KAPANGYARIHAN NG PLATFORM GAMITIN NANG TAMA

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISA sa mga bagay na hindi ko maiwasang pansinin sa social media ay kung gaano kalakas ang boses ng mga sikat na tao. Isang tweet, isang post, o isang video lang ay kayang mapatingin at mapag-usapan ng maraming tao. Parang may hawak silang invisible megaphone na abot agad sa libo-libo o milyong tao nang hindi man lang pinaghihirapan. Sa panahon na maraming nangyayaring isyu sa paligid, ang kanilang mga salita ay kayang magsimula ng mga usapan na minsan ay mahirap gawin ng ordinaryong tao.…

Read More

ESTRADA, VILLANUEVA, REVILLA, ET AL ITINUGA NI ALCANTARA SA KICKBACKS

PUNA ni JOEL O. AMONGO PINANGALANAN na ni dating Department of Public Works and Highways Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sina Senators Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at dating Sen. Bong Revilla, dating Rep. Mitch Cajayon at Commission on Audit Commissioner Mario Lipana na kumuha ng kickbacks mula sa mga maanomalyang proyekto na hawak ng DPWH. Sa pinakahuling pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado sa pamumuno Senator Lacson, kinumpirma nito ang sinabi ng kanyang assistant na si Engr. Brice Hernandez na dawit sina Estrada at Villanueva sa maanomalyang mga…

Read More

WATCH OUT JUAN DE LA CRUZ!

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI SA NAKARAANG kolum, nag-iwan ako ng tanong: Pagkatapos ng malaking kilos protesta laban sa korupsyon…ano na ang kasunod nating hakbang? Ipagpapatuloy na lang ang protesta sa Facebook at dito tayo mag-aalburoto at magmumura na wan-to-sawa? Magbabantay na lang muli tayo sa mga susunod na kabanata sa imbestigasyon ng mga anomalya sa flood control projects ng DPWH? Papalakpak kapag may ilang sinibak sa puwesto, kinasuhan at pansamantalang ikinulong? Ipauubaya na lang natin sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na binuo ni PBBM, upang magkaroon…

Read More

ISOLI ANG MGA NAKAW, SIGAW NG TAUMBAYAN

RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGING mainit na naman ang pagpapatuloy ng pagdinig kahapon sa Senado sa maanomalyang flood control projects. Maraming pangalan na naman ang nabanggit sa pamamagitan ng statement na ibigay ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara, na binigyan naman ng kumpirmasyon ng tauhan nito na si DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez. Pero ang nakapupukaw ng atensyon sa taumbayan ay ang pagpilit ni Sen. Rodante Marcoleta na hindi pa kailangang magsauli ng kayamanan ang mga sangkot sa anomalya, na malinaw namang nagnakaw sa kaban ng bayan. Nagkainitan…

Read More

PAMANANG LIGTAS SA TUBIG-BAHA SA BATANG MAYNILA

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NGAYON na, hindi na pwedeng ipagpabukas pa. Matapos ang sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha sa lungsod ng Maynila, naghanda na si Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ng isang Master Drainage Plan upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan ng lungsod. Makatutulong ang madalas na paglilinis ng mga kanal, imburnal, estero at iba pang lagusan ng tubig-baha, pero hindi ito sapat, sabi ni Yorme. Kailangan na ang todo, malawakan at sama-samang kilos ng lahat, lalo na ang national government, kaya noong Huwebes, nang dumalaw sa Maynila si…

Read More

ISANG BAGONG ANTAS NG KATAPATAN: ANG PANININDIGAN NI SPEAKER BOJIE DY

TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahong tila gasgas na ang salitang korupsyon at unti-unting kumukupas ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno, isang liwanag ang hatid ng paninindigan ni House Speaker Bojie Dy. Sa kanyang matapang na pahayag na, “Kung kakailanganing ipakita ang SALN ko, why not?”, malinaw ang kanyang mensahe—wala siyang itinatago at bukas siyang masuri ng publiko. Hindi madali para sa isang mataas na lider ng bansa ang maghayag ng ganitong posisyon. Maraming opisyal ang nagdadalawang-isip o umiiwas sa usaping SALN, subalit si Speaker Dy ay buong tapang…

Read More

PANAGUTIN LAHAT MULA BABA HANGGANG TAAS

DPA ni BERNARD TAGUINOD NAGPATIKIM ng lakas ang mga Pilipino at ipinakita nila na kaya nilang magkaisa para ibagsak ang corrupt na opisyales ng gobyerno kasama na ang mga politiko at mga nagsasamantala at nagpapayaman lamang na mga kontraktor. Pero ang pagkilos na hinahaluan ng ibang agenda tulad ng nangyari sa Mendiola ay talagang nakalulungkot dahil hindi protesta ang ginawa ng mga raliyista (raw) kundi manggulo, manakit at manira. Maliban sa mga raliyista na nakasuot ng itim at nakatakip ang mukha, ay mapayapa naman ang pagkilos ng mga nasa Luneta…

Read More

JUNJUN MARCOS ‘DI PA LIGTAS SA PEOPLE POWER

PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNDI man tuluyang napababa sa Palasyo ng Malakanyang si Pangulong Bongbong “Junjun” Marcos sa isinagawang malawakang kilos-protesta noong Linggo, Setyembre 21, 2025 ay hindi pa rin siya nakatitiyak na matatapos niya ang kanyang termino hanggang taong 2028. Bakit kamo? Anomang oras mula ngayon ay maaaring muling magkaroon ng malawakang kilos-protesta sa sandaling walang makikita ang taumbayan na may maparurusahan sa mga nagkasala sa flood control project scam. Nakatutok ang mga Pilipino sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at kung makikita ng publiko na…

Read More

1K SILID-ARALAN NA GAWA NG DPWH ‘DI MAGAMIT?

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINDI lang pala flood control projects ang pinaglaruan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kundi maging ang mga silid-aralan sa mga public school sa iba’t ibang lugar sa bansa. Tse! Tse! Tse! Nadismaya si Senator Win Gatchalian nang matuklasan ng Department of Education (DepEd) na may 1,000 silid-aralan na itinayo ng DPWH ang hindi magamit. Ayon kay Gatchalian, nakagagalit na matuklasan ito sa gitna ng matinding kakulangan sa classroom at mga ulat ng malawakang korupsyon sa infrastructure projects ng…

Read More