P400-B KITA MULA SA MGA TURISTA NAGLAHO?

MALAKING lugi ang nangyari sa industriya ng turismo sa bansa matapos na ipatupad ang mga travel restrictions nang dumating ang COVID-19 pandemic. Ayon sa nakuhang info ng PUNA, nagkakahalaga ng apat na raang bilyong (P400-B) piso ang naglaho na naiaambag sana ng mga turistang dumarating sa Pilipinas taun-taon. Umaabot ng 8.3 milyong mga dayuhang turista ang namamasyal sa ibat-ibang lugar sa bayan ni Juan Dela Cruz noong 2019. Bumagsak ito mula 8.3 milyong dayuhang turista noong 2019 hanggang 1.3 milyong nitong nakaraang 2020. Ganun katindi ang tama ng COVID-19 pandemic…

Read More

NAKABABAHALA NANG TODO ANG MASAMANG NANGYAYARI SA OWWA

MALAPIT sa puso ko ang mga overseas Filipino worker (OFW) dahil marami akong kamag-anak na nagtrabaho sa ibang bansa mula noon hanggang ngayon. Kasama diyan ang mommy ko na nagretiro sa pagiging nars sa ibang bansa. Matagal ding naging nars sa ibang bansa ang kapatid ko at pinsan. Ilang hipag at mga bilas ko ang naghanap-buhay sa Taiwan at marami pang iba. Hindi ko masisi na sa ibang bansa pa sila magbanat ng buto at makipagsapalaran, kasama ang mommy at kapatid ko, dahil walang dudang higit na malaki ang kinikita…

Read More

IMPRASTRAKTURA, SOLUSYON SA MABILIS NA PAGBANGON NG EKONOMIYA

ISA ang imprastraktura sa mga tinututukan ni ­Pangulong Rodrigo ­Duterte sa kanyang termino. Malakas ang kanyang paniniwala na ang pagpapahusay ng ­imprastraktura sa bansa ay daan sa ­pag-unlad ng ekonomiya. Bunsod nito ay inilunsad ang Build, Build, Build (BBB) nang siya ay nahalal bilang pangulo ng Pilipinas. Ang pangunahing layunin ng BBB ay ang magbigay daan sa tinatawag na “Golden Age of Infrastructure” ng bansa. Layunin din ng nasabing programa ang mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa, palakasin ang ekonomiya, at maibsan ang kasikipan sa Metro Manila. Ngayong pandemya,…

Read More

ANG BAGAL

KUNG pagsasamahin ang covid-19 vaccines donations na dumating sa Pilipinas, inuulit ko donasyon, aabot na ito sa halos isang milyong doses. Nagdonate ang China ng Sinovac na mahigit 500,000 doses habang ang World Health Organization (WHO) ay nagdonate naman ng mahigit 400,000 doses ng AstraZeneca vaccine. Pero noong Huwebes, mahigit 114,000 pa lamang ang nababakunahan na malayong malayo pa sa 500,000 na dapat nabakunahan mula sa mga bakunang ito na donasyon ng China at WHO. Nauunawaan natin na ang medical frontliners sa pribado at pampublikong pagamutan ang uunahing bakunahan dahil…

Read More

PNP CHECK POINT SA NCR: NIGHTSHIFT WORKERS NAPEPERWISYO

TIYAK na maaapektuhan ng ipapatupad na curfew ng ibat-ibang local ­government units (LGUs) ang mga manggagawa lalo na ang nagtatrabaho sa panggabi. Ngayong sumipa ng husto ang kaso ng ­covid-19 sa ibat-ibang lugar sa National Capital Region, nakatakdang magpatupad ng tinatawag na unified curfew ang lahat ng mga lungsod sa Metro Manila simula Marso 15. Kaakibat ng pagpapatupad ng curfew ay ang mga checkpoints na ipinatutupad ng Philippine National Police sa ibat-ibat lugar. Katunayan, wala pa man ang unified curfew ay mayroon nang mga isinasagawang checkpoints na nagdudulot sa maraming…

Read More

Dalawang Conference na torneo inihahanda sa 46th Season ng PBA

MAKARAANG malampasan ang isang taong lockdown na ipinatupad ng pamahalaan para masupil ang malawakang paglaganap ng pandemya na COVID-19, sisikapin ng ­Philippine Basketball Association o PBA na ituloy ang pakinabang na natamo sa isang conference na torneo bilang pagdiriwang sa ika-45 anibersaryo nito noong nakaraang taon. Ang 2020 Philipine Cup lamang ang matagumpay na nairaos ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya na pinagwagihan ng Barangay Ginebra Gin Kings laban sa Talk ‘N Text Tropang Giga. At ngayong taon, para ipagdiwang ang ika-46 na anibersaryo ng liga, nakatakdang maghandog…

Read More

OFW PENSION PLAN, ISINUSULONG NG AKOOFW

NITONG nakaraan Marso 8,2021 ay nabigyan ng pagkakataon ang AKOOFW upang makasasama sa public hearing sa Senado sa ilalim ng Committee on Labor, Employment and Human Resources ­Development na pinamumunuan ni Senador Joel Villanueva. Bukod sa AKOOFW ay kasama rin sina dating Undersecretary Susan Ople ng OPLE Policy ­Center, Ellen Sana ng Migrant Watch, Saga Migcawayan-RADI, Lucy Sermonia–CLADS at iba pang kinatawan ng OFW organization. Sa imbitasyon na aking natanggap ay pinagpauna na limang (5) minuto lamang ang ibibigay sa bawat representante ng private sector pero bigla itong nagbago bago…

Read More

PATAYANG WALANG TIGIL SA REHIMENG DUTERTE

HINDI lang naman ngayong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte naganap ang pagpatay sa kung sinu-sinong tao sa ­ating bansa. Dati pang nagaganap ang patayan sa bawat rehimen ng mga naging pangulo ng bansa. Siyempre, kasama diyan ang termino ni Corazon Cojuangco Aquino hanggang sa panahon ng anak niyang si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III. Sa panahon ni Gng. Aquino ay naganap ang masaker sa mga magsasaka ilang hakbang lang mula sa Malakanyang noong ­Enero 1987. At alam ng maraming ­Filipino, kabilang ang mga opisyal at ­kasapi ng Liberal Party…

Read More

BISTADOR, TINANGKANG SUHULAN NG CLOUD TRAVEL

NOONG nakaraang Biyernes isang tawag ang aking natanggap mula sa isang kasama ko sa hanapbuhay na mayroon daw ipinabibigay na regalo sa akin ang Cloud Travel Agency. Kaya’t ako’y napaisip kung buwan na ba ng Agosto na aking birthday o kaya ay Pasko na ba? Bakit kaya ako pinadalhan ng regalo ng may-ari ng Cloud Travel na sina Peter at Sharon? Nang aking alamin kung ano ang regalo na ipinadala sa akin ay isang sobre daw na naglalaman ng 50 thousand pesos. Para saan kaya ang 50k para akoy manahimik?…

Read More