KUNG SINONG WALANG NAITUTULONG, SILA PANG PASAWAY, MAKASARILI

PUNA

MARAMI pa rin sa mga tao ang walang pakialam sa kanilang kapwa at tanging iniisip ang sariling kapakanan. May mga pasaway na bagaman nasa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) at social distancing ang pamahalaan ay nagawa pang magpabingo, magpasabong at magpaboksing sa kanilang lugar. Sana, nanahimik na lang sila sa bahay, nagnilay-nilay sa kanilang mga nagawang kasalanan at baka kaawaan pa sila ng Panginoon sa halip na lumabas ng bahay para lang sa kanilang mga bisyo. Wow! Gagaling naman ninyo. Kung kayo ay naiinip at nabuburyong sa mga bahay…

Read More

TRANSPARENCY’ SA SAP NARARAPAT LANG

DPA

MABUTI naisip ng mga nasa itaas na obligahin ang barangay officials lalo na ang mga Kapitan del Baryo na isapubliko ang pangalan ng beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP). Nararapat lamang na maisapubliko ang   beneficiaries ng SAP sa bawat barangay upang malaman kung sino ang pinaboran at sino ang initsa-puwera nila sa tulong na ito ng national government. Hindi lahat ng mga tao sa barangay ay makakatanggap ng tulong pinansyal dahil limitado raw ang pondo kaya kailangang malaman kung sino ang mga nakatatanggap at sino ang hindi. Tulad ng…

Read More

PAGBAGSAK NG WHO SA GITNA NG PANDEMYA

Sa Ganang Akin

SA gitna ng pandemya, tila lahat ng mata ay nagawang maitutok ni US President Donald Trump sa World Health Organization (WHO). Maaaring isipin na naghahanap na lamang si Trump ng masisisi dahil sa biglaang paglobo ng bilang ng positibong kaso at bilang ng mga namamatay sanhi ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Estados Unidos. Nangunguna na kasi ang bansang US ngayon sa dami ng bilang nang nagpositibo sa coronavirus. Kung ang New York ay isang hiwalay na bansa, papangalawa ito sa taas ng bilang. Sinisisi ni Trump ang WHO…

Read More

MALASAKIT NG MGA HOSPITAL KAILAN MARARAMDAMAN?

NAKITA natin kung gaano kapursigido ang mga tao na tumulong sa kanilang kapwa para matulungan ang frontliners sa giyerang ito laban sa hindi nakikitang kalaban – ang coronavirus disease 2019  o COVID-19 na nagsimula sa China. Lahat tumutulong lalo na sa frontliners para proteksyunan ang mga ito sa virus sa pamamagitan nang pagbibigay ng libreng personal protection equipments (PPEs) kasama na ang government at private hospitals. Pero parang hindi naman nararamdaman ang malasakit ng mga may-ari ng mga pribadong pagamutan dahil kung pagbabasehan ang mga report, napakalaki ang kanilang sinisingil…

Read More

ANAK NI ‘PANDAY’ KUMIKILOS LABAN SA CORONAVIRUS – 2019

BADILLA NGAYON

KUNG nabubuhay pa ang tinaguriang “Da King” ng pelikulang Filipino na si Fernando Poe Jr. o FPJ ay pihadong mangunguna siya sa pagtulong hindi lamang sa mga manggagawa sa industriya ng pelikulang Filipino kundi sa lahat ng mga Filipino mula Luzon hanggang Mindanao. Ngunit, kahit matagal nang pumanaw si FPJ, nananatili ang kanyang alaala kahit ngayong nahaharap ang bansa sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sapagkat patuloy na kumikilos ang  kanyang anak na si Senadora Grace Poe. Namamahagi si Senadora Poe, katuwang ang Fernando Poe Jr. for President Movement (FPJPM),…

Read More

DAGDAG P6-B AYUDA SA PAMAHALAAN MULA SA PAGCOR

OKAY O OKRAY

MATAPOS makapag-remit ng kabuuang P20.5 bilyon sa pamahalaan, muling nag-remit ng karagdagang anim na bilyong piso sa tanggapan ng Pangulo ang Philippines Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR bilang pondo sa pinalakas na kampanya laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Okay ang naging aksyon ni PAGCOR Chairperson and CEO Andrea Domingo kaugnay sa pagbibigay o pagpapalabas na Socio-Civic Funds Project (SCFP) sa Office of the President (OP) na may kabuuang halaga na P14.5 bilyon. Okay na okay ang remittance ng PAGCOR sa OP ay bilang pondo sa Proclamation No.…

Read More

MGA PAMILYANG MAHIHIRAP PERO BUKAL SA PUSO ANG PAGDAMAY

Badilla Ngayon

NAKAAANTIG ng damdamin ang ginawa ng mga pamilyang pinakamahihirap sa isang barangay sa bayan ng Peñarrubia sa Abra, sapagkat bagaman iniaasa lamang  nila sa Department Social Welfare and Development (DSWD) ang buwanang pambili ng mga pangangailangan ay sila pang tumulong sa kapwa nila mahihirap. Nabasa ko kahapon sa online edition ng isang pahayagan na ang mga pamilyang nakaratira sa labingsiyam na kabahayang nakikinabang ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Barangay Patiao ay nagkaisa at nagkusang bawasan ang natanggap nilang pera mula sa DSWD kung saan tinulungan nila ang kapareho…

Read More

MGA HINDI NAKATUTULONG, MANAHIMIK NA LANG

DPA

HINDI ko masisisi ang Malacanang na mainis kay Sen. Leila De Lima kaya ipinapa-lockdown nila ang bunganga ng senadora dahil batikos nang batikos pero wala naman yatang naitutulong sa giyera kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Oo nga naman, sana manalangin na lang si De Lima sa loob ng kulungan para mawala na ang virus na ito at makabalik na ang mga Filipino sa kanilang dating normal na pamumuhay. Very updated si De Lima sa mga mangyayari sa labas at lahat ng kilos ng gobyerno ay kaniyang pinupuna at binabatikos…

Read More

PAMPAGULO SA PANGULO 

PRO HAC VICE

TALAGA bang mayroong mga taong sa halip ang isipin ay makatulong sa kinakaharap na krisis ngayon ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 o ­COVID-19 ay mas ninais pa na makapanggulo? Isipin naman ninyo mga ka-SAKSI itong petisyon na inihain sa Korte Suprema ng isang nagngangalang Atty. Dino De Leon noong nakaraang Lunes ng hapon na humihiling sa Kataas-taasang Hukuman na atasan si Pangulong ­Rodrigo ­Duterte na ilabas ang mga impormasyon ng kanyang pisikal na ­kondisyon nang maupo ito bilang presidente ng bansa. Tanong lang kay Atty. De Leon, talaga…

Read More