INTEGRIDAD NG KORTE SUPREMA

NANINIWALA ako na sa ilalim nang pamumuno ni Chief Justice Diosdado Peralta ay walang hokus-pokus na maaaring makalusot o mangyari sa Korte Suprema. Pero ano itong nabasa ko na balita sa pahayagang The Manila Times na isinulat ng kanilang Senior Reporter na si Jomar Canlas na mayroong isang kaso na may titulong Felix Chua vs United Coconut Planters Bank (UCPB) na umabot pa sa ika-apat na Motion for Reconsideration bago desisyunan ng tuluyan ng hukuman. Ito ay sa kabila na mayroon nang final judgement at mayroon na ring tinatawag na…

Read More

OFW NA TAPOS NA ANG KONTRATA SA JEDDAH, TILA HOSTAGE NG KANIYANG AMO DAHIL AYAW PAUWIIN SA PINAS

BUKOD sa mga liham mula sa mga OFW at kanilang pamilya, nakakatanggap din ako ng liham kahilingan mula sa mga volunteer advocacy groups at mga religious institution. Kabilang na rito ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Epsicopal Commission of Migrants and Intinerants (EMI) sa pamamagitan ng Executive Secretary na si Fr. Resty Ogsimer. Sa aking column ngayon ay muli natin bibigyang puwang ang paghingi ng saklolo ni OFW Benedicta Cadiao na ang pamilya ay dumulog sa CBCP-ECMI na ipinarating sa akin ni Brother Edmund Ruga. Si Kabayani Benedicta…

Read More

IPRAYORIDAD ANG PINOY WORKERS

HINDI ko alam kung bakit hinahayaan ng gobyerno ang mga Chinese contractor na mga kapwa nila Chinese ang pinagtatrabaho sa mga proyektong ginagawa nila sa ating bansa. Milyon-milyong Filipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ng covid-19 na nagsimula sa China. Hindi lang dito sa ating bansa maraming nawalan ng trabaho kundi ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa. Pero ang binibigyan ng trabaho sa mga malalaking proyekto ay ang mga Chinese nationals at hindi ang mga Filipino. Bakit ganun? Akala ko ba kaya pinaparami ang construction…

Read More

PAGBALASA SA MGA TINAGURIANG ‘PASTILLAS GANG’ HINDI SAPAT

NAKUKULANGAN ang mga taga-subaybay ng PUNA sa paglilipat lamang sa pwesto ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (BI-NAIA) na nadadawit sa tinatawag na “Pastillas Scheme”. Base sa ipinalabas na press release ng BI main office noong Oktubre 16, 2020 si Grifton Medina, hepe ng BI Port Operations Division ng NAIA ay inalis sa kanyang pwesto at inilipat bilang Chief ng Personnel Section. Si Medina ay pinalitan ni Atty. Candy Tan na dating nakatalaga sa BI Main Office bilang Acting Chief ng BI’s Port…

Read More

KORAPSYON TALAMAK SA DPWH, PERO MAY TIWALA PA RIN SI DUTERTE KAY SECRETARY VILLAR

NAPAKAHUSAY ng ginawang pagtumbok ni Pangulong Rodrigo Duterte na talamak pa rin hanggang ngayon ang korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DWH) dahil walang nakaangal at nakapalag sa kanyang pahayag. Kapag sinabi ni Duterte na korap ang opisyal na ito, siguradong korap ito. Kapag binanggit naman niyang hindi korap ang opisyal na ito, tiyak palagi niyang sasabihing hindi korap ang nasabing opisyal. Hindi tatanggalin ni Duterte sa puwesto kahit halos araw-araw nang ibinabato ang kaliwa’t kanang pahayag at ebidensiyang magnanakaw ng pera ng pamahalaan ang opisyal na itinalaga…

Read More

Freddie Roach, bagong trainer ni Eumir Marcial

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA DALAWAMPU’T walong taon na ang nakararaan simula noong 1992 nang si Freddie Roach ay nagbalak magtayo ng sariling gym. Pinigilan siya ng kanyang training guru na si Eddie Futch na nagsabing mamalagi na lang siyang trainer ng boksingero sa dahilang hindi magandang negosyo ang gym. Kung sinunod ni Roach ang kanyang maestro, ang ngayon ay tanyag na Wild Card Boxing Club sa Vine Street sa puso ng Hollywood ay hindi sana ­naging tahanan ng maraming kampeong pandaigdig sa kasalukuyan. “I went…

Read More

MGA FILIPINO NURSES SA SAUDI NA IPINAKULONG NG AMO NAGPAPASAKLOLO SA DFA

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP NAPAKARAMING liham o email akong natatangap araw-araw na kung saan ang mga OFW o mga kamag-anak ng mga OFW ay humihingi ng tulong para sa kanilang mga kapamilya na nasa ibang bansa. Isa sa nakapukaw ng aking pansin ay ang email na ipinadala ng kapatid ng isang nurse na nasa Saudi Arabia na isa ring kawani ng ating gobyerno na tila sa kawalan na ng pag-asa, ay lumapit na sa AKOOFW. Ayon sa kanyang liham ay kabilang ang kanyang kapatid sa pitong (7) nurses na…

Read More

ONLINE CIVIL SERVICE EXAMS ANGKOP SA ‘NEW NORMAL’

FORWARD NOW Ni REP FIDEL NOGRALES IKINAGAGALAK natin ang pagtugon ng Civil Service Commission sa panawagan na ­gawing online na ang government eligibility examinations. Natutuwa tayo na kinikilala ng CSC ang pangangailangan na mag-adjust ayon sa dinidikta ng panahon. Kaisa ako ng ibang kababayan ­nating nananalig na maihabol pa natin na magkaroon ng civil service exam ngayong huling quarter ng taon. Matatandaang una nang sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada na ang kanilang tanggapan ay inatasan na magsagawa ng pag-aaral, pagsusuri, at pangangalap ng mga alternatibong paraan upang maisagawa ang…

Read More

OA ANG SECURITY NI CONGRESSMAN

BLIND Item ulit tayo: Sino itong miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na mistulang takot na takot at sobrang OA as in over acting sa kanyang security dahil kung umasta ang kanyang mga security ay parang head of state ang kumag. Mismong ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent ang naka-Saksi kung gaano ka-OA ang security ng mambabatas na ito nang dumating sa Batasang Pambansa para magtrabaho at i-secure ang kanyang pondo. Bagama’t 30 kilometer per hour lamang ang pinapayagang takbo ng mga sasakyan sa loob ng Batasan Complex,…

Read More