MISSING DLSU LAW STUDENT, PATAY NA NANG MATAGPUAN

CAVITE – Naaagnas na at halos ‘di na makilala ang bangkay ng isang law student ng isang kilalang unibersidad na unang iniulat na nawawala, nang matagpuang sa isang bakanteng lote sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Kinilala ng kanyang ama base sa suot nitong damit at mga kagamitan noong ideklarang nawawala, ang biktima na si Anthony Banayad Granada, 25, isang law student ng De La Salle University (DLSU) at residente ng Taguig City. Una rito, nakita sa CCTV footage ang pag-alis ng biktima bandang alas-8:00 ng…

Read More

PIO BINARIL NG PINAGALITANG SECURITY ESCORT, PATAY

PINAGBABARIL ang 40-anyos na Public Information Office officer ng mismong security escort niya sa Zamboanga Del Sur, nitong Huwebes ng gabi. Nakilala ang biktima na si Jeesrel Himang, residente ng Barangay Kawit, Pagadian City. Ayon kay PRO-9 spokesperson PMaj. Shellamie Chang, nag-inuman ang biktima at kanyang security escort na si Reymond Antifuelo Lopeciillo sa isang beach resort sa Barangay Ambulon, Vincenzo Sagun. Dito na umano napagalitan ng biktima ang suspek dahil hindi agad napaandar ang sasakyan. Nagtungo muna ang biktima sa banyo at pagbalik ay doon na sya pinagbabaril ng…

Read More

BGEN. PEÑONES JR., WALA PANG 24 ORAS BILANG OIC NG PRO-6, NI-REASSIGN SA PRO-2

WALA pang 24-oras matapos italaga bilang OIC ng PRO-6 si PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., nitong Huwebes, ay inilipat ito bilang OIC ng PRO-2. Papalitan sana ni Peñones si PBGen. Janky Wanky epektibo Hunyo 19, 2025. Sa ngayon ay magiging acting director ng PRO-6 si BGen. Josefino Ligan, na mula sa PRO-1. Habang si PBGen. Wanky, naman ay itinalagang director ng CALABARZON o PRO-4A. Papalitan naman ni Wanky si PBGen. Paul Kenneth Lucas, na acting deputy Regional Director for Administration ng NCRPO. (TOTO NABAJA) 397

Read More

P204-M SHABU NATUKLASAN SA INABANDONANG MALETA

CAVITE – Bumulaga sa mga awtoridad ang mahigit P204 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa loob ng isang inabandonang malaking maleta sa isang bakanteng lote sa bayan ng Naic sa nasabing lalawigan nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa ulat, bandang alas-2:10 ng madaling araw, ipinagbigay-alam ni Jeferson Pausal y Paigao, 26, security guard, sa nagpapatrulyang mga operatiba na sina Pat. Ronald Ian Benter at Pat. Honald De Jesus ng Naic Police Station, ang natagpuang isang inabandonang malaking maleta sa Friendship Road, Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Nang buksan ang maleta,…

Read More

SUNDALO, 3 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA SULTAN KUDARAT

PATAY ang tatlong miyembro ng communist terrorist group habang isang sundalo ang nagbuwis ng buhay sa matinding militay operation sa Barangay Datu Ito Andong, Kalamansig, Sultan Kudarat pasado alas-12:00 ng madaling araw noong Huwebes, Hunyo 19, 2025. Ayon kay Lt. Col. Christopherson Capuyan, Battalion Commander ng 37th Infantry (Conqueror) Battalion, nagsasagawa ng decisive military operations ang kanilang tropa nang makasagupa ang armadong mga elemento ng communist New People’s Army sa ilalim ng pamumuno ni Eusivio Cranzo alyas “Agaw/Brix”. Umabot sa mahigit isang oras ang palitan ng putok, na nagresulta sa pagkamatay ng…

Read More

PAGBABAYAD NG P28-B SA HACIENDA LUISITA PINALAGAN

KINONDENA ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang desisyon ng Court of Appeals na nag-uutos sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Land Bank of the Philippines (Landbank) na bayaran ng mahigit P28.488 bilyon bilang “just compensation” ang mga Cojuangco-Aquino at Lorenzo. Ayon sa KMP, ang desisyon ng appellate court ay patunay ng walang hanggang inhustisyang dulot ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga manggagawang-bukid at magsasakang matagal nang niloloko ng huwad na reporma sa lupa. Iginiit ni Danilo Ramos, Tagapangulo ng KMP, habang ang mga tunay na nagbubungkal…

Read More

51 NPA NAPATAY SA LOOB NG 6-BUWAN

IPINAKITA ng Armed Forces of the Philippine ang patuloy na paghina ng Communist New People’s Army sa inilabas nilang datos na umabot sa 871 miyembro at tagasuporta ng New People’s Army (NPA) ang kanilang naneyutralisa loob lamang ng nakalipas na anim na buwan. Sa nasabing bilang 51 communist terrorists ang napatay ng mga tauhan ng pamahalaan sa tuloy-tuloy na focus at intelligence driven operation na kanilang inilunsad sa iba’t ibang area of operation mula Enero 1, 2025 hanggang sa kalahatian ng buwan ng Hunyo. Base sa estadistika, 44 NPA ang…

Read More

2 PEKENG VIETNAMESE DOCTOR ARESTADO

KALABOSO ang dalawang Vietnamese na may kasong illegal practice of medicine, sa ikinasang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group noong Lunes sa Makati City. Kinilala ni CIDG Officer-in-Charge Brig. Gen. Rolindo Saguilon, ang naarestong mga suspek na sina Nguyen at Phuong, kapwa Vietnamese national. Ayon sa ulat, nagsasagawa ang mga suspek ng medical consultation, nose augmentation at body parts modification procedure nang walang kaukulang permit o lisensya o kahit anomang rehistro mula sa Professional Regulation Commission (PRC). Kaagad na ikinasa ng CIDG-NCR ang entrapment operation sa Doly Beauty…

Read More

MRF FACILITY NAIS IPASARA SA NAKASUSULASOK NA AMOY

PORAC, Pampanga — Hinimok ng nasa 5,000 mga residente ng Barangay Planas sa bayan ng Porac ang lokal na pamahalaan na aksyunan ang kanilang hinaing kaugnay ng mababahong trak ng basura na dumaraan sa kanilang barangay patungo sa isang Materials Recovery Facility (MRF). Sinabi ni Barangay Planas Kagawad Rex Ocampo, may 80 trak ng basura ang dumaraan sa nabanggit na barangay araw-araw partikular sa kahabaan ng Purok 1, kung saan kadalasan ay sa oras ng pagluluto o kaya pagkain ng mga residente. Sinabi ni Ocampo, humigit-kumulang 5,000 residente sa Barangay…

Read More