ESPENIDO, TINIRA NG SINDIKATO NG DROGA

PUNA

PATULOY ang pagdami ng supporters ni drug war model Police Lt.Col. Jovie Espenido na nasama ang pangalan sa listahan ng mga sangkot sa ilegal na droga sa bansa.

Ibaโ€™t ibang reaksyon ang ibinigay ng netizens sa social media kaugnay sa nangyari kay Espenido.ย  Subalit karaniwan ay hindi naniniwala na dawit ang opisyal sa ilegal na droga at inaakalang pakana lang ng sindikato ng droga na lubhang nasaktan sa puspusang kampanyang ginawa ni Espenido.

Posibleng ย dahil nasaktan ang sindikato ay nagpalabas ng maling impormasyon na mabilis nakuha ng mga awtoridad na kinabibilangan ng intelligence community, pulis, militar at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Paanong nasangkot sa ilegal na droga ang paborito ni Pangulong Rodrigo Duterte gayung ito nga ang nangunguna sa pagsugpo sa droga?

May takot din si Espenido sa Panginoon dahil isa siyang relihiyosong pulis at miyembro ng ยญSeventh-Day Adventist (SDA), ang relihiyong mahigpit pagdating sa kanilang mga miyembro lalo na pagdating sa pagsunod sa mga kautusan sa Bibliya.

Katunayan ang relihiyon ni Espenidong SDA ay kapartner ngayon ng ยญDangerous Drugs Board (DDB) sa kanilang ยญprograma sa pagpapatupad ng Philippine Anti-illegal Drugs Strategy (PADS).

Sa pangunguna ni Secretary Catalino Cuy, ยญChairman ng DDB at ย katuwang ang ย Southern Asia-Pacific Division ng SDA Church, ay na-update na ang PADS.

Napili ng DDB ang relihiyong SDA dahil ยญnaniniwala silang malaki ang tulong nito sa mabilis na pag-rekober ng mga tao na minsan ay nalihis ang kanilang landas sa ยญpaggamit ng ilegal na droga.

Maraming hospital ng SDA sa ibat-ibang lugar na maaaring makapag-monitor sa lagay ng mga pasyente na nasa mga rehab center.

Kaya hiling nila kay Pangulong Duterte na hubaran ng maskara ang nagdawit kay Espinido sa ilegal na gawain.

Isang pamilya umano ng politicians sa Leyte ang nagalit kay Espenido dahil nabuking nito ang ยญkanilang operasyon sa ilegal na ยญdroga. Bagaman may ยญnasawi na sa pamilyang ito, ยญsinasabing namamayagpag pa rin ang mga ito sa ยญkanilang ยญoperasyon sa droga.

Si Pangulong Duterte naman ay buo pa rin ang tiwala sa kanyang bata.

Sila kaya ang nasa likod ng pagkakalagay sa narcolist ng pangalan ni Lt. Col. Espenido?

Lord patawarin nโ€™yo po sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa, Amen!

Lahat po ng kasamaan sa mundo ay may katapusan.

 

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email ยญjoel2amongo@yahoo.comย atย operarioj45@gmail.com.

 

284

Related posts

Leave a Comment