POD CHIEF POSITION, GINAPANG?

HINDI pa man nag-iinit ang tumbong ni Candy Tan bilang Chief ng Port Operations Division ng Bureau of Immigration ay mayroon nang bagong itinalaga sa pwesto si Commissioner Jaime Morente bilang kapalit nito. Bagama’t ang pagtatalaga ng POD Chief ay nasa kapangyarihan ng kalihim ng Department of Justice, tila napilitan na lamang si Morente na sundin ang kautusan dahil mukhang nahaluan na naman ng pulitika ang usapin dahil may isa daw mataas na opisyal ng BI ang gumapang nito sa Malacañang. Ang POD chief ang isa sa mga posisyon na…

Read More

MGA PAGNINILAY NGAYONG SEMANA SANTA

MULA pa man noon, ang panahon ng Semana Santa ay itinuturing na panahon ng pagninilay para sa mga Kristiyano. Bagamat muling ipagdiriwang ang Semana Santa sa ilalim ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR+, nananatili ang diwa nito sa aking puso. Bahagi ng aking pagninilay kaugnay ng Pasko ng Pagkabuhay ang katotohanang hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa ukol sa pagharap sa pandemyang COVID-19. Hindi maganda ang ­sitwasyon ng ating bansa ukol sa laban kontra COVID-19. ­Patuloy ang pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng ­COVID-19 kada araw.…

Read More

DI KAYANG MAG-ISA NG GOBYERNO

KULANG na lang ay sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘suko na ko’ sa COVID-19 na ito!!! Pero hindi niya magawa at kailangan pa rin niyang ipakita sa publiko ang kaniyang katatagan para makapagbigay pag-asa sa mamamayang Filipino. Ang tanong ay kaya pa ba? Sana ay kayanin pa! Hindi dapat bumigay si Pangulong Digong, kahit pa sabihin niyang halos ginigisa siya sa purgatoryo sa kasalukuyang kalagayan ng mga Filipino. Laging all time high ang naitatalang mga kaso. Umabot na sa mahigit 10 libo nitong nakaraang araw. Kahapon ay bahagyang ­bumaba…

Read More

LABAN PA PINOY SA BAGONG VARIANT NG COVID-19

NAKAKAPANGAMBA na ang kalagayan nating mga Filipino ngayon, ito ay dahil sa sobrang pagsirit ng bilang ng mga tinatamaan nang nakamamatay na mga bagong variant ng COVID-19. Ayon sa mga eksperto, dahil sa mga bagong ­variants ng naturang karam­daman at kasabay na rin dito ay ang pagsasawalang bahala ng publiko at hindi pagsunod o pagbabalewala sa health protocols na pinaiiral ng pamahalaan para sa paglaban sa nasabing ­pandemya kaya nagka gayun na sobrang taas ng bilang ng mga nahahawaan ng naturang karamdaman. Ang mas nakakapangamba ay ang pahirapang makakuha ng…

Read More

Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-18 Bahagi) Panalo kay De La Hoya, nagdala kay Pacquiao sa welterweight division

Ni EDDIE ALINEA EKSAKTONG limang buwan matapos talunin si David Diaz para makamit ang korona ng WBC lightweight, iniwan ni Manny Pacquiao ang 135 ­librang timbang at tumalon sa welterweight o 147 librang dibisyon. At ang nakaharang sa kanyang daraanan ay walang iba kundi ang tangkang agawin ang maalamat din na Amerikanong may dugong Latino na si Oscar De La Hoya. Si De La Hoya ay gold medalist noong 1992 Barcelona Olympics at sa walong taong pagiging pro ay nagmayari ng 11 pandaigdig na titulo sa anim na dibisyon, kabilang…

Read More

Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-17 Bahagi) David Diaz at Ricky Hatton, magkasunod na biktima ni Pacquiao sa pang-6 na korona

Ni EDDIE ALINEA BAGO pa man maganap ang trilohiya sa pagitan ng ­dakilang mandirigma sa ibabaw ng ring na si Manny Pacquiao at Mehikanong si Erik Morales ay ligtas nang nasa bulsa ng Pilipino ang apat sa walong dibisyong titulo na nakatadhana sa kanya – flyweight, super-bantamweight, featherweight at ­super-featherweight. Apat na lamang – lightweight, junior-welterweight, welterweight at junior-middleweight – ang kailangang makamit ng ngayon ay senador nang si Manny para makumpleto ang kanyang target sa buhay bilang boksingero. Bagama’t madali niyang nabingwit ang korona sa lightweight nang patulugin niya…

Read More

HINDI NA NAHIYA

HINDI na nahiya ang mga pulitiko na imbes na tulungan na lamang ang mga tao na naghihirap dahil sa pandemyang ito na hinayaan ng China na kumalat sa buong mundo, ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pangangampanya. Parang wala na sa katuwiran na ipinagbabawal ang mga tao na lumabas sa kanilang bahay para makontrol ang pagkalat ng ­COVID-19 ay may mga tauhan ang mga pulitiko na nag-iikot sa mga barangay, komunidad at maging sa mga sub­­di­vi­s­ion para mamigay ng kalendaryo na may mukha ng pulitikong nais nilang patakbuhin sa 2022…

Read More

HINDI ALAM O SINASADYA?

MAY mga media practitioner kasing nakararanas ng panghaharang at pambabastos mula sa mga pulis sa kanilang isinasagawang checkpoints sa ilang lugar sa Metro Manila. Isa na rito ang nangyari kahapon ng madaling-araw na may naharang na media practitioner sa checkpoint ng Quezon City Police District (QCPD) sa may Commonwealth Market sa Brgy. Commonwealth, Quezon City. Nagpakilala siyang media practitioner hindi para magyabang kundi ipaalam sa mga awtoridad na isa siyang frontliner/essential worker. Sa pagkakataong ito ay sinagot siya ng isa sa mga pulis sa checkpoint na ‘walang media media sa…

Read More

DILG OFFICIAL, NANGANGAMPANYA NA BA?!

WALANG masamang kumilos ang sinomang opisyal, ngunit nakagugulat naman itong si Undersecretary Epimaco Densing III ng Department of the Interior and Local ­Government (DILG) dahil biglang ­lumabas sa kanyang lungga mula sa kanyang opisina at bumanat laban sa mga alkalde. Nangangampanya na itong si Densing sa pagkasenador, o pagkaalkalde ng Lungsod ng Parañaque? Bilang Undersecretary for operations, sa loob lamang ng DILG dapat nakikialam itong si Usec. Densing III, ngunit sinasagasaan na nito ang mga kasamahan lalo na ang Usec for local government. Pakikialam at pambabastos na ‘yan Ginoong Wannabe…

Read More