HALOS dalawang dekada na rin ang nakalilipas sa paghahabol ni boxing legend Luisito Espinosa sa kanyang promoter upang makamit ang inaasam-asam na premyong kanyang pinagwagian sa labang buwis-buhay. Sa wakas ay mapapakinabang na rin ng legendary boxer ang perang kanyang pinagpawisan makaraang atasan ng Korte Suprema ang pamilya ng boxing promoter na si Rodolfo Nazario na bayaran ng mahigit US$130,000 si Espinosa. Bukod sa halagang pinababayaran na bahagi ng prize money ni Espinosa, pinagbabayad din ng Kataas-taasang Hukuman ang mga tagapagmana ni Nazario ng anim na porsiyentong tubo bawat taon…
Read MoreCategory: OPINYON
SEN. POE: WAG PAHIRAPAN ANG MGA MANANAKAY
SAKSI ako sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe nitong Lunes. Unang naging paksa ni Poe kung saan siya mismo ang nagtanong kay Antonio Gardiola, hepe ng (TWG) ng Department of Transportation (DOTr), hinggil sa desisyon nitong ipatigil ang pilot test run ng motorcycle taxi. Simula sa susunod na linggo ay bawal nang mamasada ang mga motorcycle driver bilang motorcycle taxi riders ng Angkas, JoyRide at MoveIt, sapagkat ayon kay Gardiola, ay hindi sumusunod ang Angkas sa kagustuhan ng TWG. Ang pilot test…
Read MoreTAMA LANG ANG GINAGAWA NI DIGONG SA OLIGARCH
HINDI ko masisisi si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit galit ito sa mga Oligarch na kumopo ng mga malalaking kontrata sa gobyerno sa larangan ng public service tulad ng transportasyon, tubig at kuryente. Patuloy kasi ang pagyaman ng mga ito habang ang mamamayan ay patuloy naman sa pagkayod para mabayaran ang kanilang mga bills na pataas nang pataas habang tumatagal. Halos lahat ng mga kontratang pinasok ng mga mayayamang negosyante sa ating gobyerno ay pawang pabor sa kanila at ngayong lang nagkaroon ng pangulo na kaya silang galawin. Mangungutang sila…
Read MoreNAWA’Y MAGING NORMAL NA ANG BULKANG TAAL
IISA ang dalangin ng mga mamamayan ng Batangas at Cavite, lalo na yung matinding naapektuhan nang pag-alburuto ng Bulkang Taal – bumalik na ito sa normal. Sa ginawang pag-iikot ng Peryodiko Filipino Inc. team sa iba’t ibang mga bayan sa nasabing mga lalawigan, dinig na dinig ng inyong lingkod ang mga kahilingan at dalangin ng mga tao roon lalo na yung mga nasa evacuation centers na sana’y muling manahimik na ang bulkan upang sila’y makabalik na sa dati nilang tahanan nang sa gayon ay makapagsimula nang muli at makabangon. Hindi…
Read MoreNATIONAL ATHLETES AND COACHES BENEFITS AND INCENTIVES ACT OF 2015
Nobyembre 2015 pa naging ganap na batas ang Republic Act 10699 na mas kilala sa tawag na National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act. Ang R.A. 10699 ang pinalawak na batas na mula sa naunang Sports Benefits and Incentives Act of 2001 (R.A. 9064). Kinikilala ng R.A. 10699 ang lahat ng atleta at coaches na accredited ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission partikular ang mga nagwawagi ng medalya sa mga international tournament at ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay mga cash rewards. Tinatadhana rin ng R.A. 10699…
Read MoreHIDWAAN NG AMERIKA AT IRAN, SAAN HAHANTONG?
ILANG araw pa lang mula nang nagpalit ng taon ngunit tila napakarami nang nangyari hindi lang sa ating bansa kundi pati sa buong mundo. Nariyan ang nangyayaring bushfire sa Australia, ang patuloy na pagbuga ng volcanic ash ng bulkang Taal na nakaapekto na sa maraming kalapit na lugar pati sa Metro Manila, at ang pinangangambahang posibilidad ng pagkakaroon ng World War III bunsod nang pag-atakeng ginawa ng Amerika sa Iran ilang linggo ang nakakaraan. Sa kabila ng napakaraming kaganapan, isa pa rin ang usapan ukol sa pag-atake ng Amerika sa…
Read MoreDEPARTAMENTO PARA SA OFWs
BUNSOD nang pagsiklab ng kaguluhan sa gitnang Silangan matapos paslangin ang top Iranian military leader na si Qasem Soleimani, naisip ng inyong lingkod na napapanahon na upang maipasa sa lalong madaling panahon ang batas na magtatatag ng departamento na titiyak sa kaligtasan at seguridad ng Overseas Filipino workers. Bilang isang serbisyo publiko, nais ng inyong lingkod na matiyak na ang Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment bill ay sumasalamin sa reyalidad o totoong nangyayari sa ibang bansa kung saan naroroon ang ating mga makabagong bayani. Sa pagbisita ko sa…
Read MoreREV-ANCHOR PAMALIT SA REV-GOV
POSIBLE raw ipalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Revolutionary Ancestral Honor Recognition (Rev-AncHoR) sa Revolutionary Government (Rev-Gov) sa ilalim ng 1899 Constitution. Sinabi ito ni Atty. Melchor Magdamo sa inyong lingkod nang siya ay kapanayamin kaugnay sa revolutionary government. Sa paliwanag ni Atty. Magdamo, ang 1899 Constitution na tinawag Revolutionary Constitution ay ginawa ng mga tunay na Pilipino na namuhunan at nagbigas ng sariling dugo at pawis upang mapagtagumpayan ng lahi ni Juan dela Cruz ang pagtatatag nito. Ayon sa ating kaibigang manananggol, kailangan lang daw ni Pangulong Duterte na…
Read MoreLASON AT HINDI PATABA
PINAG-IINGAT natin ang mga magsasaka sa paggamit ng mga genetically modified organism (GMO) sa mga sakahan sa bansa lalo na sa pagtatanim at pag-aani ng talong at mais. Sa kagustuhan kasi ng marami nating mga magsasaka na magdagdagan ang kanilang kita ay nata-trap sila sa paggamit ng GMO na ang hindi nila alam ay nakasasama sa kalusugan nila habang kanilang itinatanim. Bukod dito, ang mismong lupang pinagtatamnan ay nalalason ng nasabing mga GMO na punla at maaaring permanenteng ikasira ng kanilang mga lupang sakahan at maaaring madamay pa ang kalikasan…
Read More