NAPAKAGANDA ng layunin ng Social Amelioration Program (SAP) sapagkat namahagi ang administrasyong Duterte ng pera sa mga apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ngunit, kahit hindi isinama sa ECQ ang Visayas at Mindanao, hindi kinalimutan ng pamahalaan ang mga pinakamahihirap na pamilya sa dalawang islang ito. Mayo 3 na ngayon, pero masyadong magulo pa rin ang isyu hinggil sa pamamahagi ng pera sa mga pinakamahihirap na pamilya mula sa SAP. Sabi ng Department of Budget and Management (DBM) noong Abril 16, P205…
Read MoreCategory: OPINYON
MABUHAY MGA MANGGAGAWANG FILIPINO!
KAHAPON, ipinagdiwang ng mga manggagawa sa buong mundo ang “pandaigdigang araw ng mga manggagawa”. Nagsimulang ipagdiwang ang araw ng paggawa sa ibang bansa tulad ng Amerika noong 1882. Napakaraming manggagawa sa Estados Unidos ng Amerika noong Ika-19 na siglo, kumpara sa Pilipinas. Bagama’t hindi kasindami ng mga manggagawa sa ibang bansa, libu-libo na rin ang mga manggagawang Filipino noong huling bahagi ng Ika-19 na siglo. Kaya, noong Mayo 1, 1903 unang ipinagdiwang ng mga manggagawang Filipino ang araw ng paggawa sa Pilipinas. Hindi pagsasaya ang ipinakita ng libu-libong manggagawang Filipino…
Read MoreBURUKRASYA
KAHIT kailan, walang mabuting idinudulot ang matinding burukrasya at pulitika sa isang bansang tulad ng Pilipinas dahil ito ang pangunahing dahilan kung bakit mabagal ang paghahatid ng tulong sa mga tao. Wala akong nakikitang dahilan kung bakit hindi pa nahahatiran ng tulong ang halos 9 na milyong pamilya ng social amelioration kundi ang matinding burukrasya at pulitika. Limang linggo na ang nakakalipas simula nang maging batas ang Republic Act (RA) 11469 o Bayanihan to Heal as One Law, ay kalahati pa lamang sa 18 milyong pamilya na target na tulungan ang nahahatiran…
Read More‘NEW NORMAL’ SA MGA MAGSASAKA, MANGGAGAWANG BUKID
SA kasalukuyan, mayroong 61.71 milyong manggagawa sa bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Sa bilang na ‘yan, 22 porsiyento o 13,576,200 ang magsasaka at manggagawang bukid na matatagpuan mula sa tuktok ng ulo ng Luzon hanggang sa talampakan ng Mindanao. Alam nating lahat na tigil sa pagsasaka sila dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at community quarantine (CQ) sa maraming lalawigan sa Visayas at Mindanao. Dahil diyan, sapul ang produksyon ng bigas. Ngunit, higit na tinamaan ang kabuhayan ng mga magsasaka at manggagawang bukid dahil paglabag sa…
Read MoreMAGLILIGTAS NG BUHAY?
NAGKUKUMAHOG tayong lahat para mailigtas ang buhay ng mga tao mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagsimula sa China na ikinamatay na libo-libong tao sa buong mundo kasama na ang a ting bansang Pilipinas. Pero nakakagalit ng bagang na may mga hospital na dahilan ng pagkamatay ng ilan nating kababayan dahil ayaw nilang tanggapin ang pasyente dahil walang mag-aasikasong doktor at walang perang pang-downpayment. Tulad ng kaso ni Katherine Bulatao ng Caloocan City na namatay matapos tanggihan ng 6 na hospital sa Caloocan at Quezon City dahil wala silang…
Read MoreBAKIT PURO REKLAMO?
HANGGANG ngayon ba ay hindi pa rin maunawaan ng ating mga kababayan na mayroon tayong kinakaharap na laban kaya ganito ang ating situwasyon? Bakit hanggang ngayon puro pa rin reklamo? Hindi ba dapat na sa halip na puro ngawa ay makipagtulungan na muna tayo sa ating pamahalaan sa pakikibaka sa ating kalaban na di nakikita ng ating mga mata? Hindi ko maintindihan sa halos daang libong mga kababayan natin na nahuhuli ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa itinatakdang alintuntunin ng enhanced community quarantine o ECQ. Talaga bang pasaway lang o…
Read More44M MIDDLE CLASS KAYANG AYUDAHAN
DITO sa Pilipinas, napakabilis mag-isip ng mga politiko kapag pagtulong sa kapwa ang pinag-uusapan. Napakatataba ng puso ng mga politiko sa pagpapakita at pagwawasiwas sa kanilang malasakit sa mahihirap na mga Filipino. Ngunit, tulad nang nababalitaan ng mamamayan, napakabilis ding mag-isip at dumiskarte sa pangungurakot ang napakaraming politiko (napakarami, hindi po lahat… he…he…). Kaya, hindi ako nagtataka kung bakit hindi nagdalawang isip ang mga senador at kongresista na paspasan ang pagpasa sa Republic Act No. 11469 o “Bayanihan to Heal as One” na nagbigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na…
Read MorePAGKAKAKITAAN, SAGOT SA BALIK PROBINSIYA
MAY dalawang suhestiyon ang mga suking taga-subaybay ng PUNA sa planong Balik Probinsiya Program ng gobyerno. Una, para sa mga taga-Visayas at Mindanao itaas ang bilihan ng mga produktong niyog lalo na ang copra. Ang mamamayan ng Visayas at Mindanao ay umaasa sa produkto ng niyog partikular sa kopra kaya kapag bagsak ang presyo nito ay bagsak din ang kanilang kabuhayan. Ang mga lugar na ito ay matatagpuan ang pinakamalalawak na niyugan sa buong bansa, kaya dito sila kumukuha ng kanilang kabuhayan. Sa impormasyon na natanggap ng PUNA, noong nakaraang…
Read MoreNABABAON SA UTANG
KUNG mayroong masakit na katotohanan sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan sa gitna ng ECQ o enhance community quarantine season ay ang pagkakabaon nila sa utang. Maraming taga-Metro Manila ang nagpapasaklolo sa kanilang mga kaanak sa probinsya at umuutang para may pantustos sila sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan dahil wala silang hanapbuhay. Tanggapin na natin ang katotohanan, hindi kasya ang cash assistance ng Social Amelioration Program (SAP) at hindi naman lahat ay nakakatanggap ng tulong na ito kaya ang solusyon, mangutang sa mga kamag-anak na medyo nakakaangat sa buhay. Kahit…
Read More