MGA PASAWAY NA DAYUHANG CHINESE ‘PATAPON’ SA CHINA

DPA

MAY mga nakukuhang impormasyon ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent na marami sa mga Chinese  na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa ating bansa ay mga walang silbi sa China. Parang noong panahon ng Kastila na ang mga Espanyol na nasa Pilipinas na kanilang sinakop ay mula sa mga mahihirap na probinsya sa Espanya at sinasabing ‘patapon’ din sa kanilang bansa at walang oportunidad kaya ipinadala nila sa ating bansa. Pagdating ng mga Es­panyol na ito sa Pilipinas naging powerful samantalang noong nasa Espanya ay sila…

Read More

BLACKOUTS NA PWEDENG GAWIN NG CHINA MAS DAPAT KATAKUTAN

KAMAKAILAN lamang ay nagbigay ng babala ang Department of Energy (DOE) sa nakaambang yellow alert, red alert at brownouts sa dara­ting na Abril at Mayo dahil na rin sa inaasahang taas ng konsumo ng kuryente tuwing tag-init sa gitna ng taun-taong pagtaas ng pangangailangan sa kur­yente sa kabila ng kokonti naman ang naitatayong power plants para mag-supply ng kuryente. Sa Luzon Grid, tantiya ng DOE sa pangangailangan ay aabot ng 12,285 MW, mas mataas ng 256 MW kaysa magagamit na kuryente na nasa 12,029 MW lamang habang inaasahan din ang…

Read More

SUPLAY NG KURYENTE BAGONG HAMON SA BANSA

Sa Ganang Akin

Tila mas naging maganda ang takbo ng buwan ng Pebrero kung ikukum­para sa Enero na puno ng hindi kanais-nais na mga pangyayari. Unti-unti ay lumilipas at bumubuti na ang kalagayan ng mga hamong hinaharap natin noong nakaraang buwan. Ang Taal ay ibinaba na sa Alert Level 2 at sa kasalukuyan ay bumaba na rin sa bilang na 0 ang bilang ng mga taong may COVID-19 sa bansa. Katangi-tangi ang pagkakaisang ipinamalas ng mga mamamayan ng ating bansa sa pagharap sa mga hamon na ito at natitiyak kong maipamamalas din natin…

Read More

IBALIK SA MONTALBAN ANG PANGALAN NG RODRIGUEZ, RIZAL FORWARD NOW NI REP FIDEL NOGRALES

FORWARD NOW

PANAHON na para mu­ling ibalik sa orihinal na pangalang ‘Montalban’ ang pangalan ng bayan ng Rodriguez dahil ito ang matagal ng hiling at sentimyento ng ating mga nasasakupan sa naturang bayan. Tayo ay naghain ng isang panukalang batas sa Kamara para sa pagpapanumbalik sa pangalan ng Rodriguez patungo sa orihinal nitong pangalan na Montalban simula nang itatag ito noong 1909 kung saan ito rin ang nakagisnan at kinikilala ng mas nakararami. Ang House Bill 337 o “An Act Renaming the Municipality of Rodriguez to the ­Municipality of Montalban” na layuning…

Read More

PNP NAGHIHIGPIT SA DROGA, SUGAL

OKAY O OKRAY

MAGANDA ang resulta sa ngayon nang paghihigpit ng Philippine National Police(PNP) sa ilegal na droga at sugal dahil makikitang nagtratrabaho ang mga pulis upang makaaresto ng mga lumalabag sa batas. Okay ang performance ng mga tauhan ng Quezon City Police District na pinangungunahan ni P/BGen. Ronnie Montejo sapagkat halos lahat ng labingdalawang (12)  stations ay kumikilos upang manghuli ng mga pasaway na tulak at adik. Okay na okay na maging ang ilegal na sugal ay hindi pinalalampas ng QCPD kung kaya’t ang mga financier at operator ay halos hindi makalutang…

Read More

BAKIT DI PINAKANTA ANG 5 “PASTILLAS” BOYS?

PUNA

HINDI lang dapat matapos sa pagsibak sa limang (5) tauhan ng Bureau of Immigration na nasangkot sa “Pastillas” scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Dapat ay nag utos ng malalimang imbestigasyon si BI Commissioner Jaime Morente sabay pakanta sa mga sangkot kung sinu- sino pa ang kanilang kakutsaba. Impossible kasing walang nga utos sa kanila dahil hindi naman lalakas ang loob ng mga sangkot kung wala sila ng ipinagmamalaking padrino. Sino nga ba ang talagang nakikinabang sa P10,000 lagay bawat ulo ng mga dayuhan? Sa dami nang nakapasok eh…

Read More

ANO ANG KATOTOHANAN SA REKLAMO NG ABS-CBN?

PRO HAC VICE

MAY nagawa nga bang paglabag ang ABS-CBN sa ipinagkaloob na prangkisa sa kanila ng pamahalaan o sadyang ginigipit nga lang ito ng pamahalaan dahil sa umano’y pagiging biased sa paghahatid ng balita laban sa kasalukuyang administrasyon? Tama bang sabihin na mayroong paglabag sa malayang pamamahayag ang inihaing ‘quo warranto petition’ ng tanggapan ng Solicitor General laban sa higanteng network? Kapag media outfit ba ang kinasuhan ng pamahalaan dahil sa may nakitang paglabag sa ipinagkaloob sa kanilang pribilehiyo ay paglabag na ito sa malayang pamamahayag? Kung naaalala ninyo, kinasuhan din ng…

Read More

LAHAT NG SUGAL IPINAGBABAWAL

OKAY O OKRAY

PINAALALAHANAN ni ­Quezon City Police District (QCPD) director P/BGen Ronnie Montejo ang mga mamamayan ng lungsod na itigil ang pagtangkilik sa mga ilegal na gawain kasama na ang sugal. Okay ang ginawang panawagan ni Montejo at maging ang paalala nito na lahat ng uri ng sugal ay ipinagbabawal kabilan na ang madalas na nilalaro sa mga lamay at maging sa kalsada. Okay na okay ang pi­naigting na kampanya ng QCPD laban sa krimen at anumang uri ng sugal kung kaya’t nagtrabaho ang mga tauhan ni Montejo kung kaya’t nakaaresto ng…

Read More

PROTEKSYON SA MGA EMPLEYADO KAILANGAN – SEN. POE

Badilla Ngayon

ISA si Senadora Grace Poe sa mga senador na ­naghahangad na magkaroon ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN Corporation. Ito’y dahil napakalaking usapin kay Poe ang trabaho ng mahigit 11,000 empleyado ng ABS-CBN. Gusto ni Poe na ma­bigyan ng “proteksyon” ang trabaho ng mahigit 11,000 empleyado ng “Kapamilya” network katulad nang pagnanais ng iba pang senador at Department of Labor and Employment (DOLE). Ang prangkisa ng ­ABS-CBN na nagsimula noong Marso 30, 1995 ay magtatapos ngayong Marso 30. Kinakatigan ko ang “malasakit” ni Senadora Grace Poe sa mga manggagawa, sapagkat ang…

Read More