P6.8-M SHABU NASABAT SA MALL PARKING LOT

CAVITE – Mahigit sa P6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat sa dalawang arestadong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 in relation to Sec. 26 par. (b) (Attempt/Conspiracy to Sell Dangerous Drug) ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang arestadong mga suspek na sina alyas “Khalil”, 30, isang magsasaka, at “Jamal”, 19, pawang mga residente ng Quezon City.…

Read More

LIBRENG KAPON AT LIGATE PROGRAM SA MGA HAYOP

MAAGANG dumating ang mga fur parents kasama ang kanilang mga alagang hayop upang makinabang sa Libreng Kapon at Ligate Program ng Villar Foundation. Ang programang ito, na pinangungunahan ni Senadora Cynthia Villar, ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Veterinary Medical Association, Philippine Veterinary Drug and Nutrition Association, Pets Love Nature, at mga beterinaryo mula sa Parañaque. Magkakaloob din ng libreng anti-rabies vaccine para sa isandaang (100) alagang hayop mula sa Las Piñas at mga kalapit na lugar ng Bacoor sa Cavite. (DANNY BACOLOD) 224

Read More

IKATLONG “UNMODIFIED OPINION” MULA SA COA NAKUHA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG QUEZON

SA ikatlong sunod na taon, muling ipinamalas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pamumuno ni Quezon Governor Doktora Helen Tan, ang isang malinis at tapat na serbisyo matapos itong makatanggap ng ‘Unmodified Opinion’ mula sa Commission on Audit (COA) para sa taong 2024. Ang ‘Unmodified Opinion’, na kilala rin bilang ‘Unqualified Opinion’, ay isang uri ng audit opinion na maaaring ipagkaloob ng COA sa isang ahensyang walang natukoy na iregularidad, anomalya sa pananalapi, o kakulangan sa iniulat na pondo. Ipinahihiwatig nito na ang isinumiteng financial statements ay tama, kumpleto, at…

Read More

KAGAWAD ITINUMBA SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Inang Sayahin, Brgy. Nag Cruz, sa bayan ng Pitogo sa lalawigan noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jonard Alcantara Ariola, 48, residente ng nasabing barangay. Ayon sa ulat ng Pitogo Municipal Police Station (MPS), dakong alas-8:00 ng gabi, habang nasa tabi ng kanyang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ito. Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi batid na direksyon. Agad dinala ang biktima…

Read More

MILF NANAWAGANG ITULOY BARM ELECTION SA OKTUBRE 2025

NANAWAGAN ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pamahalaan ng Pilipinas at sa lahat ng kaugnay na institusyon na panatilihin ang nakatakdang halalan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gaganapin sa Oktubre 13, 2025. Sa isang opisyal na pahayag na inilabas nitong Biyernes, nanawagan si MILF Vice Chairman Mohagher Iqbal, na kumakatawan kay Chairman Al Haj Murad Ebrahim at sa Central Committee, sa pambansang pamahalaan, Kongreso, Commission on Elections (COMELEC), at sa iba pang mga kinauukulan na huwag tanggapin ang anumang mungkahi na maaaring humantong sa muling…

Read More

INANOD NA 3 TURISTA NAILIGTAS NG PNP-MARITIME GROUP SA BATANGAS

BATANGAS – Nasagip ang tatlong turista ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group – Special Waterborne Operation, makaraang anurin ng malakas ng alon sa baybayin ng bayan ng Mabini sa lalawigan. Ayon sa ulat ng PNP Maritime Group, habang lumalangoy noong Huwebes ng hapon ang mga turista sa harap ng isang resort nang bigla na lamang lumakas ang alon dahil sa habagat naging dahilan upang anurin ang mga ito. Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Special Waterborne Operations School makaraang matanggap ang emergency call mula sa resort. Gamit ang jetski…

Read More

MAG-AMA NAGTALO, LIVE-IN PARTNER NG ANAK NASAKSAK

CAVITE – Sugatan ang isang 27-anyos na consultant nang masaksak ng ama ng kanyang live-in partner matapos nitong salagin ang patalim sa gitna ng pagtatalo ng mag-ama sa Imus City noong Biyernes ng madaling araw. Nakatakdang sampahan ng kasong attempted homicide si alyas “Lito”, 45, isang pedicab driver, ng Brgy. Anabu 1-C, Imus City, dahil sa reklamo ni alyas “Jimmy”, 27, live-in partner ng anak ng suspek. Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at anak nitong babae sa kanilang bahay sa Brgy. Anabu 1-C, Imus City,…

Read More

OBRERO NAGPALAMIG SA DAGAT, NALUNOD

BATANGAS – Nalunod ang isang construction worker nang magpalamig umano sa dagat makaraan ang kanyang trabaho sa Barangay Bagong Silang, sa bayan ng Calatagan sa lalawigan dakong alas-6:00 ng gabi noong Miyerkoles. Kinilala ang biktimang si Dino Inducal Digno, 27, residente ng Molino 7, Bacoor, Cavite. Ayon sa imbestigasyon ng Calatagan Police, nangyari ang insidente nang mag-relax umano ang biktima kasama ng mga katrabaho, sa beach na katabi lamang ng construction site. Ngunit habang lumalangoy umano ang biktima nang mapadako ito sa malalim na bahagi ng dagat at tinangay ng…

Read More

2 LOLO NAGTALO SA BAKOD, 1 PATAY

QUEZON – Patay ang isang 73-anyos na lalaki nang saksakin ng 78-anyos na kapitbahay dahil sa pagtatalo sa bakod ng kanilang bahay sa Barangay Kapaluhan, sa bayan ng Calauag sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang namatay na biktima sa pangalang “Lolo Francis”, residente ng nasabing lugar. Ayon sa ulat ng Calauag Police, nangyari ang insidente bandang alas-7:30 ng umaga habang gumagawa ng bakod na barbwire ang biktima sa sakop ng kanyang lote at bahay. Ngunit kinompronta ito ng suspek na kinilalang si “Lolo Leo”, na kapitbahay nito. Nagtalo…

Read More