BILANG isang journalist, trabaho, tungkulin at obligasyon kong ibalita at isiwalat ang mga nagaganap sa ating lipunang ngayong mayroong lockdown sa Luzon at maraming lalawigan sa Visayas at Mindanao dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) upang malaman ng publiko ang mga kaganapang ito, positibo man o negatibo, mabuti o masama, sapagkat apektado ang publiko sa mga pangyayaring ito. Kung ibinalita natin na maglalabas ng P200 bilyon ang administrasyong Duterte upang ipamahagi sa mga pamilyang mahihirap na apektado ng “community quarantine” (CQ) ang trabaho o kabuhayan, kailangang bantayan upang isiwalat kung…
Read MoreCategory: OPINYON
REKLAMO KAUGNAY SA AMELIORATION PROGRAM NG GOBYERNO
BIGYANG pansin po muna natin ang reklamo na ipinadala sa PUNA noong Abril 10, 2020. Good Day Sir/Ma’am, May we ask or request for investigation regarding social amelioration program in Sta. Cruz, Isabela Province, Region 2, Philippines. I am just a concern citizen lang po. Hindi po kasi napasama sa listahan nang nabigyan ng form ng special amelioration program ang mga pamilyang talagang nabibilang sa mahihirap. Sa totoo po, kung sino pa ang nasa middle class na pamilya ay sila pa ang nakatanggap ng form para sa SAP lalo na…
Read MoreKALAGAYAN NG HEALTH SERVICE SA PINAS, NALANTAD
INILANTAD ng coronavirus 2019 o COVID-19 ang katotohanan sa masamang situwasyon ng health service sa Pilipinas dahil sa dami ng health workers ang pumanaw bunga ng salot na virus mula sa China. Kung totoo ang inilabas ng John Hopkins University na ang Pilipinas ang may pinamataas na bilang ng healthcare professionals na namatay sa virus na ito. Sobrang nakakalungkot!. Base sa nasabing datos, ang Pilipinas ang nangunguna sa mundo dahil nagtala ito ng 9.95% sa healthcare professionals na namatay sa COVID-19 habang malayo sa pangalawa sa listahan ang Indonesia na…
Read MorePAGCOR, POGO NAMAHAGI NG TULONG SA MGA APEKTADONG KOMUNIDAD
NAGSANIB – PWERSA ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) upang tumulong sa iba’t ibang local government units (LGUs) sa Luzon na apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic. Okay ang ginawa ng PAGCOR na paghahatid sa iba’t ibang komunidad sa National Capital Region (NCR), Benguet, Bulacan, Pampanga at Tarlac ng 47,000 food packs na binili ng POGOs. Okay din ang pahayag ni PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Jimmy Bondoc na naglaan ang POGO ng P60 milyon para sa food packs. Okay…
Read MoreAYUDA NG PHILHEALTH SA PANAHON NG COVID-19 PANDEMIC
KASALUKUYANG pumapalo sa mahigit apat na libo na ang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa bunsod ng patuloy na pagdami nang nagkakasakit kaya’t minabuti ng pamahalaan na mas pahabain ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) na sa halip na matapos ngayong ika-14 ng Abril ay ginawang hanggang katapusan ng buwan. Sa gitna nang pag-ulan ng kabi-kabilang tulong para sa ating mga dakilang frontliner ay nagpahatid din ng mabuting balita ang Philhealth ukol sa gastos sa pagpapagamot ng mga mayroong COVID-19 kung saan ayon sa ahensya ay sasagutin nila…
Read MorePROBLEMA ANG KAWALAN NG DATABASE SA EKSAKTONG BILANG NG MAHIHIRAP
NAPAKALAYO na ng iniunlad at iniangat ng ekonomiya ng Pilipinas mula noong 1960s. Sa kasalukuyan, isa ang Pilipinas sa nangungunang mataas ang gross domestic product (GDP), sukatan ng pag-unlad ng ekonmiya ng isang bansa. Ngunit, milyun-milyon ang hindi nakikinabang sa maunlad na ekonomiya ng bansa. Napakaraming mahihirap na mga pamilyang Filipino mula tuktok ng Luzon hanggang talampakan ng Mindanao. Ngunit, hindi sila kasama sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kaya, hindi lahat ng mahihirap ay nabibigyan ng pampinansiyal na…
Read MoreFRONTLINERS DAPAT ALAGAAN NG TAUMBAYAN
NAKAKALUNGKOT naman ang mga napabalita na ang mga taong handang magbuwis ng kanilang sariling buhay para lamang sa nakararaming mamayan ay binu-bully pa ng iba nating mga kababayan. Naiintindihan po natin ang sentimento ng ilan nating mga kababayan dahil natatakot silang baka iyong mga frontliner nilang kapitbahay o kabarangay ay mayroong dalang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 na mula sa mga ospital na kanilang pinaglilingkuran at baka mahawa sila ng nakakamatay na naturang sakit dahil hindi nga ito visible sa mga mata natin. Gayunman, paala-ala lang po doon sa mga…
Read MoreHUWAG IPAUBAYA SA LOCAL OFFICIALS
HINDI sa walang tayong tiwala sa local officials dahil marami naman ang matitino kahit papaano pero nararapat lang na mismong ang national government ang maghahatid ng tulong pinansyal sa bawat pamilya sa bawat barangay para matulungan ang mga dapat matulungan. Marami na kasing kuwento’t karanasan ang mamamayan sa local officials mula sa mga mayor, city at municipal councilors hanggang sa barangay officials na hindi nakararating ang dapat dumating na tulong sa kanila. Hindi kayang mag-isa ng isang mayor na maihatid ang tulong sa bawat pamilya sa lugar na nasasakupan nito…
Read MoreCASH O FOOD PACKS, DSWD, ANO BA TALAGA?
BAGAMAN ilang araw na lang bago sumapit ang itinakdang pagtatapos ng enhanced community quarantine sa buong Luzon sa Abril 12, 2020, marami pa ring reklamo sa distribusyon ng P5K-P8K na tulong pinansiyal ng pamahalaan. Maging sa mga namimigay ng form para sa special amelioration project ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay hindi malinaw sa mga ito kung sino ang dapat mabigyan. Kaliwa’t kanan ang natatanggap na reklamo ng PUNA mula sa iba’t ibang lugar dahil hindi sila binibigyan ng form. Ilan din sa mga…
Read More