Sumapit na naman ang araw ng State of the Nation Address o SONA ng pangulo, kung saan siya ay mag-uulat ng kalagayan ng sambayanan at kung anu-ano ang mga nagawa ng kanyang administrasyon. Ngunit, para sa Bayan Muna, dapat makinig ang pangulo sa mamamayan para malaman ang tunay na SONA. Una, ang pangako niyang pagtatapos sa Endo o sa kontraktwalisasyon, na hanggang sa kasalukuyan ay pahirap pa rin sa mga manggagawa. Buhay na buhay pa rin ang kawalan ng kaseguruhan sa paggawa sa pribado man na kompanya o sa loob…
Read MoreCategory: OPINYON
MGA PANGAKO SA IKAAPAT NA SONA NI PANGULONG DUTERTE, INAABANGAN
Ngayong araw nakatakdang ganapin ang ikaapat na SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tiyak na nakaabang ang buong bansa dahil ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang ikaapat na SONA raw ng pangulo ay tungkol sa mga bagong pangako nito at sa kanyang mga nagawa sa loob ng kanyang unang tatlong taon ng panunungkulan. Aasahan ding ipahahayag niya kung ano pa ang mga maaari nating asahan mula sa kanyang administrasyon sa natitirang tatlong taon ng kanyang pamumuno. Naitala ang pinakamataas na rating ng pangulo mula…
Read MoreOROPHIL SHIPPING ITINUTURONG UTAK SA PAGKAWALA NG 641 CONTAINERS – BOC
Sinampahan ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang mga opisyal ng Orophil Shipping International Corporation, Inc., isang officer ng forwarder at dalawang empleyado ng BOC kaugnay sa pagkawala ng 641 containers sa loob ng Manila Container Port (POM) kamakailan. Ang sinampahan ng kaso ay ang mga opisyal na sina Juan Orola Jr., Chairman of the Board, Tomas Orola, President & CEO, Elizabeth Orola-Salabas, Vice President at Gilray Romeo Torres, Operations Manager. Ang mga ito ay inakusahan ng mga opisyal ng…
Read MoreDEPENISYON NG ENGKANTO
Sa orihinal na pagkakaunawa ang salitang “engkanto” ay nangangahulugan na mga lamang-lupa o mga nilalang na ispiritwal ang pinagkakaugatan. Ngunit may iba akong pakahulugan diyan. Maraming engkanto sa ating lipunan. Mga engkantong anyong tao. Ang iba’y mababasa ang mga pangalan sa mga pahayagan, nasa likod ng mga dambuhalang TV network, mga multong may mga kamay na pumapatag sa mga bundok, mga kaluluwang lumalason sa hangin, mga kaisipan na pinantatakip sa kamulatan, mga engkantong nasa likod ng kapangyarihan at tumatabas sa kasaysayan ng bansa. Mga engkanto ngang nananahan sa mga matatandang…
Read MoreINTERSEKSIYON
Sa pansamantalang paglalakbay ang pag-alis ko na ito sa Pilipinas, may isang salitang naipaalala ulit sa akin ng aking mga bagong karanasan at mga nakilalang tao: ang interseksiyon. Maraming pakahulugan ito. Pwede nating sabihing isang sangang-daan. Salubungan. Overlap. Sa mga naunang babaeng aktibista, o mga feminist, nakuha natin ang teyorya ng intersectionality, na sa payak na pananalita ay tumutukoy sa pagsasalubong o banggaan ng mga kategorya gaya ng gender, lahi, uri na nagdudulot ng patung-patong na opresyon lalo na kung galing ka sa mga panlipunang kategorya na madalas ang naapi,…
Read MoreSA PAGPUTOL NG DIPLOMATIC TIES, ISIPIN ANG KAPAKANAN NG OFWs
Hindi maganda ang pagtanggap ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) resolution na naglalayon na imbestigahan ang madugong illegal drug war ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi ito nagustuhan ni Pangulong Duterte at ng kanyang ilang opisyal at tagasuporta, na itinuturing na ito’y pangingialam ng ibang bansa sa mga panloob na kapakanan ng ating bansa na sa tingin nito ay nakakabuti para sa kanyang mga mamamayan partikular sa pakikipaglaban sa illegal drugs at iba pang kriminalidad. Tama naman sila rito. Kaya agarang kinondena at binatikos ni Duterte,…
Read MoreAHENTE NG MGA AHENSYA, DAGDAG PROBLEMA SA MGA OFW
Sa tagal ko na bilang isang OFW leader ay ngayon lamang naging malinaw sa akin ang kalakaran ng mga ahente ng mga aplikante para sa pag-a-abroad. Kamakailan ay may isang dating ahente ang nakiusap na makipagkita sa akin upang ipagbigay-alam ang mga dati nilang kalakaran noong siya ay isa pang ahente ng mga ahensya sa Maynila. Ayon sa kanya, ang kanilang gawain ay manghikayat sa kanilang probinsiya ng mga aplikante. At dahil siya ay taga-Mindanao, ang kanyang mga nakukuhang aplikante ay nagmumula sa mga liblib na barangay sa kanilang probinsiya…
Read MoreMAY MODUS ANG PAL?
Kamakailan ay naging viral ang isang video ni American Youtube singing sensation David Dimuzio na nagrereklamo dahil sa palpak na timbangan sa check-in counter ng Philippine Airlines (PAL) na siyang flag carrier ng ating bansa. Sa mga hindi nakaaalam, nakilala itong si Dimuzio sa Youtube dahil sa husay nito sa pagkanta at lalo pang minahal ito ng kanyang mga Pinoy fans dahil sa kanyang mga Pinoy songs. Dahil sa laki ng fan base ni Dimuzio sa Pinas ay pabalik-balik ito sa ating bansa upang mag-perform at gumawa ng kanyang mga…
Read MoreISKO NG MAYNILA AT VICO NG PASIG
Sa unang sultada pa lang umuulan na ng aksyon sa bawat bayan na kanilang mga nasasakupan at kanya-kanyang diskarte sa kanilang mga bayan upang ipakita na tapos na ang politika at panahon na ng trabaho. Si Isko ay lumaki sa Maynila na namulat sa sariling sikap, namulot ng basura hanggang pumasok sa politika, nagsimula sa konsehal, vice mayor at ngayon ay mayor. Ito ang naging daan at susi niya upang maabot ang kanyang kinaroroonan ngayon at ipakita sa mga taga-Maynila ang nais niyang pagbabago sa lungsod. Tuluy-tuloy ang ginagawa niyang…
Read More