SINDIKATO NI ‘REM’ MATINDI PALA SA BI

ULITIN ko lang ang nabanggit ko sa istorya nitong nakaraang linggo at dito sa BADILLA ­Ngayon nitong Miyerkules na mayroon nang dalawang taong nagaganap ang human ­trafficking na pakana ng ilang opisyal at mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI). Tugma ‘yan sa nakuha kong impormasyon sa pinuno ng isang organisasyong nagtatanggol sa mga Overseas Filipino orker (OFW) na dalawang taon na ang nakalipas ay mayroon silang tinulungang babaeng biktima ng human trafficking. Ang naturang OFW raw ay napunta sa Syria nang hindi nagkaproblema sa mga kinailangang dokumento, kabilang na…

Read More

IRASYONAL NA DEPENSA

HINDI ako maka-oposisyon at hindi ako naniniwala na mananalo ang oposisyon sa 2022 elections dahil wala silang matibay na lider at wala silang pagkakaisa dahil yung mga dati nilang mga kaalyado sumampa na sa barko ng administrasyon noong 2016 pa. Kahit nga yung mga miyembro ng Liberal Party (LP) sa Kongreso na dapat sana nagsilbing check and balance ay kaalyado ngayon ng ­administrasyon kaya hindi ko sila matatawag na oposisyon. May ilan naman sa LP na nasa minority bloc pero kung ­magsipag-asta ay para silang miyembro ng majority bloc kaya…

Read More

PULIS NA NAMAN!?

INANUNSYO ni Philippine National Police Officer-in-Charge PLtGen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang pagkakaaresto sa isang police major at apat nitong tauhan dahil sa kanilang ginawang pangingikil. Sila ay sina Police Major Orlyn Leyte, Officer-in-Charge ng Police Station 9 ng Zamboanga City Police Station at apat na miyembro ng PS 9 Station Drug Enforcement Unit na kinabibilangan nina PSSg. Hegenio Salvador, PSSg. Asser Abdulkadin, PCpl Ismael Sasapan at PCpl. Juman Arabani. Ang lima ay hinuli ng pinagsanib na operatiba ng Mindanao Field Unit (MFU) IMEG,RIU9, RID, RSOG-PRO9, HPG9, Zamboanga CPS at 55th…

Read More

MAGSASAKA, HANDANG-HANDA SA MARAMIHANG PRODUKSYON NG BIGAS

HINDI dapat maging balakid ang coronavirus disease 2019 ­(COVID-19) sa agrikultura, partikular sa produksiyon ng bigas. Ito’y dahil napakahalaga ng bigas sa bawat Filipino. Nararapat lamang na magkaroon ng kanin sa hapag-kainan ng bawat pamilya tatlong beses kada araw. Dito papasok ang papel ng mga magsasaka, ng mga nagtatanim at nangangasiwa sa produksiyon ng bigas. Ang Department of Agriculture (DA) naman ang organo ng pamahalaan na tutulong sa mga magsasaka hinggil sa kanilang mga pangangailangan mula sa pagpapautang hanggang sa pamamahagi ng mga bagong ideya at pagsasanay upang higit na…

Read More

Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-16 Bahagi) Wagi si Manny, 2-1, sa trilohiya vs Erik Morales

NAGANAP ang makasaysa-yang tatlong labang serye sa pagitan nina ring idol Manny Pacquiao at maalamat ding Mehikanong si Erik Morales dahil sa paghahangad ng Pilipinong lumipat sa super-featherweight o junior lightweight. Target ng dalawa ang bakanteng IBA 126-pound title, ngunit mas masidhi ang pagnanais ng kaisa-isang ­boksingerong ­maghahari sa walong dibisyon sa world pro boxing. Hawak na noon ng Pambansang Kamao ang titulo ng WBC flyweight, IBF super-bantamweight at RING featherweight bago niya hinarap si Morales, na naging matalik niyang kaibigan kalaunan. Talo ang noon ay kongresista ng lalawigan ng…

Read More

Alamat ni Manny Pacquiao (Ika-15 Bahagi) Trilohiya ni Manny kontra Erik Morales

MATAPOS malampasan ng Pambansang Kamao ang ­itinuring na madilim na bahagi sa kanyang buhay boksingero – ang pagkatalo niya kay ­Timothy Bradley na ­naging dahilan sa pagkawala ng kanyang korona sa WBO welterweight noong 2012, na sinundan pa ng anim na round na pagkabigo laban kay Juan Manuel Marquez sa pagtatapos ng taon ding iyon– balikan natin ng tanaw ang tatlong laban naman niya sa Mehikanong si Erik Morales. Marso 19, 2005 nang idaos ang paghaharap ng dalawa sa MGM Grand Arena. Tulad ng kanyang trilohiya kontra Bradley, nabigo si…

Read More

UTAK LOCKDOWN: IATF BUWAGIN NA

GALIT na galit na ang marami nating mga kababayan. Talung-talo na daw kasi ang mga Filipino sa pandemya ng COVID-19 na ito. Sa totoo lang, ang dami na ang mga pinahirapan at walang sinoman ang hindi dumadaing sa masaklap na sitwasyong nararanasan. Katunayan, hindi pa rin makabangon ang marami hanggang sa kasalukuyan. Pagkatapos ay heto na naman ang sandamakmak na mga kapalpakan. Urong-sulong at tila walang pinakikinggan ang ating pamahalaan. Kung tutuusin, sa ganitong sitwasyon ay gobyerno ang dapat sana ay ating sasandalan pero mukhang sila man ay tuliro at…

Read More

OFW VILLAGE PANGARAP NG MGA OFW

LAGING tagubilin ng aki-ng yumaong ama na hindi masama ang mangarap. Dahil ang mga ­munting pangarap ay maaring ­gawing isang inspirasyon. Naalala ko tuloy noong katatapos ko lang maka-graduate sa aking kurso at ­naging dentista, ay agad akong nangarap na magkaroon ng sariling bahay at klinika, kaya ang aking ginawa ay nagpaguhit ako sa isang kaibigang arkitekto ng isang bahay na may klinika.. Ito ay aking idinikit sa wall na ­nakaharap sa akin sa tuwing ako ay nakahiga sa aking kama. Sa paggising sa umaga ay ito ang agad kong…

Read More

KAMAY NA BAKAL NA!!!

MARAHIL nga kinaka-ilangan nang ­gamitan ng kamay na bakal ng ­gobyerno ang paglaban sa nakakamatay na sakit na ngayon ay mas lalo pang mabilis na nakakahawa. Kailangan na nga ­siguro ang kamay na bakal dahil sa sobrang pasaway ­nating mga kababayan. Yung ­simpleng pagsusuot ng face mask at face shield upang huwag mahawa ng sakit na COVID-19 ay hindi pa magawa! Kailangan pa talagang paalalahanan na gawin yung kanilang parte upang makatulong sa paglaban sa nakakamatay na sakit. Mga kapwa Pinoy hindi lang po trabaho ng ­gobyerno yung paglaban sa…

Read More