Maliit na lokalidad na maituturing ang Lungsod ng Navotas bukod sa ‘di kalakihang pondo pero ‘di ito naging balakid sa magkapatid na sina Mayor Toby Tiangco at Rep. John Rey Tiangco dahil hindi sila naubusan ng programa at proyekto na t’yak na pakikinabangan ng mga residente. Kamakailan lang, kanilang inilunsad ang Navotours bus para sa mga pampublikong elementarya at hayskul ng lungsod. Ito’y magagamit sa city-funded student field trips sa mga museums, universities at colleges, pampubliko at pribadong institusyon, at iba pa. Gagamitin din ng mga estudyante at guro na…
Read MoreCategory: OPINYON
ILANG STALL OWNER SA ISANG MALL WALANG OR!
Misyon Aksyon, pakikalampag naman po at pakiimbestigahan ang ilang mga stall owner sa mga mall ng SM dahil walang ibinibigay na official receipt (OR) sa halip ay resibong ‘Recto’ ang ibinibigay sa kanilang mga kustomer. Ito ang naranasan ko nang bumili ako ng cellphone, binigyan ako ng ‘hao shiao’ na resibo na walang pangalan ng may-ari at ito ang kanilang resibo, na wala kang mababakas na dumaan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kabila ng paghihigpit ng gobyerno. May business permit sila at DTI ngunit wala silang opisyal na…
Read MorePAGBANGON KAILANGAN NG ITBAYAT, BATANES
Noong isang araw lamang ay may ulat na aabot sa P282 milyon ang halaga ng mga napinsalang gusali sa Itbayat, Batanes dahil sa magkakasunod na mga lindol na nangyari rito noong nakaraang Sabado. Iniulat din na nasa 185 mga bahay ang tuluyang gumuho at hindi na magagamit pa dahil sa trahedya. Sa pinakabagong ulat kahapon ay inihayag ni Batanes Province Governor Marilou Cayco na kailangan ng kanilang lalawigan ang P886 milyon para sa rehabilitasyon. Malaking pondo ang kailangan na iyan at hindi kakayanin ng lokal na pamahalaan na muling maibalik…
Read MoreILEGAL AT ‘DI MAKATARUNGAN ANG PAGSASARA SA PCSO
Korapsyon ng appointees ni Presidente Rodrigo Duterte ang dahilan kung bakit biglang inutos niya ang pagpapasara ng operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Imbes na parusahan ang mga tinalaga niyang opisyal ay naapektuhan pa ang maraming mamamayan, kabilang ang mga pasyenteng umaasa sa mga medikal na tulong na ibinibigay ng PCSO. Hindi ba’t hindi ito makatarungan? Ang malaking tanong ay kung anu-anong mga anomalya ang tinutukoy ni Pangulong Duterte na dahilan sa kanyang pag-uutos na ipasara ito. Mula pa 2011 ay itinutulak na ng Bayan Muna ang mga imbestigasyon hinggil…
Read MoreTERORISMO GAWING OBSOLETE
Maaaring mas makatutulong sa buong mundo, maging sa mga terorista kung mamarapatin nilang tigilan na ang pag-iisip at pagsunod sa dikta ng terorismo. Wala naman talagang buting maidudulot ang terorismo sa mundo. Oo nga’t kumikita ang mga terorista dahil ang nasa likod ng terorismo ay bilyun-bilyong dolyar na budget, subalit maaaring mas mainam ang kapayapaan na lamang ang pagtuunan na makakatulong pa sa kalusugan, kapahingahan at kaaliwan ng bawat isa, maging ng mga terorista. Maaaring hindi rin naman talaga natutuwa ang mga terorista sa pinaggagagawa nila, na pera-pera lamang naman…
Read MoreSTL AT JUETENG
Pwede na muling tumaya sa lotto matapos muling pabuksan ang may 30,284 lotto outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasunod ng kautusang pag-alis ng Malacañang sa naunang suspension order nito sa operasyon ng lotto sa bansa. Nananatili namang suspendido ang operasyon ng Small Town Lottery (STL), Peryahan ng Bayan at Keno habang iniimbestigahan ito ng Department of Justice dahil sa mga ulat na hindi nakukuha ng PCSO ang tamang kubransa sa mga operator ng STL. Base sa 2017 at 2018 report ng Commission on Audit, lumilitaw na ang STL…
Read More22 LIBONG MANGGAGAWA MAWAWALAN NG TRABAHO
Mawawalan na ngayon ng saysay ang pagsusumikap ng pamahalaan na makahanap pa ng karagdagang trabaho para sa mga Pinoy na walang trabaho kung tuluyan na ngang ipasasara o ipatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) at lotto outlets sa bansa. Batay sa pag-aaral aabot kasi sa mahigit sa 22 libong mga manggagawa o trabahante ng STL at lotto outlets, at kung ‘yan ay tuluyan nang ipasasara ni Pangulong Duterte madadagdag ang mahigit sa 22 libong bilang na walang mga trabahong Pinoy. Baka naman puwedeng ang…
Read MoreNATIONAL COMMISSION OF SENIOR CITIZENS
Kamakailan ay naging ganap na batas ang Republic Act No. 11350 matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ito ang magbibigay daan sa pagtatatag ng isang National Commission of Senior Citizens. Nilusaw ng RA 11350 ang National Coordinating and Monitoring Board na nilikha sa bisa ng naunang batas na Expanded Senior Citizens Act of 2010. Sa ilalim ng bagong batas sa senior citizens, ililipat sa komisyon ang lahat ng programa ng Department of Social Welfare and Development na may kinalaman sa mga mahihirap, bulnerable at nasa disbentaheng mga Filipino…
Read MoreDAPAT BA TALAGANG MAWALA ANG PCSO?
Panlimang araw na ngayon buhat nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Durterte ang pagpapasara at pagpapahinto ng lahat ng uri ng gaming schemes sa pamamahala ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO. Ito ay pag-aari ng ating pamahalaan at isang controlled corporation ng bansa na direktang pinamamahalaan ng Office of the President ng Pilipinas. Samakatuwid ang PCSO ay nasa ilalim ng tanggapan ni Pangulong Duterte. State Lottery Company iyan at matagal nang nag-oopereyt sa bansa simula pa noong 1934. Pero noong nakaraang Sabado lang biglang natapos sa isang iglap ang kasaysayan…
Read More