PBRIGGEN VAL DE LEON, EPEKTIBONG DIRECTOR NG PNP-FEO!

HAGUPIT NI BATUIGAS

Maituturing na isa sa pinakamahusay, dedicated in public service sa kanyang panahon ang kasalukuyang Director ng Firearms & Explosive Office (PNP-FEO). Ang ating tinutukoy ay walang iba kundi ang Class 89 na PMAyer na si PBrigGen Valeriano “Val” de Leon na bukod sa very approachable ay talagang mahusay magtrabaho kaya lalong lumalaki ang remittance ng PNP-FEO mula sa mga nagpaparehistro at nagre-renew ng mga lisensya ng mga baril. Alam ba ninyo na noong taong 2015 ay sobrang dami ng mga nagparehistro at nag-renew ng mga baril kaya inaasahan na sa…

Read More

ISYU NG GAMOT AT BODEGA, DAPAT AKSYUNAN NG DOH

SA GANANG AKIN

Matindi ang kasaluku­yang kinakaharap na isyu ng Department of Health (DOH) dahil sa mga nakaimbak na gamot na hindi nila naipamahagi at tila aabutan na ng expiration date ng mga ito. Tinatayang umabot na sa kabuuang halaga na P367 milyon ang halaga ng mga gamot na ito. Sa paliwanag ni DOH Secretary Francisco Duque III, tinukoy n’ya ang mabagal na proseso ng distribusyon ng gamot at ang kakulangan ng mga es­pesyal na klase ng bodega para sa mga gamot bilang dahilan kung bakit halos abutan na ng expiration date ang…

Read More

CASHLESS LIFESTYLE

FOR THE FLAG

Bukod sa credit at debit card na karaniwang mga mayayaman lang ang nakaka-enjoy, nauuso na rin ang cashless lifestyle para sa masa. Para ka na ring may credit card dahil sa pinakabagong promo ng isang mobile wallet. Base sa GCash promo, makakakuha ng P50 QR voucher kapag nag-subscribe ng GoSAKTO90 ang isang Globe o TM prepaid customer. Magagamit ang katumbas na halaga ng QR voucher na pang-shopping, pang-grocery o pambili ng medisina sa mahigit 50,000 GCash partner merchants. Tulad sa credit card, cashless ang paraan ng paggamit ng QR voucher…

Read More

PAGBUBUKAS-ISIP ANG KAILANGAN…

Psychtalk

Bilang pagpapalawig sa mas nauna ko nang artikulo tungkol sa makataong pagtrato sa mga nahuhumaling sa droga, nais kong ibahagi ang personal kong karanasan nitong huling mga linggo. Dahil sa kagustuhan namin ng aking kaibigan na mas maraming malibot sa maikling panahong pinamalagi namin sa ibayong dagat, naranasan din naming umuwi ng pasado alas-dose na ng madaling araw, gumamit ng public transport (tren) at maglakad nang mahaba sa kalye. ‘Di namin madalas gawin dito ‘yun: ang maglakad sa kalye ng dis-oras ng gabi. Pero nagawa namin doon, na kaming dalawang…

Read More

CLEARING OPERATIONS ‘WAG MAGING ‘NINGAS COGON’

POINT OF VIEW

Pursigido ngayon ang mga tauhan ng Department of Interior and Local Government (DILG)  katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensiya ng gobyerno sa paglilinis sa mga nakahambalang sa mga bangketa  at pampublikong daanan sa Metro Manila upang mapaluwag ang daloy ng trapiko. Ito ay kasunod nang bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DILG ng 60 araw upang tang-galin ang mga nakahambalang sa mga kalsada na lumilikha nang pagsikip ng trapiko sa Metro Manila gaya ng illegal parking, vendors, informal settlers, basketball courts, illegal infrastructures na itinayo…

Read More

BAGONG PANANAW PARA SA OWWA BENEFITS NG OFWs, ISUSULONG

AKO OFW

Nitong nakaraan Huwebes ay ginanap ang regular na pagpupulong ng OWWA Board of Trustees upang talakayin ang pagpapalakas ng mga programang may kinalaman sa paghahanda sa pagbabalik ng Pilipinas ng ating OFWs o ang mas kilala sa tawag na Reintegration Program. Sa tuwing magsisimula ang pagpupulong ay inilalahad sa aming mga miyembro ng Board of Trustees ang mga kasalakukuyan at mga magaganap na programa. Kabilang na rito an statistics o numero ng mga nabiyayaan ng mga programa ng OWWA. Isa sa nakatawag ng pansin sa akin ay ang lumalaking bilang…

Read More

MINALTRATO NG 2 AMO

AKO OFW

Unang dumating ang kabayani nating OFW na si Alecia sa Saudi Arabia noong Agosto 2018 nang paalisin ng agency na JTC International Manpower services Inc. dito sa Pilipinas. Subalit wala pa itong isang buwan na helper ay dumanas agad ng pagmamaltrato sa poder ng employer na si Hoda Saleh Mohammad Al-Sahrani. Ibinubuhos sa kanya ang mainit na kanin at kumpiskado rin ang cellphone niya. May sandaling hindi rin siya pinapakain. Mula 5 am hanggang 2 am ng susunod na araw kung siya’y magtrabaho. Nakalipat man ng ikalawang employer sa A…

Read More

ITIGIL NA ANG MGA LAND CONVERSION

BAGWIS

Isa sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ay itong patuloy na pagkaubos ng mga lupaing pansakahan sa ating bansa. Walang pakundangan ang mga ginagawang land conversion ng mga lupaing pang-agrikultura upang ito ay maging mga subdivision at industrial zone. Idagdag mo pa rito ang ang patuloy na pananamlay ng ating mga kababayan upang sakahin at linangin ang kanilang lupaing pansaka dahil sa naging desisyon ng pamahalaan na alisin ang quantitative restriction sa pag-angkat ng mga bigas na galing sa ibang bansa. Unti-unting namamatay ang ating sektor…

Read More

PHILIPPINE CORRUPTION AND SWITEK OFFICE?

MAGING WAIS KA

Ipinatigil ni Pangulong Duterte ang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos pumutok ang issue ng korapsyon. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang opisinang ito ang isa sa takbuhan ng mga Filipino kung kakailanganin ang tulong na medikal. Hindi naman na siguro bagong problema rito sa bansa na para tayong ginigisa sa sarili nating mga mantika? Ang perang sana ay magsasagip ng mga buhay, ginawang ilegal na hanapbuhay. Nakalulungkot na ang opisinang kilala sa salitang “charity” ay naging matunog kamakailan sa isyu ng korapsyon. Mahirap man sikmurain,…

Read More