NAKAKATUWA naman itong si Quezon City Police District director P/BGen. Ronnie Montejo dahil kahit panay ang banat sa kanya ng mga mamamahayag kaugnay sa ilegal na sugal sa kanyang nasasakupan ay hindi niya ito ikinasasama ng loob. Okay siya dahil itinuturing pa rin niyang kaibigan ang mga bumabanat sa kanya at hindi niya pinepersonal ang mga ito. Sabi niya, pareho lang namang nagtratrabaho ang mga pulis at reporters kaya ibinabalita lang ang kung ano ang kanilang nakikita. Okay na okay rin ang kanyang ginagawang pagpapa-raid sa mga makina ng video…
Read MoreCategory: OPINYON
PAGGAMIT NG COCO PRODUCTS GRASYA SA MGA MAGNINIYOG
SAKALING matuloy ang executive order na naglalayong tangkilikin ng mga Filipino ang iba’t ibang produkto ng niyog, laking pasalamat tiyak ng coconut farmers kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil grasya ito sa kanila at siyempre sa ating bansa. Milyun-milyong mga Pinoy ang umaasa sa kita ng niyog, mula Laguna, Batangas, Quezon, Bicol at kabuuan ng Kabisayaan at Mindanao. Siyempre kapag nagawa na ni Pangulong Duterte ang EO dadami ang gagamit ng mga produkto mula sa niyog at kasabay nito ang pagtaas ng presyo nito sa merkado kaya’t ang niyog at buko…
Read MoreKALIGTASAN NG OJT GARANTIYAHAN
Inihain ng inyong lingkod sa Kamara ang House Bill 5652 o Intern’s Rights, Welfare and Benefits Bill na naglalayong makabuo ng national framework para sa seguridad at pangangalaga sa mga Interns partikular sa kanilang mga karapatan, kapakanan at tamang benepisyo. Kasi nga nakita ko na karamihan sa mga interns ay mula sa sektor ng mga kabataan na dapat tinatamasa ang lahat ng mga karapatang iginawad sa kanila ng 1987 Konstitusyon at ng iba pang mga batas. Batay sa Saligang Batas, dapat itaguyod at protektahan ng estado ang mga kabataan gayundin…
Read MoreKAPIT-BISIG SA PANAHON NG KRISIS
IPAKITA nating mga Filipino ang pagiging maka-pamilya ng lahi ni Juan Dela Cruz sa panahon ng krisis. Pwede namang ilagay muna sa isang tabi ang magkakaibang paniniwala at kulay dahil maraming kinahaharap na suliranin ngayon ang taumbayan. Hindi lang sa bansa, maging sa buong mundo dahil sa paglabas ng nakamamatay na 2019 novel coronavirus (2019-nCoV). Sinabayan pa nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal noong nakaraang Enero 12 subalit sa pangyayaring iyon ay namulat ang mata ng inyong lingkod na bukal sa puso ng mga Filipino ang pagtulong sa ating mga kababayan.…
Read MoreMALASAKIT SA KAPWA
MASARAP isipin na hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga Filipino ang nananatiling may malasakit sa kanyang kapwa. Kamakailan, tumawag sa inyong lingkod ang isa sa ating kaibigan na si Dr. Dionel Tubera, ng Quezon City na nagtatanong kung may alam daw ba akong evacuation center na pwedeng pagdalhan ng relief goods dahil nakikita raw niya sa aking Facebook posts na pabalik-balik ako sa Batangas at Cavite upang mag-cover hindi lang para sa relief goods distribution subalit maging sa pagmomonitor ng kaligtasan ng mga tao. Dahil batid kong mabuti…
Read MorePAGKAKAISA NG TSINOY
NAKATUTUWA o OKAY na OKAY limiin na nagkakaisa ang mga Filipino at Chinese sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong year of the white metal rat, ang totoong bente-bente (2020) na sa dayalogo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay etneb-etneb. Hindi lang naman sa Maynila partikular sa Binondo ipinagdiriwang ang Chinese New Year subalit maging sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na kadalasang tinatawag na China Town. Okay ang ginagawang pagdiriwang sa iba’t ibang panig ng mundo dahil halos isang ikalima (one fifth) ng populasyon sa planeta ay…
Read MoreMAY NAMUMULITIKA SA PAMIMIGAY NG RELIEF GOODS
KUMAKALAT ngayon sa social media na isang barangay chairman na ginagamit sa kanyang pamumulitika ang pamamahagi ng relief goods sa evacuation center na nasa kanyang nasasakupan. Kailangan pa raw ng pirma ni Kupitan (este Kapitan) bago mabigyan ang kawawang mga bakwit ng relief goods. Anak ka ng ina mo Kups ay Kaps! Dapat sa’yo ay isumbong kay Interior and Local Goverment Undersecretary Martin Dino nang masabon ka na maikula ka pa! Bakit kailangan pang kontrolin mo ang relief goods? Galing ba sa bulsa mo ang ipinambili ng mga yan? Dapat…
Read MorePOSIBLENG PAGKALAT NG CORONAVIRUS
HINDI pa man nakakabangon ang bansa kaugnay sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal, panibagong problema na naman ang posibleng kaharapin ng mga Pilipino at ito ay ang pagkalat ng bagong sakit na mula sa bansang China. Kumalat ang sakit sa Wuhan, China na nakaapekto nang daan-daang katao noong Disyembre 2019 na sinasabing nagmula ang sakit sa hayop na naisalin sa tao. Ang coronavirus na mula sa China ay sinasabing kamag-anak ng SARS virus na sanhi ng pneumonia at hindi nalulunasan ng anti-biotic kung kaya’t masasabing nakamamatay. Ayon sa ilang eksperto sa…
Read MoreBAKIT MAY NANGGUGULO?
KASAMA po ang bawat isa sa atin sa digmaan laban sa droga, katiwalian sa pamahalaan, terorismo, kriminalidad at iba pang mga ilegal na aktibidad. Bawat Pilipino po ay kasali, walang hindi apektado. Hindi na pwedeng magkibit-balikat ang mga mamamayan dahil ang digmaan ay kasama sila. Umaalma na ang mga kampon ng kadiliman at pinapatay nila ang mga inosenteng Pilipino. Nais nilang huminto ang administrasyon sa pagtugis sa mga masasamang-loob na nakapaloob sa mga komunidad at mismong sa pamahalaan. Wala silang awang pumatay ng mga inosente para guluhin ang kampanya ng…
Read More