DOFW, PINAGHAHANDAAN NA RIN NG OFWs

AKO OFW

Mistulang piyesta ang mamamayan sa iba’t ibang grupo ng Overseas Filipino Workers, dahil sa magandang kaganapan na kung saan ay marami na ngayong senador at kongresista ang nagsusulong ng pagkakaroon ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW). Sa nakaraang Araw ng Pasasalamat sa OFW noong Hulyo12 ay ipinaha­yag ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na kanyang ipinangako na bago matapos ang taon ay maitatatag na ang bagong Department of OFW na muli niyang binanggit nitong nakaraang SONA. Kahapon ay inihayag naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na kanyang ipinasok na…

Read More

PURO PALUSOT, WALANG SOLUSYON ANG SONA 2019

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Nagdaan na naman ang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte nito lamang Lunes, July 22. Ngunit, nasagot ba ng mahabang paha­yag ng pangulo ang mga isyu na bumubulabog sa taumbayan? Unang-una na usapin pa rin ang laganap na kahirapan. Malaki ang bilang ng walang trabahong regular. Kung may trabaho man, kulang ang sahod ng manggagawa para makaagapay sa nagtataasang bayarin at presyo ng bilihin. Wala ring sinabi ang pangulo sa lumalalang mga paglabag sa karapatang pantao, tulad ng mga pagpatay kaugnay ng madugong kampanya laban sa droga, na…

Read More

PARUSANG KAMATAYAN SA DRUG LORDS AT PLUNDERER

SIDEBAR

Sa ilalim ng administras­yon ni Pangulong Fidel V. Ramos naging ganap na batas ang pagbabalik ng Death Penalty sa mga tinatawag noon na heinous crimes gaya ng kidnapping-for-ransom, drug trafficking, rape, murder at carnapping with homicide. 1993 naging batas ang Republic Act 7659 na nagpanumbalik sa capital punishment bilang tugon sa lumalalang kriminalidad sa bansa partikular ang mga kaso ng kidnapping, bank robbery at rape with murder. Hindi agad naipatupad ang RA 7659 dahil naghintay pa ito ng panibagong batas noong 1996 na tinawag na RA 8177 o ang batas…

Read More

TRAPIKO PINASOSOLUSYUNAN

FOR THE FLAG

Sa nakaraang SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay malinaw ang kanyang kautusan na nararapat na ang mga pampublikong lansangan ay ibalik nang magamit ng publiko upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila. Inatasan niya hindi lamang ang MMDA kundi pati ang DILG na tutukan ang mga siyudad na sundin ito o mahaharap ang mga respective mayor ng mga ito sa suspensyon. Nasa P2.4 bilyon kada araw ng pinagsamang pondo ng bawat mamamayan at pamahalaan ang nasasayang dahil lamang sa mabigat na trapiko sa bansa, ayon sa pag-aaral ng Japan…

Read More

YOSI, ALAK AT VIDEOKE

SIDEBAR

Marami ang nagsasabing kakaiba ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pa¬ngulong Rodrigo Duterte dahil bukod sa hindi mabulaklak ang kanyang mga salita ay pangmasa ang kanyang lengguwahe na madaling maintindihan ng ordinaryong mamamayan. Inianunsyo ni Duterte sa kanyang SONA na mu¬ling itataas ang excise tax sa si¬garilyo at alkohol hindi lamang para makalikom ng dagdag na buwis ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kundi para mabawasan din ang konsumo ng yosi at alak. Kasunod nito ay ang pagtatanong ng pangulo kung sino ang mga naninigarilyo sa…

Read More

PUNA NG ISANG SEXIST

SA TOTOO LANG

Trending at usap-usapan pa rin ang tungkol sa pananamit ni Senator Risa Hontiveros nang magkaroon ito ng group photo kasama ang iba pang mga senador para sa pagbubukas ng 18th Congress noong Lunes. Kumalat ang larawan hanggang ang isang Twitter user ay walang prenong nagkomento na ang pananamit ng senadora ay nagpamukha ritong isang “thirsty slut”. Hindi tayo pro o against sa senadora pero sa totoo lang ay walang masama sa suot niya. Piña barong dress ang kanyang suot at hindi ito bastos. May skirt o undergarment siyang suot pero…

Read More

SONA AT GULO SA BUWAN NG HULYO

PRO HAC VICE

Taun-taon na lang tuwing buwan ng Hulyo ay nagugulo ang buhay ng karamihang Pinoy sa Lungsod Quezon at sa iba’t ibang panig ng bansa. Ito’y dahil lamang sa State of The Nation Address ng pangulo ng bansa. Bakit kaya ‘di na lang amiyendahan ang Saligang Batas na gawing holiday ang ikatlong Lunes ng buwan ng Hulyo para sa SONA ng pangulo ng bansa upang matiyak na lahat ng mga mamamayan ay makapakinig sa ulat sa bayan ng pangulo. At huwag gawin ito sa Kamara at gawin na lamang ito sa…

Read More

MAKATAONG PAGTRATO PARA SA MGA GUMON SA DROGA

Psychtalk

Sa maikling pagdalaw ko sa Canada, mismong naobserbahan ko ang mga bagong polisiya nila roon gaya ng legalisasyon ng marijuana at ibang regulated drugs. Kaya’t medyo kontrobersyal sa akin na makakita ng cannabis store sa ilang kanto noong kami’y nag-iikot. Sa biglang tingin, maaaring maalibadbaran ang ilan sa atin tungkol sa bagay na ito. Lalo na at mas sanay tayo sa pananaw na dala-dala ng kriminalisasyon o approach sa issue na ito. Nang makausap ko ang isang Pinay na matagal nang naninirahan doon at nagtatrabaho sa isang non-government organization (NGO),…

Read More

PARTNERSHIP NG PTFOMS, ACT-CIS PARTY-LIST PARA SA MEDIAMEN

EARLY WARNING

Nag-partner ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) sa pamumuno ni Undersecretary Joel Sy Egco at ang topnotcher sa nakaraang halalan, ang ACT-CIS Party-list sa pangunguna ni Congw. Rowena Niña Taduran na isulong ang ‘Media Workers Welfare Act’ (MWWA) sa Kongreso. Nauna na siyang nangako na isusulong n’ya ang mga batas upang lalong mabigyang proteksyon ang mediamen lalo na iyong mga ordinaryong mamamahayag at agad itong tinupad ni Congresswoman Weng na matagal ding naging m’yembro ng Fourth Estate na pansamantalang natuldukan nang tawagan s’ya ng pagkakataon na maging kinatawan.…

Read More