TRUCK SUMALPOK SA NAKAHINTONG TRUCK; 1 PATAY, 2 SUGATAN

QUEZON – Nasawi ang isang pahinante habang sugatan ang nagmamaneho at isa pang pasahero matapos na ang kanilang sinasakyang truck ay sumalpok sa tagiliran ng isang nakahintong truck sa gilid ng Maharlika Highway sa Brgy. Malinao Ibaba sa bayan ng Atimonan sa lalawigan nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa spot report ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling araw, isang Isuzu wing van truck na minamaneho ni alyas “Mariano”, 37, ang sumalpok sa isang nakaparadang Isuzu dropside truck sa gilid ng highway. Sinasabing nawalan ng kontrol si Mariano sa manibela…

Read More

MOTEL HINOLDAP NG 2 RIDER, EMPLEYADO GINAHASA

CAVITE – Hinoldap ng dalawang motorcycle rider ang isang motel at ginahasa umano ng mga ito ang isang empleyado ng nasabing establisimyento sa Trece Martires City noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Liz”, 20, cashier sa Pampangenous Inn sa Purok 3, Brgy. De Ocampo, Trece Martires City. Pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang suspek na nakasakay sa isang puting Honda beat na motorsiklo at nakasuot ng puting t-shirt, pulang helmet at naka-jacket. Ayon sa ulat, pumasok ang mga suspek sa Pampangenuos Inn sa Purok 3, Brgy.…

Read More

P442K SHABU NASABAT SA HVI SA CAVITE

CAVITE – Himas-rehas ang isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng high value Individuals (HVIs) ng pulisya, makaraang nasakote sa buy-bust operation at makumpiskahan ng halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu sa Dasmariñas City kahapon ng madaling araw. Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Section 2 City Drug Enforcement Unit ng Dasmariñas Component City Police Station bandang ala-1:10 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Mar” matapos makipag-transaksiyon sa poseur buyer sa Brgy. San Andres 1, Dasmariñas City.…

Read More

BATA INIHABILIN NG INA SA KAIBIGAN; HINALAY, PINATAY

QUEZON – Patay ang isang menor de edad na babae matapos halayin at saksakin sa dibdib gamit ang isang screw driver ng pamangkin ng may-ari ng kanilang tinutulugang bahay sa Barangay Del Rosario, sa bayan ng Lopez sa lalawigan. Ayon sa mga pulis, ang dalawang bata ay pansamantalang nakatira sa bahay ng tiyahin ng suspek, habang ang kanilang ina ay nagtatrabaho sa Maynila. Ipinagkatiwala umano ng ina ng mga bata ang dalawa dahil kaibigan nito ang guardian na tiya ng suspek. Batay sa report ng Lopez Police, nangyari ang insidente…

Read More

MAGPINSANG BATA NAHULOG, NALUNOD SA LAGUNA LAKE

LAGUNA – Natagpuang walang buhay ang magpinsang bata makaraang malunod sa Laguna Lake noong Lunes ng hapon. Kinilala ng mga imbestigador ng Binangonan Municipal Police Station ang mga biktimang sina Matthew Villariña, 4-anyos, kinder student, at Joseph Julian Antinero, 3-anyos, daycare student at parehong residente ng Barangay Bombong, Binangonan, Rizal. Ayon sa imbestigasyon, nadiskubre lamang ang pangyayari nang mapansin ng nanay ng isa sa mga bata ang tsinelas ng anak na nakalutang sa tubig habang nawawala ang biktima. Agad itong humingi ng saklolo at nagtulong-tulong sa paghahanap ang magkakapitbahay. Laking…

Read More

PAGTINDIG NI GIBO PARA SA PILIPINAS PINANIGAN NI GOITIA

PARA kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, malinaw ang mga salitang binitiwan na may paninindigan: wala kang dapat ikahiya kapag ipinaglalaban mo ay ang bayan. Ito ang matapang na tugon ni Chairman Emeritus Goitia, kilalang tagapagtanggol ng soberanya ng Pilipinas matapos umalma ang Chinese Embassy sa matapang na pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro tungkol sa West Philippine Sea (WPS). “Hindi ito pambabastos. Hindi ito pagyayabang. Ito ay simpleng pagtatanggol sa karapatan natin bilang isang Pilipino,” ani Goitia. Hindi siya nagulat sa reaksyon ng China.…

Read More

12 PULIS SA MISSING SABUNGEROS 90-DAY SUSPENDED, WALANG SAHOD

PINATAWAN ng National Police Commission ng 90-day preventive suspension ang 12 pulis na sangkot sa kaso ng mga missing sabungero. Layon ng nasabing hakbang na masiguro ang kaligtasan ng mga witness at integridad ng isinasagawang imbestigasyon. Ang resolusyon ay inilabas ni Napolcom Vice Chairman Atty Rafael Calinisan na natanggap na rin ni PNP chief General Nicolas Torre III. Ito ay may kaugnayan sa inihain na mosyon ng whistleblower na si Julie Patidongan laban sa naturang mga pulis na nakitaan naman ng Napolcom ng probable cause dahil sa strong evidence of…

Read More

7 SA 8 NAPATAY NA NPA KINILALA

OPISYAL na kinumpirma ng Philippine Army 8th Infantry “Stormtroopers” Division ang pagkakakilanlan ng pito sa walong Communist Terrorist Group (CTG) na napaslang sa naganap na twin encounters sa Barangay San Isidro, Las Navas, Northern Samar bago sila binigyan ng marangal na libing. Ayon sa 8ID, nakipag-ugnayan sila sa local government unit ng Las Navas para ihanda ang mga bangkay sa isasagawang funeral services kasunod ng cultural and legal protocols at paggalang sa dignidad ng tao. Ang pitong napatay na miyembro ng New People’s Army ay kinilalang sina Richard Jumadiao alyas…

Read More

Sa pagkamatay ng sundalo sa reception rites 2 ARMY JUNIOR OFFICERS, 19 IBA SINIBAK SA HAZING

DALAWANG Philippine Army junior officers at 19 enlisted personnel ang sinibak sa kanilang puwesto at sumasailalim sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng isang rookie soldier na isinalang sa reception rites subalit hindi kinaya kaya nag-collapse ito at binawian ng buhay sa pagamutan sa Cotabato City. Kinumpirma  ni Army spokesperson Col. Louie Dema-Ala ang pag-relieve at imbestigasyon sa 21 sundalo na isinasangkot sa pagkamatay ng bagong talagang sundalo sa Army 6th Infantry Battalion sa Maguindanao del Sur. Kidney failure ang sinasabing sanhi ng pagkamatay ni Private Charlie G. Patigayon kaugnay sa isinagawang traditional…

Read More