Maynila, paboritong puntahan ng mga manlalaro ng NBA

APATNAPU at pitong taon na noong Lunes nang nakaraang linggo, ang manlalaro ng NBA na si Elgin “Mr. Inside” Gay Baylor ay dumating sa Maynila kasama ng kauna-unahang koponan ng NBA All Star na naglaro dito sa bansa. Si Baylor na tinawag ding “Rabbit” at namayapa na noong Marso 22 sa Los Angeles, California ay maraming naiwang alaala sa mga Pilipinong mahilig sa larong basketbol dahil sa kahusayan niyang lumusot gamit ang kanyang akrobatikong paggalaw sa ilalim ng basket. Walong manlalaro pa buhat sa iba’t ibang koponan sa kauna-unahang liga…

Read More

OFW VILLAGE PANGARAP NG MGA OFW

LAGING tagubilin ng ­aking yumaong ama na hindi masama ang mangarap. Dahil ang mga ­munting pangarap ay maaring ­gawing isang inspirasyon. Naalala ko tuloy noong katatapos ko lang maka-­graduate sa aking kurso at ­naging dentista, ay agad akong nangarap na magkaroon ng sariling bahay at klinika, kaya ang aking ginawa ay nagpaguhit ako sa isang kaibigang arkitekto ng isang bahay na may klinika. Ito ay aking idinikit sa wall na ­nakaharap sa akin sa tuwing ako ay nakahiga sa aking kama. Sa paggising sa umaga ay ito ang agad kong…

Read More

BIYAHE NG HUMAN TRAFFICKING VICTIM, MAY GO SIGNAL NG TCEU?

MAY pahintulot ba mula sa Travel Control Enforcement Unit (TCEU) na nakabase sa NAIA ang pag-alis ng sinasabing biktima ng human trafficking sa bansang Syria? Ayon sa ating source, makikita sa naka-encode na remarks sa travel record ng Pinay OFW na pinayagan ng TCEU ang pag-alis nito sa bansa kung saan ay walang special treatment o escort service na nangyari. Matatandaang kasama sa isiniwalat ng isang senador na umano’y raket ng ilang tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA ang human trafficking na ilang mga kababayan nating Pinay ang ibinenta…

Read More

PAGSIGURO SA MAAYOS AT PATAS NA PAMAMAHAGI NG BAKUNA

ISANG malaking tagumpay ang pagkakaroon ng bakuna kontra COVID-19 para sa buong mundo. Napakatindi ng epekto ng pandemyang ito sa ekonomiya ng bawat bansa at maging sa buhay ng bawat indibidwal. Maraming negosyo ang nagsara at halos ­malugi, ­marami ang nawalan ng trabaho, marami ang ­nagkaproblema sa panggastos sa araw-araw, at marami ang nawalan ng mahal sa buhay. Sa kabila ng pagsisimula ng pagpasok ng mga dosis ng bakuna sa bansa, tila sinusubok na naman tayo ng pandemyang COVID-19. Sunud-sunod at patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga bagong positibong…

Read More

PANGGUGULANG NG CHINA SA BAJO DE MASINLOC SINUBUKANG ULITIN

SINUSUBUKAN ng China na ulitin ang panggugulang sa Pilipinas noon sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa karagatan ng Zambales sa ginagawa nito ngayon sa Julian Felipe reef na nasa karagatan naman ng Palawan. Noong 2012, nagkaroon ng stand off sa pagitan ng Pilipinas at China sa Bajo de Masinloc. Isang tradisyunal na fishing ground ng mga ­Filipinong mangingisda matapos pumasok na lang basta-basta ang modern conqueror na bansang ito sa ating teritoryo. Namagitan ang Estados Unidos sa panahon ni dating US President Barack Obama at pinagkasundo ang Pilipinas…

Read More

SINO NGA BA PASAWAY?

SINO nga ba ang pasaway kaya patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa? Ang mga nasa gobyerno ba o ang taumbayan? Magbalik tanaw tayo at kung ang panig ng mamamayan ang titingnan natin, alam natin na bago ang ­pandemyang ito noong ­Disyembre 2019, kaliwat-kanang handaan ang naganap. Nariyan ang inuman, pasahan ng baso sa magkakainuman, harapan na mga kwentuhan at kasiyahan, sama-samang kumakain at sabay-sabay na pagyoyosi. Ilan lamang yan na ­posibleng pinagmulan ng kumpol na hawaan ng COVID-19. Mahigit isang taon nang magsimula ang COVID…

Read More

Buwagin na ang IATF – Sen. Imee Marcos

NASAAN na tayo ngayon? Ito ang katanungan ng ­maraming Pilipino sa pamahalaan sa gitna ng patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, isang taon matapos magpatupad ng lockdown dahil sa pandemic. Nagtataka ang marami kung bakit ang ibang bansa ay nagsimula nang bakunahan ang kanilang mamamayan at yung iba ay matatapos na, ngunit dito sa Pilipinas ay pinag-uusapan pa rin kung pano ipatutupad ang mga health protocol gaya ng paggamit ng face mask, face shield at pagsunod sa social distancing. Sa Wuhan, China, kung saan sinasabing nagmula…

Read More

BI HUGAS KAMAY BA SA HUMAN TRAFFICKING?

SA kabila nang imbestigasyon ng Senado sa pagsisiwalat ng umano’y resource person ng Pastillas scheme na si Alex Chiong sa matagal ng nangyayaring human trafficking umano sa NAIA ay tila hugas kamay naman dito ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration? Isang nakakagimbal na rebelasyon ang sumambulat sa ­sambayanan na ilang Pinay OFW’s ang umanoy nakaranas na sila’y ibenta sa sindikato ng White Slavery sa bansang Syria kung saan ay muling isinangkot ang pangalan ng ilang opisyal ng BI na diumano ay nasa likod nito? Kung ating iisipin,…

Read More

BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING SA MALAYSIA GINAWANG PROSTITUTE

MARAMI sa ating mga kababayan ang nangingibang bansa para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Ang hangad lamang nila ay mapag-aral ang mga anak , magkaroon ng munting negosyo at magkaroon ng sariling tahanan. Ngunit sa kanilang pagnanais na magawa ito ay may mga OFW na buwis-buhay ang ­pinagdaraanan pagdating sa ibang bansa. Isa na rito ang isang OFW na nasa Malaysia na biktima ng human trafficking. Ipinarating sa AKOOFW ng isang OFW na itatago natin sa pangalang OFW Nene ang kanyang mapait na pinagdaraanan sa kasalukuyan . Ayon kay…

Read More