INATASAN ng Court of Appeals ang Land Bank of the Philippines at Department of Agrarian Reform na bayaran ang Hacienda Luisita Inc. na magbayad ng mahigit ₱28.488 bilyon bilang kabuuang just compensation para sa mahigit 4,500 ektaryang lupa na isinailalim sa reporma sa lupa ng gobyerno. Batay sa 35-pahinang desisyon ng CA na pirmado ni Associate Justice Raymond Reynold Lauigan, binaligtad ng korte ang naunang desisyon ng mababang hukuman sa Tarlac na pumayag bayaran ang Hacienda Luisita sa mas mababang halaga. Ayon sa CA, mahigit P28 bilyon ang dapat bayaran,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
May kasamang iba sa hotel CHIEF OF POLICE KINASUHAN NI MISIS
QUEZON – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 (psychological abuse) ang hepe ng pulisya sa isang bayan sa lalawigan makaraang maaktuhan ito ng kanyang misis na guro na may kasamang ibang babae sa isang hotel sa Tayabas City noong Martes ng gabi. Ayon sa report, dakong alas-3:30 ng madaling araw nitong Miyerkoles, personal na nagtungo sa Tayabas City Police Station ang 42-anyos na misis upang ireklamo ang kanyang 41-anyos na pulis na mister na nahuli nito sa loob ng Roadside Hotel sa Barangay Wakas, Tayabas City, na walang anomang…
Read MoreSa umano’y panghahalay sa 2 junior officers COURT MARTIAL PROCEEDING VS AIR FORCE GENERAL GUMUGULONG NA
KINUMPIRMA kahapon ng Armed Forces of the Philippine na gumugulong na ang imbestigasyon at paglilitis laban sa isang Philippine Air Force major general na inakusahan ng panghahalay ng dalawang PAF junior officers. Ayon kay AFP spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, nag- convene na ang binuong Special General Court Martial para madetermina kung may basehan ang inihaing reklamo ng dalawang Air Force junior officers laban sa major general na inakusahan ng sexual assault. Nabatid pa na bukod sa administrative charges, ay pormal ding naghain ng reklamong rape through sexual assault and…
Read More3K TONELADA NG SULFUR DIOXIDE IBINUGA NG MT. KANLAON
INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes, ang Bulkang Kanlaon sa Negros island ay nagbuga ng 2,953 tonelada ng sulfur dioxide sa nakalipas na 24 oras. Ito ay nagpapahiwatig ng mataas na antas ng kaguluhan sa loob ng bulkan, ayon sa ahensya. Nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon. Kaugnay nito, nakapagtala ang Kanlaon ng limang volcanic earthquakes, habang ang edipisyo nito ay napakalaki pa rin. Ayon pa sa Phivolcs, nagkaroon din ng katamtamang 300 metrong taas ng usok na dinala ng hangin sa…
Read MoreHERNANDEZ BAGONG DE NG DPWH-BULACAN 1ST DEO
ITINALAGA si District Engineer Brice Ericson Hernandez bilang bagong Officer-In-Charge (OIC) District Engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan First District Engineering Office (DEO) na magpapatuloy ng mahusay na serbisyo sa larangan ng infrastructure development ng nasasakupan nito. Pinalitan ni Hernandez si Engineer Henry Alcantara na itinalaga naman bilang OIC Assistant Regional Director ng DPWH Region IV-A regional office effective on June 13, 2025. Pinalitan naman ni Engr. Alcantara si ARD Joel Limpengco na itinalaga naman bilang Regional Director ng DPWH Region 6. Si Alcantara ay nagsilbi…
Read MoreSUSPEK SA PAGBARIL SA ANAK NG PULIS, TARGET NG MANHUNT
SINISIKAP ng mga kagawad ng Philippine National Police na matukoy ang pagkakakilanlan at madakip sa lalong madaling panahon ang lalaking responsable sa pagbaril sa limang taong gulang na batang anak ng isang pulis sa Lucban, Quezon. Ayon sa ulat, sugatan ang anak na babae ng isang pulis nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang motorcycle riding gunman sa bayan ng Lucban nitong Lunes, habang naglalaro kasama ang kanyang kapatid na lalaki sa veranda ng kanilang bahay. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dumating ang suspek sakay ng isang Honda Click motorcycle…
Read MoreBabalang ‘wag kikilos hindi narinig BINGING OBRERO SUGATAN SA HOLDAPER
CAVITE – Sugatan ang isang 50-anyos na construction worker na mahina ang pandinig, nang barilin ng isa sa apat na mga holdaper na pumasok sa kanilang barracks, nang gumalaw ito makaraang magbabala ang mga suspek na huwag kikilos, sa Villar City, Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas ang biktimang si Alberto Mateo y Loyogog, stay-in sa construction site sa Villar City, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite dahil sa tama ng bala sa baba at kanang biceps. Tinutugis naman ng pulisya ang apat…
Read MoreSa mga pumaslang sa ABC president ‘GET THEM ALIVE!’ – GOV. FERNANDO
NAGBIGAY ng direktiba si Gobernador Daniel R. Fernando sa pulisya na hulihin nang buhay ang mga suspek na pumaslang kay Association of Barangay Captains (ABC) president Capistrano noong Oktubre ng nakaraang taon. “I want them alive,” ito ang binigyan-diin ni Fernando sa Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa ginanap na 2025 Second Quarter Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Advisory Council (PADAC) at ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) na ginanap sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos City…
Read More90 SEA PASSENGERS NAILIGTAS NG PHILIPPINE NAVY
NASAGIP ng Philippine Navy sa ilalim ng Western Mindanao Command, ang 90 pasahero ng sinaklolohang isang passenger motor launch malapit sa Languyan sa lalawigan ng Tawi-tawi noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Q. Ezpeleta, nirespondehan ng mga tauhan ng BRP General Mariano Alvarez (PS176) ang 90 kataong sakay ng bangkang de-motor na M/L Len-Lyn na nagkaaberya sa laot sakop ng bayan ng Languyan. Ayon kay Capt. Hilarion Cecista, acting commander ng Western Mindanao Naval…
Read More