TILA nawalan na ng pag-asa si Sharon Dacera na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang anak na si Christine Dacera matapos siyang manawagan kamakailan kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan siya. Hindi kasi kumbinsido ang matandang Dacera na walang foul play sa pagkamatay ng kanyang anak na flight attendant noong Enero 1, 2021 sa Room 2209 ng Garden Grand Hotel sa Makati City. Nakita kasi sa bangkay ni Christine na may mga pasa sa ibat-ibang parte ng kaniyang katawan at may indikasyon din daw na hinalay ito. Sinabi pa…
Read MoreCategory: OPINYON
DAHIL SA UTANG, OFW HINDI MAKAUWI NG BANSA
KAMAKAILAN ay nakatanggap ako ng tawag mula sa nagpakilalang Ermon na kapatid ng isang OFW na nasa Dubai. Naikwento sa akin ni Ermon ang pinagdaraanan ng kanyang kapatid na kung saan ay wala na itong trabaho at tiyak na tirahan dahil sa kinakaharap nitong kaso na isinampa ng kapwa rin OFW na si Angeline. Mahigit sampung taon na nila diumano hinahanap si OFW Angeline na pinagkakautangan ng kanyang kapatid na si OFW Gilbert para pakiusapan ito na iurong na lamang ang kaso. Marami na silang nilapitang mga NGO at opisyal…
Read MoreHINDI NA AKO NANINIWALA SA MGA IMBESTIGASYON LABAN SA MGA OPISYAL NG PAMAHALAAN
SIGURADO ako na hindi lang ako ang Filipino na hindi naniniwala sa mga imbestigasyong isinasagawa laban sa mga opisyal ng pamahalaan na nabalitang mayroong linabag na batas at alituntuning itinakda ng mga namumuno ng iba’t ibang kagawaran at ahensiya ng pamahalaan kundi napakarami. Huwag kayong magagalit sa akin at sa mga taong dismayado nang todo at sobrang buwisit na sa mga imbestigasyon dahil wala namang napatunayang ginawa nila ang krimeng inireklamo laban sa kanila. Kita n’yo, sina Juan Ponce Enrile, Jose Jinggoy Estrada, Ramon Bong Revilla Jr.? Hindi napatunayan ng…
Read MoreHindi makabubuting bumalik sa bansa para mag-ensayo si Eumir Marcial
GUSTUHIN man ni Filipino Olympic qualifier Eumir Marcial na bumalik sa Pilipinas para makasama ang iba pang miyembro ng pambansang koponan, gaya ng plano ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP), sa malas ay malayong magkatotoo ito. Ayon sa huling ulat galing sa ABAP, iniimbita ng namamahala sa amateur boxing sa bansa na bumalik ang talentadong middleweight na Zamboangeueno para sa pagsisimula ng training, Sabado sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Ayon kay ABAP Executive Director Ed Picson, makakasama ng 25-anyos na sarhento sa Philippine Air Force…
Read MoreNATIONAL GOVERNMENT DAPAT MAHIYA SA LGUs
ANG desisyon ng mga mayayamang Local Government Units (LGUs) na sila na lamang ang bibili ng kanilang sariling covid-19 vaccines ay parang isang malakas na sampal sa national government. Naunawaan ko naman ang aksyon ng LGUs lalo na sa Metro Manila dahil kung aasahan nga naman ang national government eh baka sa susunod na taon pa magpapa-mass vaccination para magamit sa pangangampanya. Kailangan na kailangang makabangon na ang ating bansa sa pandemyang ito sa lalong madaling panahon at kung magteteka-teka ang national government ay wala talagang mangyayayari kaya kanya-kanyang bili…
Read MoreDEPENSA NI CLAIRE DELA FUENTE SA RAPE CASE NG ANAK HINDI KINAGAT NG PULISYA
HINDI kumbinsido ang Makati City Police sa sinasabi ng batikang mang-aawit na si Claire dela Fuente na hindi raw maaaring pumatol sa babae ang kanyang anak na si Gregorio de Guzman dahil ito ay isang bakla. Si De Guzman ay isa sa labing isang kinasuhan ng ‘rape with homicide’ matapos matagpuang wala ng buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa Room 2209 ng Garden Grand Hotel, Makati City. Ayon kay Police Colonel Harold Depositar, hepe ng Makati City PNP, kahit pa sabihin ni Dela Fuente na…
Read MoreBAKIT NUMERO UNO SI MAYOR SARA DUTERTE – CARPIO?
NUMERO uno ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Mayor Sara Duterte – Carpio sa unang sarbey ng Pulse Asia para sa mga posibleng kandidato sa pagkapangulo ng bansa. Nakakuha si Duterte – Carpio ng 26 porsiyento. Napakalaki ng lamang niya sa dalawang pumangalawa sa sarbey na sina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Senadora Mary Grace Poe na parehong nakakuha ng 14%. Wala namang mali kung numero uno sa unang sarbey si Duterte – Carpio kung ito ang totoong resulta ng tanong ng Pulse Asia sa respondents…
Read MoreBAGONG SALTA SA QATAR, NAGSASAMANTALA?
LUBHANG nalugmok ang industriya ng recruitment agencies simula ng nagkaroon ng pandemya. Enero pa lang ay apektado na ang industriya lalo na ang mga ahensya na nagpapadala ng mga Household service workers (HSW) sa bansang Kuwait dahil sa pagkamatay ni Jeanalyn Villavende. Hindi pa man nakakapagsimula sa pag-ahon ang mga ahensya ay bigla naman nagkaroon ng total lockdown at pagtigil ng pagpapadala ng mga OFW sa iba-ibang bansa. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagkakaroon ng siyento por siyento (100%) na operasyon ang mga ahensya maliban na lamang sa…
Read MoreKAMALIAN HINDI DAPAT BIGYANG KATWIRAN
ISA sa mga dahilan kaya hindi umusad-usad ang buhay at kabuhayan ng mga Filipino ay dahil sa ugali nating “PWEDE NA, OKAY NA, SAPAT NA o kaya ay TAMA NA.” Gayung ang totoo ay mayroon pa tayong ibubuga. May magagawa pa tayo para hindi tayo mahuli sa pansitan o kaya ay mapag-iwanan ng ibang mga bansa lalo na yung mga kapit-bahay natin dito sa Asya. Nasasapatan na tayo sa mga bagay-bagay kahit kulang pa. At isang bagay pa na mali sa ugaling Filipino ay ang bigyang katwiran kahit pa isang…
Read More