ANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS

Psychtalk

(ikaapat na bahagi) Para sa mga Juan at Juana na nasa laylayan ng lipunan, mahalaga ang bigas. Ang pagkakaroon nito o kawalan nito ang sukatan nang nakakaagapay pa sa kahirapan o ang ganap na karukhaan. Kasi nga naman, kung may naisasaing ka pa, may maihahain pa sa hapag kahit isang bandehadong kanin, may pagsasaluhan pa ang mag-anak na kapos. Madali na lang gawan ng paraan ang ipapares dito: asin, toyo, mantika, o sitsirya–mairaraos ang isang kainan. Pihado nang may pantawid-gutom, at magkakaroon ng patuloy na lakas ang katawan kahit paano…

Read More

MGA BUGOK NA PULIS-PASAY

BAGWIS

Kahit anong gawin at kahit gaano katino ang mga namumuno ng PNP na gaya ni General Oscar Albayalde at NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar kung bugok ang mga nasa ibaba ay hindi talaga gaganda ang imahe ng ating kapulisan. Gaya na lang itong mga pulis na nakatalaga sa Police Community Precinct 2 (Buendia station) ng Pasay City Police na siyang mga pasimuno ng mga kawalanghiyaan sa Pasay. Halimbawa na lang noong Miyerkoles ay nagsagawa ng diumano’y “clearing operation” itong mga bataan ng mamang ito sa pumumuno ng isang pasaway…

Read More

COURAGE UNDAUNTED: THE 5 RAMON MAGSAYSAY AWARDEES FOR 2019

MAGING WAIS KA

Ngayon ko lamang nasaksihan ang paggawad ng Ramon Magsaysay Award (RMA) sa loob ng 61 taon. Nag-umpisa ang parangal na ito noong 1958 isang taon matapos masawi sa plane crash si Pangulong Ramon Magsaysay na nagsabing “Those who have less in life should have more in law”. Ibinibigay ang RMA sa mga natatanging indibidwal na nagpabago sa komunidad at bansa sa pamamagitan ng kanilang kontribusyon sa kalikasan, agrikultura, human rights, usapin ng kalusugan at ekonomiya, kultura at ma­ging sa participative development hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asya. Ngayong…

Read More

ANGCO FARM AT MALIGAYA FARM LUMABAG SA CLEAN AIR ACT!

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, mga residente po kami ng Heroes Ville 1 and 3 dito sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte Bulacan City. Grabe po ang aming sakripisyo lalo na kapag tag-ulan doon dahil malimit ang mga farm na magpakawala ng mga dumi ng kanilang mga alagang baboy at manok mula sa kanilang imbakan at sinasabay ‘pag malakas ang buhos ng ulan. Lalo kaming nabahala nang kumalat ang sakit na African Swine Fever (ASF). Mula sa mga tubo, lumalabas ang masangsang na amoy sa kanilang mga septic tank na dumi ng…

Read More

OWWA VOLUNTEERS, IHAHANDA SA PAGTULONG SA DISTRESSED OFWs

AKO OFW

Buhay na buhay pa rin ang diwa ng Bayanihan sa ating mga Filipino. Matapos na aking ilathala sa aking Facebook account ang imbitasyon para sa mga Volunteer Advocates na sumali sa gaganaping Volunteer Advocate Training and Certification Program ay agad na dumagsa ang napakaraming emails na nagpapahiwatig ng kanilang kagustuhan na maging parte ng Certified Volunteer Advocates. Marami sa mga nagpahiwatig ay nagmula sa iba’t ibang kilalang Advocacy groups na matagal nang tumutulong sa ating distressed OFWs. Pero ang nakaantig ng aking damdamin ay ang mga sulat na aking natanggap…

Read More

NAG-IISANG KINATAWAN NG ‘PINAS SA LONDON CONFERENCE

EARLY WARNING

Masasabing pride na rin natin itong si Quezon City Mayor Joy Belmonte dahil nag-iisang kinatawan siya ng ating bansa sa isinagawang Fast-Track Cities 2019 Conference sa Barbican Centre sa London, England. Tunay na isang malaking prebilehiyo na mapili bilang panelist sa High-Level Discussions on Health Inequalities kung saan aking naipagmalaki kung paano tayo magbigay ng angkop na serbisyo sa mga mamamayan kasama iyong mga stigmatized at discriminated, ani alkalde. Nag-iisa ring Asian mayor na napiling magsalita tungkol sa drug policy reform, nakasalamuha ni Mayor Joy sina Athens Mayor Kostas Bakoyannis,…

Read More

KASO NG RAPE, MALALA

SA TOTOO LANG

Masakit mang tanggapin, ang kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan ay tila pangkaraniwan na lamang. Nangyayari ito sa iba’t ibang bansa sa mundo. Gayunman, iisa ang mga negatibong epekto nito sa mga biktima, ganoon din sa kanilang mga pamilya. Sa Pilipinas, terible rin ang kaso nito kung saan napakaraming biktima ay patuloy pa ring nagdurusa sa kawalan ng hustisya sa mahabang panahon. Ang masakit para sa kanila ay normal ang buhay at normal na nakalalaya ang mga may sala. Noong 2016, napaulat na may 4,605 na mga kaso hinggil sa…

Read More

ROTC NAGLALAYONG HUBUGIN ANG MGA KABATAAN AT MAKATULONG SA DISASTER OPS

FORWARD NOW

Kumpiyansa ang pamahalaan na malaki ang maitutulong ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga kabataan upang maipagtanggol ang kanilang sarili gayundin ang soberanya ng bansa at pagbibigay ng kakayahan sa kabataang tumugon sa panahon ng sakuna gaya ng rescue at relief operations. Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA ang pagbuhay sa two-year mandatory basic ROTC na ibinasura noong 2001. Sa panukalang batas, isasailalim sa ROTC ang mga estudyanteng nasa Grade 11 at 12 sa lahat ng paaralan sa buong bansa ngunit nilinaw ng pangulo na ang…

Read More

ANTI-DISCRIMINATION BILL, HINDI SOGIE, ANG DAPAT ISABATAS NG KONGRESO

SIDEBAR

Tama ang posisyon ng Malacañang at ni Senate President Vicente Sotto III na ang mas kailangang batas ay tungkol sa anti-discrimination na ‘di ha­mak na mas malawak ang saklaw kaysa Sexual Orien­tation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill na isinusulong ng ilang mambabatas. Limitado lang kasi ang SOGIE Bill sa diskriminasyon laban sa mga LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender and queer community) at kadalasan pa ay nagiging sanhi ito ng ‘di pagkakaunawaan at debate gaya ng nangyari sa Far­mers Plaza kung saan na­ging isyu ang paggamit ng CR (comfort…

Read More