Taong 2013 ay nasangkot si Arthur Melchor Carandang, bagong appointee noon bilang Overall Deputy Ombudsman, dahil sa kasong robbery extortion ngunit ipinagtanggol ito ng administrasyon ni Noynoy Aquino. Siya ay kamag-anak ng noo’y opisyal din ni Aquino na si Ricky Carandang na Communications Secretary ni Aquino. Si Arthur Carandang ang nagsilbing kasabwat ni Sonny Trillanes sa pag-atake kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang agad-agad ay maglabas ito ng bank records umano ng pamilyang Duterte noong 2017 na nakalap niya umano sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nag-iimbestiga umano sa pamilyang…
Read MoreCategory: OPINYON
REBATE O OFW DIALYSIS CENTER
Marami nang OFWs at maging ang pamilya ng mga ito ang nag-aabang sa ipamamahagi na OWWA Rebate. Ang pagbabahagi ng Overseas Workers Welfare Adminstration (OWWA) Rebate ay hindi isang programa ng OWWA kundi isang pagtalima alinsunod sa batas sa ilalim ng RA10801 o OWWA ACT. Ayon sa binalangkas na patakaran na batay naman sa recomendasyon ng mga ekspertong aktuaryo, ang OWWA ay maaaring magbahagi ng rebate para sa OFWs na miyembro ng OWWA. Tatlo ang batayan para makatanggap ng rebate. Una, dapat ikaw ay miyembro sa loob ng 10 taon.…
Read MoreJUSTICE SYSTEM MUNA ANG AYUSIN BAGO DEATH PENALTY
Pursigido talaga si Pangulong Rodrigo Duterte na pagtibayin ng18th Congress ang panukala na ibalik ang parusang bitay sa loob ng nalalabi nitong tatlong taong panunungkulan. Isa ito sa naging pangunahing hiling ng Pangulo sa harap ng mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa inilahad sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Inamin ni Duterte na ang katiwalian sa gobyerno at ang illegal drugs ang pangunahin pa ring problema at banta sa bansa. Sa problema sa illegal drugs, noong manalo at maupo ang pangulo ipinangako niya na ang…
Read MoreBAGONG PAG-ASA… SANA!
Una akong nakabalik ulit sa puso ng Maynila kahapon: Binondo at Divisoria area – para katagpuin ang ilang kaibigan sa isang mall sa area. May halong antisipasyon sa kung ano ang magandang makikita ko dulot ng bagong puno ng lungsod. Nakakaengganyo kasi ang hype ngayon sa social media at balita. ‘Di naman ako gaanong naaliw sa nakita bagamat may naobserbahang positibong pagbabago. Medyo mas lumuwag nga ang trapiko kaysa dati. Maalwan nang kaunti ang pakiramdam para sa mga motorista. Kung mayroon kasing pagbabago sa pisikal na kapaligiran, lohikal na kasunod…
Read MoreSAGIP KANLUNGAN
Nakatatakot isipin na ang Pilipinas ay pangatlo sa talaan sa buong mundo na nahaharap sa sakuna o panganib. Ito ay dulot ng iba’t ibang natural na kalamidad tulad ng bagyo, ba-ha, lindol, landslides, at pagputok ng mga bulkan. Sa mga ganitong sitwasyon, mas nakatatakot na marami sa atin ang maaaring mamatay, da-hil sa kakulangan ng kaalaman, kawalan ng paghahanda, at pondo, at mga emergency healthcare facilities. Kayang lumpuhin ng kalamidad at sakuna ang ating mga kabuhayan, ekonomiya, at imprastraktura sa isang iglap. Nakatawag pansin sa akin ang isang grupo ng…
Read MorePSA BULOK ANG SISTEMA; ANNOTATION SA BC TAON BAGO MAKUHA
Dapat sigurong i-seminar o palitan ang mga empleyado ng Philippine Statistics Authority (PSA) na dating census upang maging angkop sila sa kanilang mga trabaho. Makasisira ang mga ito sa kampanya at panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mada-liin at huwag patagalin ang serbisyong ibinibigay sa publiko. Kamakailan ay nagsagawa ang Misyon Aksyon upang patunayan kung totoo na nabigyan na ng aksyon ang mga reklamo ng publiko sa PSA sa kanilang sistema na matagal na pagpoproseso ng mga dokumento. Ito po ang mga nangyari. Nagsadya po ang Misyon Aksyon sa tanggapan…
Read MoreMAG-INGAT SA BINIBILING ELECTRONIC GOODS SA LAZADA AT SHOPEE
Gaya ng napakarami nating mga kababayan ay nakakagawian ng inyong lingkod ang pamimili ng mga gamit at kung anu-ano sa online selling mobile apps gaya ng Lazada at Shopee. Napakalaking ginhawa naman kasi ang online shopping dahil ‘di mo na kailangang mabalahura sa traffic at ‘di ka gagastos sa gasolina kaya nawiwili tayo na mag-bargain hunt sa online portals na ito. Okay pa naman noong una dahil may kalidad naman ang ating mga nabibiling produkto ngunit nitong mga nakalipas na buwan ay tila dinagsa na ng mga mandarambong na third-party…
Read MoreANG KAWAWANG MINDANAO
Ang mga nangyayaring kaguluhan sa Mindanao ay matagal nang problema ng bansa. Hindi na iyan bago sa ating mga Filipino dahil maraming administrasyon na rin ang humawak sa Pilipinas pero ang hidwaan sa Mindanao ay hindi pa rin maalis-alis. Ilang mga engkwentro na rin ang nangyari pero hindi nauubos ang kalaban ng pamahalaan doon. Pinostehan na rin ng Martial Law ang lugar pero ganoon pa rin. Nakalulungkot mang sabihin pero parang naisumpa ang Mindanao sa kagulugan. Nakapako lagi sa ganoong pamumuhay ang mga tao roon. Buhay na buhay ang karahasan…
Read More‘DAPAT MAGBAYAD NG BUWIS ANG CHINESE WORKERS SA POGO’
TAMA lang ang sinasabi ni Quezon City Councilor Winston “Winnie” Castelo na masiguro ng awtoridad kung may maayos na working permit ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa lalo sa QC ay nagbabayad ng tamang buwis. Sa panayam ng Quezon City Press Club members, mahalagang mabigyan ito ng atensyon ng concerned agencies dahil kung totoong hindi sila nagbabayad ng buwis ay malaking kawalan ito lalo sa kung saan may ilang POGO rito, ayon sa comebacking councilor na naging three-termer congressman. Kanyang nilinaw na OK…
Read More