STL AT JUETENG

SIDEBAR

Pwede na muling tumaya sa lotto matapos muling pabuksan ang may 30,284 lotto outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasunod ng kautusang pag-alis ng Malacañang sa naunang suspension order nito sa operasyon ng lotto sa bansa. Nananatili namang suspendido ang operasyon ng Small Town Lottery (STL), Peryahan ng Bayan at Keno habang iniimbestigahan ito ng Department of Justice dahil sa mga ulat na hindi nakukuha ng PCSO ang tamang kubransa sa mga operator ng STL. Base sa 2017 at 2018 report ng Commission on Audit, lumilitaw na ang STL…

Read More

22 LIBONG MANGGAGAWA MAWAWALAN NG TRABAHO

PRO HAC VICE

Mawawalan na ngayon ng saysay ang pagsusumikap ng pamahalaan na makahanap pa ng karagdagang trabaho para sa mga Pinoy na walang trabaho kung tuluyan na ngang ipasasara o ipatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) at lotto outlets sa bansa. Batay sa pag-aaral aabot kasi sa mahigit sa 22 libong mga manggagawa o trabahante ng STL at lotto outlets, at kung ‘yan ay tuluyan nang ipasasara ni Pangulong Duterte madadagdag ang mahigit sa 22 libong bilang na walang mga trabahong Pinoy. Baka naman puwedeng ang…

Read More

NATIONAL COMMISSION OF SENIOR CITIZENS

SIDEBAR

Kamakailan ay naging ganap na batas ang Republic Act No. 11350 matapos itong lagdaan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte at ito ang magbibigay daan sa pagtatatag ng isang National Commission of Senior Citizens. Nilusaw ng RA 11350 ang National Coordinating and Monitoring Board na nilikha sa bisa ng naunang batas na Expanded Senior Citizens Act of 2010. Sa ilalim ng bagong batas sa senior citizens, i­lilipat sa komisyon ang lahat ng programa ng Department of Social Welfare and Deve­lopment na may kinalaman sa mga mahihirap, bulne­rable at nasa disbentaheng mga Filipino…

Read More

DAPAT BA TALAGANG MAWALA ANG PCSO?

SA TOTOO LANG

Panlimang araw na ngayon buhat nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Durterte ang pagpapasara at pagpapahinto ng lahat ng uri ng gaming schemes sa pamamahala ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO. Ito ay pag-aari ng ating pamahalaan at isang controlled corporation ng bansa na direktang pinamamahalaan ng Office of the President ng Pilipinas. Samakatuwid ang PCSO ay nasa ilalim ng tanggapan ni Pangulong Duterte. State Lottery Company iyan at matagal nang nag-oopereyt sa bansa simula pa noong 1934. Pero noong nakaraang Sabado lang biglang natapos sa isang iglap ang kasaysayan…

Read More

TINALIKURAN NA NI DUTERTE ANG PANGAKONG WAWAKASAN ANG ENDO

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Tuluyan nang binigo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang manggagawang Filipino sa pag-veto niya ng Security of Tenure Bill, isa sa mga malaking pangako niya nang siya ay tumakbong pangulo noong 2016. Malubhang pinalabnaw na nga ang bersyon na umabot sa kanyang mesa. Sa orihinal na panukalang batas na inihain ng Makabayan bloc, isinulat natin ang pagnanais ng mga manggagawa na tuluyang pagtanggal ng kontraktwalisasyon. Sa mga pagdinig na ginawa sa loob ng Kongreso at Senado, unti-unti nang tinanggal ang mga probisyon na hindi kanais-nais sa mga kapitalista. Sa kabila nito,…

Read More

TULUY-TULOY NA PAGWAWALIS SA SCALAWAGS SA PNP

Early Warning

MABILIS ang liderato ng Philippine National Police (PNP) lalo na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pamununo ni PMajGen Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa pagbibigay ng parangal at kahit simpleng tapik sa balikat sa members nito ‘for a job  well done.’ Subalit, ganoon din kabilis ito sa pagdidisiplina ng police scalawags na hindi na natuto sa mga naunang nangyari sa kanilang mga kasamahan na nasangkot sa krimen at ilegal na droga. Kamakailan lang, nasakote ng Valenzuela City police sa pamumuno ni chief PCol Carlito Gaces etong si ‘high-value…

Read More

ANG NUTRISYON SA MGA PAARALAN

Psychtalk

Hindi ako mahilig mamalengke pero sinubukan kong ako naman ang mamalengke noong isang araw para malaman kung ano na ang mga presyo ngayon ng mga bilihin. Palibhasa laki sa probinsya at sanay na nakukuha lang sa bukid o sa likod-bahay ang karamihan ng mga gulay at prutas, medyo nagulat ako na malaki-laking halaga rin ang nakuha sa budget ang mga kagulayan at iba pang plant-based na mga produkto. “Grabe naman ang mahal!” ‘Yan ang usal ko. “Nahi¬hingi lang ang karamihan ng mga ito!” Pero naisip ko ‘yan dati pa, noong…

Read More

DU30 IPINATIGIL ANG LOTTO, STL, KENO AT LAHAT NG GAMING OPERATIONS NG PCSO!

HAGUPIT NI BATUIGAS

Sa wakas ipinatigil na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng lotto, Small Town Lottery (STL), Keno, Peryahan ng Bayan at lahat ng gaming operations o scheme na may lisensya o prangkisa mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ipinarating ng pangulo ang kanyang mensahe sa PCOO kamakalawa ng gabi kung saan napuno na ang pangulo sa patuloy na katiwalian kaya tuluyan na niyang ipinahinto ang operasyon ng PCSO games. “Sa mga kababayan ko, I have ordered today the closure, the stoppage of all gaming schemes of whatever nature…

Read More

LIWANAG SA MUNTING PARAISO NG CAGBALETE

SA GANANG AKIN

Isang munting paraiso na naman ang nabigyan ng liwanag ng Meralco. Nauna nang nakapagbigay ng serbisyo ng kuryente ang Meralco sa Isla Verde sa probinsya ng Batangas gamit ang pinagsanib na teknolohiya ng solar PV at battery energy storage. Nitong nakaraang linggo naman ay kinilala at pinasinayaan ang itinayong pasilidad ng kuryente sa isla ng Cagbalete. Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Quezon at ng Meralco, naging matagumpay ang pagtatayo ng pasilidad ng kuryente na tinatayang makapagbibigay ng liwanag sa isla. Ang programa ng pasinaya ay pinangunahan ng mga…

Read More