WALA NANG REKLAMO SA TRAPIK AH

DPA

MUKHANG sanay na sanay na tayo sa problema sa trapik sa Metro Manila dahil halos wala nang pumapansin simula nang matapos ang holiday season at wala nang nagrereklamo. Parang tanggap na tanggap na ng ating mga kababayan ang problemang ito dahil kahit magreklamo sila nang magreklamo ay wala naman silang magagawa at wala din namang aksyon mula sa gobyerno. Marahil ay napagod  na rin ang mamamayan sa karereklamo kaya tinatanggap na lamang nila ang problema. Nag-aadjust na lamang sila ng oras para hindi sila ma-late sa kanilang pupuntahan. At iyan…

Read More

KAMPANYA SA SUGAL NINGAS KUGON?

SA pag-upo ni P/Gen. Archie Francisco Gamboa bilang hepe ng Pambansang Pulisya, kaagad na ipinag-utos nito sa kanyang alagad ang pagpapatigil sa lahat ng uri ng sugal sa buong bansa. Binalaan nito ang lahat ng regional directors, district directors, provincial directors, regional officers, chiefs of police, station commanders at police community precinct com­manders na ipapatupad niya ang ‘one strike policy’ kapag hindi ang mga ito sumunod sa kanyang kautusan. Bilang pagtalima sa kautusan ni Gamboa, maging ang sugal sa lamay sa patay ay ipinagbawal na rin sa Metro Manila ni…

Read More

KAKAIBANG VIRUS SA BICOL

SIDEBAR

HABANG patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong apektado ng Corona Virus Diseases-2019 (COVID-19), may kakaibang virus naman ang kumakalat sa mga nasa Bicol – ang pagiging “no read” ng mahigit 70,000 estudyante sa elementarya. Ang naturang datos ay base sa isinagawang pag-aaral ng Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI) mula Hulyo hanggang Agosto ng 2019. Ang Phil-IRI ay i­nisyatiba ng Bureau of E­lementary Education (BEE) ng Department of Education na nagdedetermina ng performance ng mga mag-aaral sa oral reading, silent reading at listening comprehension. Ang naturang reading inventory program…

Read More

HUSTISYA PARA SA MGA NAPAPAG-IWANANG SEKTOR

FORWARD NOW

NANANAWAGAN tayo sa ating mga kapwa mambabatas sa Kamara na agarang ipasa ang ating panukalang batas upang palawakin ang Public Attorney’s Office (PAO) pati na rin ang batas na magtatatag ng legal aid programs sa mga private at public law schools sa bansa na titiyak sa pagkakaroon ng access sa hustisya ng marginalized sectors o mahihirap nating kababayan. Sa ilalim ng House Bill No. 4281 o “Public Attorney’s Office Modernization Act of 2019” na isinusulong natin sa Kongreso, mas palalawakin nito ang mandato ng PAO upang isama ang libreng legal…

Read More

PANGANGALAGA SA MGA BAYBAYIN NG BANSA

Sa Ganang Akin

MAAALALANG matapos ang matagumpay na rehabi­litasyon ng Boracay noong 2018, sunod na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Metro Manila Development ­Authority (MMDA) ang rehabilitasyon ng Manila Bay. Nagbitaw ng pangako ang DENR ukol sa nasabing kautusan na pagtatapos ng 2019 ay maaari nang lumangoy ang mga Pilipino sa Manila Bay subalit hindi naman natupad. Gayunman, siniguro ni DENR Secretary Roy Cimatu sa publiko na mananatiling numero unong prayoridad ng  kanyang tanggapan ang rehabilitasyon ng Manila Bay sa susunod na dalawang taon.…

Read More

MAYOR JOY AYAW SA SUGAL

OKAY O OKRAY

Mula nang maupo biglang alkalde ng Que-zon City si Mayor Joy Belmonte, maraming pagbabago ang naga-nap sa lungsod na noon pa man ay maunlad na. Okay ang mga gusto ni Mayor Belmonte na karagdagang pagbabago sa Quezon City dahil hindi nga naman ito para sa kanya subalit para sa mga mamamayan. Nais ng alkalde na mawala ang katiwalian sa lungsod na kanyang pinamumunuan kaya okay na okay na ang mga empleyado na sa pagkakaalam niya ay mga tauhan ng ­dating mga namumuno ay kanyang inilipat ng unit at departamento upang…

Read More

K-12 NG DEPED PALPAK

PUNA

ITINUTURING na palpak ng mga magulang na nagpapaaral ng mga anak ang K-12 Program ng Department of Education (DepEd). Para sa mga magulang na tulad ng PUNA, ginawang eksperimento lang ng DepEd ang pagpapatupad ng K-12 na ang naperwisyo nito ang nakararaming Pinoy. Sabi pa ng mga magulang,  doble ang ginagastos ng gobyerno sa implementasyon nito. Gumastos na ang ­gobyerno sa pagpasok ng mga senior high sapagkat nagpagawa na sila ng mga pasilidad at iba pang kagamitan para magamit ng mga eskuwela. Pinatay rin nitong K-12 program ang vocational courses…

Read More

ANG TOTOONG MALAYANG PAMAMAHAYAG

Badilla Ngayon

MATAGAL nang suliranin ang malayang pamamahayag sa bansa. Panahon pa ng paghahari at kontrol ng imperyong Kastila sa Pilipinas mula Ika-16 na siglo hanggang Ika-19 na siglo ay isyu na ang malayang pamamahayag sa bansa. Noong panahon ng Kastila, totoong walang malayang pamamahayag sa Pilipinas. Isang kongkretong ha­limbawa rito ay ipinasara ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas ang pahayagang Kalayaan ng K.K.K. Hindi nagustuhan ng mga Kastila at pamunuan ng Simbahang Katoliko ang ­sobrang tapang at napakatalas na mga artikulo, tula at balitang inakda nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Pio…

Read More

VFA SA CHINA, NO WAY

DPA

HINDI eksperto ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent sa usapin ng national security pero bilang  Filipino mayroon akong sariling opinyon at mga katanungan na alam kong hindi lahat ay sumasang-ayon hinggil sa  plano ng gobyerno na buwagin ang Philippine – US Visiting Forces Agreement (VFA). Kapag tuluyan bang nawala ang presensya ng mga Amerikano sa Pilipinas, ang papalit ba ay ang  People’s Liberation Army (PLA) ng China na matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte? Hindi iyan malayong mangyari dahil sa ‘magandang relasyon’ ni Duterte sa China sapagkat…

Read More