KUNG mayroong mawawala o kaya mababawasan ng malaking porsyento ay ang mga krimen dahil sa pagsasailalim ng gobyerno sa community quarantine sa buong Metro Manila. Visible na ang mga pulis at militar sa mga lansangan ngayon sa Metro Manila lalo na sa mga borders upang ipatupad ang community quarantine at maiwasan na dumami pa ng husto ang magkakasakit ng COVID-19 Kung may gagawa pa ng krimen, tiyak na hindi na sila makakalusot sa mga awtoridad kaya malamang ay magtatago muna ang mga kriminal habang nasa lansangan ang mga pulis at…
Read MoreCategory: OPINYON
KATATAGAN SA PAGHARAP SA PANDEMYANG COVID-19
TILA sinusubok talaga tayo ngayong taong 2020. Marso pa lamang ngunit napakarami nang nangyari at isa nga dyan ang pagdating ng pandemyang COVID-19 na nagmula sa China. Libo-libo na ang nagkakasakit at marami na rin ang namatay dahil sa nasabing virus, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Halos dalawang linggo pa lamang ang lumipas mula nang lumabas ang balita na dalawang turista na Taiwanese at Australyano ang nag-positibo sa COVID-19 matapos nilang bumisita sa bansa. Mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang pagsulpot ng mga kaso nang nag-positibo…
Read More“COMMUNITY QUARANTINE” SA NCR: MANGYARING SUMUNOD SA MGA AWTORIDAD
NAKIKIUSAP tayo sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Rizal na makipagtulungan tayo sa mga hakbang ng gobyerno at sumunod tayo sa mga patakaran kaugnay sa ipinaiiral na “community quarantine” sa Metro Manila simula kahapon (Marso 15) hanggang Abril 14. Hindi lingid sa ating kaalaman na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kung kaya sinasang-ayunan natin ang naging hakbang ng inter-agency task force na gawin ang nararapat upang hindi na lumala pa ang sitwasyon at mas lumaganap ang COVID-19 sa mga karatig lalawigan. Batay sa resolusyon ng…
Read MoreTULUY-TULOY ANG ILLEGAL GAMBLING SA NCR
ANG huling balita hinggil sa ilegal na sugal mula kay Philippine National Police chief, General Archie Francisco Gamboa, ay tatanggalin niya ang regional director kung mayroong pa ring jueteng o anumang klase ng ilegal na sugal sa kanyang nasasakupan. Tulad ng alam ng lahat, walang natanggal na direktor ng rehiyon kahit sa mga rehiyong kilalang nakabaon na ang jueteng o bookies ng small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) tulad sa Central Luzon at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). Kahit nga sa National Capital Region…
Read MoreNAGPABAYA ANG CHINA
KAHIT ano pang sabihin ng China, sa kanila nagsimula ang COVID-19 na namemerwisyo ngayon sa buong mundo kaya kailangan nilang tumulong sa mga bansang apektado. Actually, naghihintay ako ng matapang na bansa na magsasabi na kailangang pagbayarin ang China sa pamemerwisyong idinulot ng sakit na ito na nagsimula sa Wuhan. Kung ang mga bansang nagsimula ng giyera lalo na noong World War II tulad ng Germany at Japan ay pinagbabayad o sinisingil ng kumpensasyon, baka kailangang gawin din ito ng mga bansang apektado sa COVID-19 mula sa China. Hindi na…
Read MoreREPRODUCTIVE RIGHTS PALAKASIN, PANGANGANAK SA BAHAY PAGTIBAYIN
DAHIL ang buwan ng Marso ay idineklarang Women’s Month at ang March 8 (kahapon) ay kinikilalang International Women’s Day, isang magandang balita ang nais na iparating ng inyong lingkod sa mga kababaihan lalong lalo na ang mga magiging nanay o sa mga babaeng buntis. Isinusulong po ng inyong congressman mula sa 2nd District ng Rizal ang Reproductive Rights para sa mga kababaihang nagdadalang-tao na isilang ang kanilang anak sa lugar kung saan nila nais at kung saan sila kumportable. Kamakailan ay inihain natin sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House…
Read MorePANINIGARILYO AT VAPING, IPINAGBABAWAL NA SA MERALCO
BILANG suporta sa ipinatutupad ng ating pamahalaan na Executive Order no. 26 – Providing for the Establishment of Smoke-Free Environments in Public and Enclosed Places at Executive Order no. 106 na nagbabawal sa paggamit ng vape at e-cigarette, ipinagbabawal na rin ng Manila Electric Company (Meralco) ang paninigarilyo at paggamit ng vape at e-cigarette sa anumang pasilidad at opisina nito. Ipinatupad ang nasabing direktiba nitong ika-1 ng Marso. Imposibleng hindi mapansin ang nakapaskil na mga tarpaulin sa loob ng kumpanya na nagpapaalalang bawal na ang paninigarilyo sa Meralco. Ang hakbang…
Read MorePAHAYAG NI DUQUE SA 2 MAY COVID-19 PINAGDUDAHAN?
Hindi naniniwala ang mga Pinoy sa statement ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi local o community transmission ang isa sa dalawang panibagong kaso ng Covid-19 sa bansa. Noong Biyernes (March 6) kinumpirma ni Duque na may dalawang kaso na naman ng Coronavirus sa Pilipinas . Ang dalawa ay nasa 48-anyos at 62-anyos na pawang mga Pinoy. Ang 48-anyos ay bumisita kamakailan sa Tokyo, Japan at bumalik sa bansa noong Pebrero 25. Nakaranas ng panginginig ang biktima at…
Read MorePAGPASLANG SA MGA ABOGADO DAPAT TULDUKAN NA
MARIIN nating kinukondena ang pagpaslang sa ating kapwa abogado na pinatay mismo sa loob ng kanyang opisina sa Talavera, Nueva Ecija. Ang kulturang ito ng kawalan ng lakas na nagpapaliit sa halaga ng isang buhay ay dapat ng matigil na. Ang pagpatay kay Bayani Dalangin ay pang-apatnapu’t walong insidente na nang pagkitil sa miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) simula noong 2016. Panahon na para gumawa ng imbestigasyon ang Kongreso upang matukoy kung ano ang magagawa ng Executive branch para matuldukan na ang pagpaslang sa mga abogado. Noong…
Read More