin tapos ang isyu hinggil sa pagkapanalo ni Robredo dahil hindi nakakakumbinsi ang desisyon ng Korte Suprema, bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), sa protestang elektoral ni dating Senador Ferdinand Marcos II. Hindi ito isyu ng “move on na tayo” dahil magkakaroon na uli ng halalan sa Mayo 2022 kung saan makapipili muli ang mga botante ng panibagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa. Kakitiran ng utak kapag ikinahon natin sa…
Read MoreAlamat ni Manny Pacquiao (Ika-24 Na Bahagi) Paano tinahak ni Manny ang daan tungo sa walong dibisyong kampeonato
Ni EDDIE ALINEA LABINDALAWANG taong singkad at ‘di matingkalang pawis at dugo ang pinuhunan ni Manny Pacquiao para mapasa-kamay ang karangalang maging kaisa-isang boksingero na nanalo ng walong pandaigdig na korona. Nagsimulang umani ng titulo ang ipinagmamalaki ng lahing Pilipino noong 1998, tatlong taon matapos siyang matutong magsuot ng glab, nang patulugin niya sa ikawalong round ang Thai na si Chatchai Sasakul at ariin ang korona ng lineal flyweight, na kauna-unahan niyang pandaigdig na kampeonato. Sa kasamaang palad, kung gaano kabilis niyang nakamit ang korona ay ganoon din kadaling nawala…
Read MoreQCPD NAGSARILI NG DISKARTE?
KUNG pagdududahan ang mga community pantry na isang pagtulong sa kapuwa ay itinayo diumano ng mga taong may koneksyon sa mga makakaliwang grupo, parang sinabi ng mga awtoridad na mas mabuti ang ginagawa ng mga ito kaysa sa kanila. Ganun ba yun mga Sir? Akalain mo ba namang pagdudahan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) si Ana Patricia Non na siyang pasimuno ng community pantry na may koneksyon daw sa partido komunista ng Pilipinas? Saan kaya humugot ang mga mga pulis na ito ng kabobohan at bakit…
Read MorePRICE CEILING SA IMPORTED NA KARNE DAPAT
WALANG plano ang Malacañang na iurong ang kanilang Executive Order (EO) 128 na pagpapabaha ng karne ng baboy sa Pilipinas para punan daw ang kakulangan ng supply na naging dahilan nang paglobo ng inflation rate sa mga nakaraang mga buwan. Walang silbi ang mga resolusyon na nakatakdang ipasa ng Senado at Kamara para iurong ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil mayroon siyang veto power. Pero hindi pinag-uusapan kung pagdating ba ng milyong milyong kilo ng karne ng baboy sa Pilipinas ay makakasiguro ba tayong mga consumers o ang mga…
Read MoreHUWAG KAYONG PALOLOKO SA MGA POLITIKO SA ELEKSYON
HINDI lang boboto ang mga botante sa magiging pangulo at panagalawang pangulo ng bansa, kundi maging sa mga tatakbo sa pagkasenador, kongresista, gobernador, bise – gobernador, alkalde at maraming iba pang posisyon. Ang hindi lang kasama sa halalan sa Mayo 2022 ay ang mga punong barangay, mga kagawad ng barangay at mga tserman ng Sangguniang Kabataan (SK), sapagkat sa Disyembre 2022 pa ang kanilang halalan. Sa eleksyong magaganap, payo ko ay huwag kayong paloloko sa mga politikong tatakbo sa eleksyon. Huwag na huwag kayong paloloko sa lahat ng mga kandidato…
Read MoreAlamat Ni Manny Pacquiao (Ika-23 Bahagi) 8th Wonder of the World
Ni EDDIE ALINEA MAKARAANG muling mabigo ang ikalawang negosasyon na pagsabungin ang naghaharing WBO welterweight champion na si Manny Pacquiao at wala pang talong Amerikano na si Floyd Mayweather Jr., nasumpungan na lamang ng Pilipino na kalabanin sa ring ang hamak na mas malaki sa kanyang si Antonio Margarito. Itinakda ang pagtutuos ng dalawa noong Nobyembre 13, 2010 sa At&T Stadium, Arlington, Texas para sa bakanteng kampeonato ng WBC super welterweight (light-middleweight). Kapag nanalo ang Pambansang Kamao, magiging kaisa-isa siyang nilalang sa kasaysayan ng sweet science na hahawak ng korona…
Read MorePURO NGAWA WALA NAMAN GAWA
BAKIT kaya idinadamay na ng mga politikong puro ngawa ala namang gawa ang mga barangay o community pantry sa mga isyung ibinabato sa gobyerno? Hindi ba puwedeng kaya ginagawa ng ilan sa ating mga kababayan ang naturang damayan ay upang makatulong sa kanilang komunidad? Hindi ba puwedeng gayahin nyo na lang para kayo mismo ay makatulong na rin sa ating mga kababayan at mabawas – bawasan naman ang inyong mga milyones para itulong sa bayan? Hindi yung kaagad sasabihin ng mga puro ngawang mga politiko na senyales daw ito na…
Read More