MGA BUMILI NG GCTA SA BILIBID WALA NANG PAG-ASANG MAKALAYA

PRO HAC VICE

Sa oras na mapatunayan sa isasagawang imbestigasyon ng DOJ-NBI na kaya lamang napadali ang paglaya ng isang preso o person deprived of liberty (PDL) ay dahil sa pagbili o binayarang Good Conduct Time Allowance (GCTA) ay malabo na itong magbenepisyo pa sa Republic Act 10592 o GCTA law. Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi na mabibigyan ng credits sa ilalim ng bina­langkas na IRR ng R.A. 10592 o GCTA law ang PDLs na sangkot sa mga paulit ulit na mga paglabag sa loob ng NBP kabilang ang nakagawa…

Read More

ANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS

Psychtalk

(Ikalimang bahagi) Sadyang maraming pwedeng itahi sa usapin ng bigas. Ito ay dahil isa ito sa pinakamasasalimuot na usapin sa panahon natin. Kung ang isang bagay ay masalimuot ay dahil marami pang ibang usapin ang nakakabit dito. At marami ring interes na madalas ay magkakasalungat ang nakapaloob dito. Kaya’t mahabang diskusyon ito kung tutuusin. Kung ikakabit ito sa mundo ng politika sa ating bansa, masasabing ilan na ring politiko ang sumadsad ang karera dahil sa bigas. Literal na usapin ito ng buhay at kamatayan ng maraming Filipinong nasa laylayan. At…

Read More

NO SA CITIRA!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Bumoto ng NO sa TRAIN Package 2 o CITIRA ang Bayan Muna dahil naniniwala ito na hindi para sa interes ng mamamayang Filipino ang pagbababa ng Corporate Income Tax mula sa kasalukuyang 30% pababang 20%. Hindi maitatanggi na sa TRAIN 1, mas binuwisan ang mga mahihirap at binabaan ang buwis ng mga mayayaman. Ang mga mahihirap na dati nang hindi nagbabayad ng personal income tax dahil sa sobrang liit ng kanilang kinikita ay napahamak lang dahil sa TRAIN 1, dahil ang tanging natanggap nila rito ay mas mataas na buwis…

Read More

MAS MARAMING NARI-RECRUIT MAGING KOMUNISTA SA CAMANAVA AREA – GEN. ELEAZAR

EARLY WARNING

Ibinunyag mismo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar na mas paboritong mag-recruit ng communist group na maging miyembro sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area. “Sa usaping mass base, nariyan talaga sa Camanava area kasi mas maraming urban poor doon kaya doon sila (Communist Party of the Philippines at New People’s Army) mas aktibo sa pagkalap ng bago nilang mga mi­yembro.” Ang sistema, pupunta sila sa congested areas sa Camanava at doon kukumbinsihin nila ang mga inosenteng tao na sumama sa kanila,…

Read More

DEATH PENALTY VS. HEINOUS CRIMES AT ILLEGAL DRUGS DAPAT IBALIK

FORWARD NOW

Sa kabila ng mas pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad at ilegal na droga, may naitatala pa ring brutal na pagpatay, panggagahasa at paglabag sa paggamit at pagbebenta ng illegal drugs. Aminado ang mga awtoridad na lalong lumala ang operasyon ng ilegal na droga sa Pilipinas sa kabila ng kanilang pagsisikap na labanan at sugpuin ang paglaganap nito. Naniniwala tayong hindi tumitigil sa pag-aksyon ang PDEA at hanay ng PNP upang sugpuin ang krimen at operasyon ng ilegal na droga sa bansa, subalit mukhang hindi ito sapat upang…

Read More

TAGUMPAY NG CSP, TAGUMPAY NG KONSYUMER

SA GANANG AKIN

Kung maaalala, nagkaroon ng kautusan ang Korte Suprema na nagsasabi na ang lahat ng power supply agreement (PSA) na isinumite pagkaraan ng ika-30 ng Hunyo 2015 ay kinakailangang sumailalim sa isang competitive selection process (CSP). Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga supplier ng kuryente na mag-bid para sa kontrata sa distribyutor ng kuryente gaya ng Meralco at upang masiguro na makukuha ng mga konsyumer ang kasunduan na makabubuti sa mga ito. Alinsunod sa kautusang ito, isinagawa sa unang pagkakataon ang CSP para sa 1,200 MW na kontrata na…

Read More

HOSPITAL PASS FOR SALE SA BUCOR!

HAGUPIT NI BATUIGAS

Sobra na ang kabalbalan at kalokohan ang pinaggagawa ng mga tauhan at opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) kung saan lahat na lang ng maaaring pagkakitaan ay ginagawa ng mga walanghiyang mga tauhan nito. Sa hearing ng Senado kung saan ipinatawag ang mga opisyal ng BuCor, natuklasan ng mga mambabatas na hindi lamang pala sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) kumikita ang mga lintik kundi maging sa dalaw ng bisita, pagpasok ng alak, sigarilyo, conjugal visit, konsiyerto, magagarang kubol, pagpapasok ng mga bayarang babae na tinatawag nilang “Tilapia” at “Hospital…

Read More

MAGTULUNGAN TAYO KONTRA EPIDEMYANG ASF VIRUS

POINT OF VIEW

Dumating na sa Pilipinas ang matagal nang kinakatakutan sakit na mula sa ibang bansa — ang epidemyang African swine fever (ASF) virus na umaatake sa mga alagang baboy na nakasisira sa ating hog industry sa kasalukuyan. Sa pangyayaring ito, ang Pilipinas na ngayon ang itinuturing na pinakabagong bansa na makakabilang sa mga bansang dinapuan ng ASF virus na umaatake sa piggeries. Ito ay matapos na kumpirmahin ng laboratory results mula sa United Kingdom na ang sanhi ng pagkamatay ng mga alagang baboy sa Bulacan at Rizal ay positibo sa ASF…

Read More

BRGY. OFFICIALS, DAPAT MANAGOT SA PAGDAMI NG BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITERS

AKO OFW

Kapansin-pansin ang biglang paglobo ng bilang ng mga nabibiktima ng illegal recruiters mula sa mga probinsiya patungo sa Dubai o Abu Dhabi sa U.A.E. Karamihan sa aming natatanggap na sumbong o paghingi ng saklolo ay ang mga nagmumula sa probinsiya na hinikayat na magturista sa U.A.E. na ang tunay na pakay ay ang magtrabaho. Mahigpit kasi itong ipinagbabawal dahil sa umiiral na deployment ban sa bansang U.A.E. Ang sistema na ginagawa ng illegal recruiters ay humihikayat sila ng mga OFW o dating OFW sa pamamagitan ng pag-post sa Social Media…

Read More