NAGSALITA na ang dalawang business partner ng Cloud Travel Agency na sina Peter at Sharon matapos ang ating pagsisiwalat sa naging partisipasyon umano ng mga ito sa isang Chinese national na kamakailan ay hinarang ng mga tauhan ng BI Port Operations Division. Ayon sa mga ito, sila diumano ay biktima lamang ng ‘setup’ mula sa sindikatong gumagalaw sa NAIA sa paraang ipinapasa lang daw sa ibang mga lehitimong travel agency para daw makalusot. Nilinaw ng Cloud Travel Agency na bago pa man ang February 19 na Flight sa bansa ni…
Read MoreCategory: OPINYON
OFW’s SA EAST TIMOR GUSTO NANG UMUWI SA PILIPINAS
SA pamamagitan ng AKOOFW ay lubos na nanawagan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa East Timor sa Department of Foreign Affairs. Umaabot na rin sa 60 na mga OFW sa East Timor ang nagpahayag ng kanilang intensiyon na umuwi sa Pilipinas. Dagdag pa rito ang tatlong bangkay na kailangan na daw ng tinatawag na “repatriation of remains.” Batay sa salaysay ni Ron Damalerio isang OFW sa East Timor, Noong simula nang COVID-19 Pandemic ay ayaw daw nilang bumalik ng Pilipinas dahil kapag sila ay umuwi ay wala rin…
Read MorePINATITIGIL NG DILG OIC SI REP. GAITE SA PAGKAKALAT NG ‘FAKE NEWS’
SA mga hindi nakakaalam kung sino si Rep. Ferdinand “Ferdie” Gaite, siya po ang isa sa mga kinatawan ng Bayan Muna party – list group sa Kamara de Representantes. Dating pangulo ng COURAGE, samahan ng mga unyon ng mga kawani ng iba’t ibang kagawaran at ahensiya ng pamahalaan, si Gaite. Naging pangulo si Gaite ng COURAGE dahil opisyal siya noon sa unyon ng mga empleyado ng isang kagawaran ng pamahalaan. Kung konektado siya sa COURAGE, hindi ko alam ang dahilan kung bakit bigla siya naging kongresista, sa pamamagitan ng pagiging…
Read MoreHINDI ITO MALIIT NA BAGAY LANG HA
HINDI ko masisisi ang mga tao na lalong mainis na sabihan sila na ‘maliit na bagay lang sa buhay natin” ang pandemya sa COVID-19 dahil mas maraming mabibigat na problema ang pinagdaanan natin at nalusutan natin. Hindi maliit na bagay sa mga naulila lalo na sa halos 13,000 katao na mga namatay dahil sa COVID-19 na dinala ng isang Chinese national sa Pilipinas mula sa Wuhan, China noong Enero 2020. Hindi maliit na bagay ang mahigit 621,000 Filipino na nagkasakit sa virus na ito na siguradong nagastusan dahil biglang tumaas…
Read MorePINAKAMABIGAT DAPAT NA PARUSA SA “TONGPATS” SA DA
PINAKAMABIGAT na parusa ang nararapat na ipataw sa nasa likod ng “tong-pats” sa Department of Agriculture (DA) para sa importasyon ng karneng baboy. Marami ang napeperwisyo nito, hindi lang mga magsasaka kundi ang buong sambayanan at sa ating palagay “economic sabotage” ito. Bakit kamo? Tulad nang sinasabi ni Sen. Panfilo Lacson na kanilang babalatan ang nasa likod ng multi-bilyog pisong pork importation. Bigyan nyo po ng pinakamabigat na parusa at ipaalam nyo sa publiko ang gagawing pagpapataw sa kanila. Base sa nakuhang info ng PUNA mukhang “artificial” lang ang sinasabing…
Read MorePALPAK, PALPAK, PALPAK KASI KAYO!
NAGSISIMULA pa lang buksan ang ilang mga negosyo na makatutulong upang magkaroon ng mga trabaho ang mga kababayan nating walang trabaho para sumulong at makabangon ang ekonomiya ngayong taon, tapos bigla namang tumaas ang bilang ng mga taong tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ilang araw nang mahigit apat na libo hanggang mahigit limang libo ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), ayon sa Department of Health (DOH). Sa bilang na ‘yan, mayroong substansiyal na bilang ng COVID -19 na United Kingdom at South African ang…
Read MoreOFW NA HINDI PINASUWELDO NANG TAMA TUTULUNGAN NG AKOOFW
ISA na naman nating kababayang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagpapasaklolo sa AKOOFW dahil hindi na nga siya pinasuweldo ng tama ng kaniyang amo ay ipinakulong pa siya nito. Sa sulat na ating natanggap mula kay Recie Fuentes Papa, 26 anyos na isang OFW mula sa Kuwait, isinalaysay nito ang mapait niyang sinapit sa kaniyang employer na nakilalang si Anwar Fadhel Awwad Alhamadani. Si OFW Recie ay tubong Sta. Cruz, Occidental Mindoro at nakarating siya sa Kuwait sa pamamagitan ng Maryam Mubarak Al-Adwani Recruiting Agency. Ayon sa kaniya, umalis siya…
Read MoreANO NA ANG NANGYARI SA KASO NI DATING COMELEC CHAIR ANDY BAUTISTA?
MISTULANG nakalimutan na ng pamahalaan ang ginawang kabulastugan ni dating Commission on Elections (comelec) Chairman Andres Bautista na sinasabing nasa Amerika na sa kasalukuyan. Bakit mukhang walang ginagawa ang Duterte administration para mapabalik ng bansa itong si Bautista na hindi malinaw kung nakatakas ba o pinatakas??? Sana ay masagot ng dating Chairman ng Comelec ang lahat ng akusasyon at mga anomalya na ibinabato laban sa kaniya. Kahit ang lehislatura nang magsagawa ito ng imbestigasyon kaugnay ng diumano’y mga anomalya sa paggamit o pagkuha ng comelec sa serbisyo ng Smartmatic upang…
Read MoreISANG TAON NA
ISANG taon na bukas, Marso 17, ang pagdurusa ng sambayanang Filipino sa coronavirus 2019 na nagmula sa China dahil hindi agad kumilos ang ating gobyerno para maagapan ang pagkalat nito sa bansa dahil nangangamba sila na masaktan ang ego ng bansang ito. Enero pa lamang ay marami na ang nanawagan na maglockdown na. Isara na ang boarders at huwag papasukin ang mga dayuhan lalo na ang mga galing China. Kaso ang katuwiran noon ni Health Secretary Francisco Duque III ay baka magkaroon ng political repercussion sa China. Unang linggo pa…
Read More