NAKARATING sa PUNA na marami raw ang botyang karne sa mga pamilihan sa Novaliches, Quezon City. Ito yung mga baboy na namatay na muling kinatay (double dead) para ibenta sa mga konsumer. Ang mahirap pa nito ay baka ang ikinamatay ng mga baboy na ito ay African Swine Fever (ASF). Pumasok na ang ber months at sa holiday seasons ay malaki ang demand ng ham. Baka ang botyang karne na ito ay ginawa ng hamon. Paano na ngayon malalaman kung ang hamon ay galing sa botyang karne? Ang pinagmumulan ng…
Read MoreCategory: OPINYON
NICA CHIEF: FB NEWS VS MAKABAYAN BLOC, BASE SA KARANASAN NG MGA TAO
BUMIRA na naman ang MAKABAYAN Bloc laban sa opisyal ng pamahalaan. Sa pagkakataong ito, laban sa hepe ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA). Bigyan natin ng pagkakataong ihayag ni NICA Director General Alex Paul Monteagudo ang kanyang pananaw laban sa Makabayan Bloc. Tiniyak ni Montegudo na hindi totoong tagapaglaganap siya ng “fake news” o “false information”, taliwas sa gustong ipilit ng MAKABAYAN Bloc. Idiniin ni Monteagudo ang “katotohang” ito upang pasinungalingan at mariing pabulaanan ang maling akusasyon ng MAKABAYAN Bloc, sa pangunguna ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate…
Read MorePAGPUPUGAY SA MGA GURO
Itinuturing natin ang mga guro na pangalawang magulang dahil sila ang kasama natin maghapon sa paaralan. Maghapon pa noong panahon ko ang klase dahil kokonti pa ang mga estudyante. Naniniwala ako sa sinasabi ng lahat na walang abogado, walang doctor, walang ehinyero, walang professionals kung wala ang mga teachers na nagturo at gumabay sa kanila para maabot nila ang kanilang estado ngayon. Mayaman ka man o hindi, kailangan mo pa ring mag-aral at dumaan sa mga guro, private school teacher man yan o public school teachers. Kinakailangan mo pa…
Read MoreMatarik at madawag na bundok na tatahakin ng Heat
DADALAWA ang linya ng mga istoryang lumabas sa lahat ng media noong umaga matapos na ilampaso ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat, 116-98, sa Game 1 ng NBA Finals noong Miyerkoles (Huwebes sa Maynila) at noong Game 2, kung kailan muling nagwagi ang Lakers,124-114. Pamatay ang tambalang Anthony Davis at LeBron James ng Lakers, at malaking dagok ang pinsalang naganap kina Bam Adebayo at Goran Dragic para sa Heat. Pinasinayaan ni Davis ang kanyang kauna-unahang paglalaro sa Finals, matapos ang pitong taon bilang pro, nang makagawa siya ng 34…
Read MoreOFW ADVISORY COUNCIL SA LGU NAPAPANAHON NA
LUMIPAS na ang halos tatlong taon ay hindi pa rin nagkakaroon ng katuparan ang ating panawagan sa pagkakaroon ng OFW Advisory Council sa bawat Local Government Units (LGU) lalo na sa mga barangay. Tanging ang bayan lamang ng Mariveles, Bataan ang nagbigay ng pagkakataon sa ating panukala na ito dahil sa pagpupurisge ng aking kaibigan na si Reuel Lusung Yumol. Sa kalagitnaan ng malawakang pag-lockdown sa halos buong bansa sa panahon ng COVID-19 virus, ay maraming OFW ang umuwi sa Pilipinas na dumaan sa 14 days quarantine sa mga hotel…
Read MoreHUWAG SUKUAN ANG LABAN
NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential election campaign na tatapusin nila ang katiwalian sa gobyerno kapag siya ang nanalo at isa ito sa mga dahilan kung bakit siya nanalo. Pagod na at sawang sawa na kasi ang mga tao sa katiwalian sa pamahalaan na tila wala ng katapusan kaya naghanap ang mga tao ng kandidato noong 2016 presidential election na tatapos sa problemang ito na dahilan kung bakit hindi umuunlad ang bansa. Mayor pa lamang ng Davao City, tanyag na si Duterte sa mga Filipino dahil sa kanyang…
Read MoreINABANDONA ANG MGA MANGGAGAWA, PALYA SA KORAPSYON AT SUKO NA SA SINDIKATO
KAHIT ang Liberal Party (LP), o higit kilala ngayon sa tawag na “Dilawan”, ay alam na napakaraming problemang iniwan si dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa kanyang anim na taong termino. Kung hindi ito alam, o tahasang itanggi, sa pangunguna nina Bise-Presidente Maria Leonor Robredo (chairperson ng LP), Senador Franklin Drilon (vice-chairman ng LP) at Senador Francis Pangilinan (pangulo ng LP), e, hindi kalabisan kung sasabihin kong wala kayong nalalaman. Sa mga suliraning iniwan ni Aquino, tiniyak naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na babaguhin niya ang mga ito.…
Read MoreCOVID-19 NAGBIGAY ARAL DIN SA ATING MGA PINOY
MARAMI tayong natutunan sa pandemyang dulot ng COVID-19. Isa-isahin po natin kung anong mga aral na ito. Sa pulitika, dahil sa COVID-19 ay nakilala natin ang mga tinatawag na TRAPO o traditional politician. Sila yung mga napipilitan lang tumulong sa taumbayan para sa kanilang ambisyong politikal. Marami riyan ang nakikisawsaw lang sa mga maiinit na isyu para lang mapansin at mapag-usapan. Ika nga nila ‘good or bad publicity is still a publicity.’ Pero hindi na natin babanggitin ang kulay sa pulitika ng mga gumagawa ng ganitong style. Kilala naman sila…
Read MoreAnti-Filipino si Lebron James?
NAGSIMULA na ang best-of-seven Finals ng NBA kahapon sa pagitan ng Miami Heat at Los Angeles Lakers. Dalawang personalidad na dating magkasama sa iisang koponan – coach Erik Spoelstra at player LeBron James, dating Heat na ngayon ay Lakers na – ang magkakaharap muli bilang magkalaban. Pero alam ba ninyong si James, sa unang taon pa lamang ng kanilang pagsasama ng dati niyang Fil-Am mentor ay hinangad nang ipatanggal si Spoelstra bilang band leader ng koponan? Hindi dahil si James, na ayon sa marami ay GOAT o Greatest Basketball Player…
Read More