KAPANSIN-PANSIN sa ngayon na malayang nakakagala kung saan-saan ang mga daga (kriminal) dahil sa nawawala ang mga pusa (awtoridad) hindi lang sa Metro Manila subalit sa lahat yata ng sulok ng Pilipinas. Naglabasan na naman ang riding in tandem o mga kriminal dahil natutulog sa pansitan ang mga pulis o kaya naman ay nasa ilalim ng tulay sa kandungan ng kanilang mga kalukadidang (mistress). Kapansin-pansin nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod na naman ang insidente nang pamamaril kabilang na ang isang vendor na hindi pinaligtas ng holdaper. Nag-viral sa social media…
Read MoreCategory: OPINYON
FACE OFF NINA AGUIRRE AT TULFO SA SENADO
MUKHANG magkakaroon ng bulgaran o batuhan ng baho sa susunod na pagdinig ng Senado sa isyu ng Philippines offshore gaming operators o POGO itong sina dating Department of Justice Vitaliano Aguirre at kilalang kolumnista na si Ramon Tulfo. Sino kaya kina Aguirre at Tulfo ang lulutang at hahangaan ng nakararami dahil sa pagsasabi ng katotohanan? Sino naman kaya sa kanila ang paparatangan na sinungaling? Kasi nga ay naunang pinangalanan o pinaratangan ni Ginoong Tulfo si dating Justice Secretary Aguirre na umanoy nakinabang sa “pastillas scheme” na kinasasangkutan ng ilang mga…
Read MorePAGSASAPRIBADO NG NEGOSYO NG ELECTRICITY TRANSMISSION: MORE HARM THAN GOOD
HINDI lamang banta sa pambansang seguridad ng Pilipinas ang dulot nang pagsasapribado ng negosyo ng electricity transmission kung hindi sa posisyon ng pananalapi ng pamahalaan para sa pagbabayad ng pagkakautang nito sa panlabas. Ang tagapangasiwa at pagmamay-ari ng transmission grid ay nakaatas sa isang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) at ito ang National Transmission Corporation o TRANSCO. Sa kasalukuyan, ang pag mamay- ari nito, para sa kaalaman ng marami, ay nananatili sa pamahalaan o sa taumbayan. Ngunit makikita natin na ang pakinabang nito ay nawala sa taumbayan at ipinasa…
Read MoreDISKRIMINASYON SA MGA KATUTUBO
AYON sa batas, ang mga katutubo ay may mga karapatan tulad ng sa ordinaryong mamamayan kaya’t hindi sila dapat minamaliit lalo na kung nauugnay sa ekonomiya at kondisyong panlipunan. Kaya naman, mali ang ginawa ng Victory Liner Bus Inc. na hindi pagpapasakay sa isang pamilya ng Aeta na papauwi ng Pampanga noong parahin ang nasabing sasakyan sa EDSA. Sinabi ni Mikhael Petito, isang concerned citizen, nag-aabang siya ng bus sa EDSA sa gawi ng Pasay nang makita niya ang pamilya ng Aeta na tulad niya ay nag-aabang din ng masasakyan.…
Read MoreESPIONAGE
HINDI ko alam kung saan nanggaling ang impormasyon ni Senador Richard Gordon na ang ilang mga Chinese na nagtratrabaho sa mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) ay nagsasagawa ng “espionage” o paniniktik dito sa ating bansa. Sa pagkakaalam ko, lahat naman ng mga bansang may embahada dito sa Pilipinas ay may “political officers” o di kaya ay “trade and economic attaches” na ang pangunahing tungkulin ay mangalap ng impormasyon sa pulitika at ekonomiya na may kinalaman sa interes ng kanilang bansa. Mismong ang Pilipinas ay may mga tinatawag na DAFA o…
Read MoreTEENAGE PREGNANCY SERYOSO NA
ANG kuwento ng mga matatanda, iwas nang iwas ang mga kadalagahan sa mga kalalakihan dahil kapag nahawakan na ang kanilang kamay ay ipapakasal na sila ng kanilang magulang sa ayaw at sa gusto nila. Hindi rin basta-basta magkaroon ng kasintahan noon dahil ang lalaki ay kailangang magpakitang gilas sa pamilya ang nililigawan at pagsisilbihan ang pamilya ng babae sa pamamagitan nang pagsibak ng kahoy, pag-igib at pagdidilig ng mga halaman. Hinaharana din muna ng mga lalaki ang babae dahil doon lang nila nailalabas ang kanilang damdamin sa babaeng sinisinta at…
Read MorePRAYORIDAD NATIN ANG KALUSUGAN NG MGA MAMAMAYAN SA RIZAL
PRAYORIDAD natin ngayon na alagaan ang kalusugan ng mga mamamayan sa Ikalawang Distrito ng lalawigan ng Rizal. Malinaw ang polisiya ng pamahalaan na bigyang-proteksiyong pangkalusugan ang bawat mamamayan na nasasakop nito. Nakasaad sa Section 15, Artikulo II ng Saligang Batas na dapat itaguyod at pangalagaan ng estado ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan at ikintal ang kamalayang pangkalusugan sa kanila. Kaya naman nitong nakaraang linggo ay dinaluhan ng inyong Lingkod kasama si Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares bilang mga panauhing pandangal ang pagpapasinaya at pagbubukas ng bagong Dialysis Hub…
Read MoreOKAY NA PROYEKTO, OKRAY NA OPISYAL
LAKING pasalamat pa rin ng RedBank Foundation Inc, samahan ng mga pribadong indibidwal na naglalayong magligtas ng buhay, sa lahat nang dumalo sa ginanap na blood letting activity sa National Press Club na pinangunahan ng Pasay City Host Lions Club kung saan isa sa mga miyembro ang inyong lingkod. Okay ang ginawang blood letting activity na may titulong “Dugo Mo, Buhay Ko” ng PCHLC sa pangunguna ng presidente nitong si Lydia Bueno at sinamahan ng Red Bank Foundation Inc at Rotary Club of Raha Sulayman kasama ang Raha Volunteers and…
Read MoreESPENIDO, TINIRA NG SINDIKATO NG DROGA
PATULOY ang pagdami ng supporters ni drug war model Police Lt.Col. Jovie Espenido na nasama ang pangalan sa listahan ng mga sangkot sa ilegal na droga sa bansa. Iba’t ibang reaksyon ang ibinigay ng netizens sa social media kaugnay sa nangyari kay Espenido. Subalit karaniwan ay hindi naniniwala na dawit ang opisyal sa ilegal na droga at inaakalang pakana lang ng sindikato ng droga na lubhang nasaktan sa puspusang kampanyang ginawa ni Espenido. Posibleng dahil nasaktan ang sindikato ay nagpalabas ng maling impormasyon na mabilis nakuha ng mga awtoridad na…
Read More