LAPID NANUMPA SA KAPATID NA PUNONG BARANGAY

OPISYAL nang nanumpa si re-elected Senator Lito Lapid sa kanyang bagong mandato sa Senado sa isang simpleng seremonya sa Porac, Pampanga nitong Sabado. Kasama ang kanyang pamilya, nanumpa si Sen. Lapid sa harap ng kapatid na si Kapitan Arturo M. Lapid, Punong Barangay ng Poblacion, Porac, Pampanga. Ito na ang ika-apat na termino ni Lapid sa Senado sa pag-upo niya sa 20th Congress. Nagpasalamat si Lapid sa mahigit 13 milyong botanteng nagtiwala at nagbigay sa kanya ng bagong mandato. Nangako si Lapid na isusulong ang mga panukalang batas na makatutulong…

Read More

17 SUGATAN SA ROAD ACCIDENT SA LA UNION

UMABOT sa 17 katao ang sugatan sa pagbaligtad ng isang passenger jeep, kabilang ang driver nito, sa Brgy. Nagyubuyuban, San Fernando City, La Union noong Sabado ng gabi. Sa ibinahaging ulat ng San Fernando City Police Station, sangkot sa aksidente ang isang Isuzu jeepney na minamaneho ng 45-anyos na driver na naninirahan sa Cardiz, Bagulin, La Union, na kabilang sa sugatan. Walo sa mga sugatan ay mga menor-de-edad na ang mga edad ay 10, 9, 11, 15, 12, 8, 14, at 1 taong gulang habang ang iba pang sugatan ay…

Read More

SOUTH UPI MAYOR, ASAWA INARESTO SA AMBUSH SA VICE MAYOR

WALANG piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng dinakip na isang Maguindanao del Sur mayor at asawa nito matapos silang silbihan ng arrest warrant ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group dahil sa umano’y kaugnayan nila sa 2024 ambush na ikinamatay ng isang vice mayor at security aide nito. Nasaktan din sa pananambang si Barangay Chairperson Analyn Benito, maging ang asawa ng napaslang na vice mayor at ang 11-anyos na anak bunsod ng mga tama ng punglo. Inaresto ng PNP-CIDG sina South Upi, Maguindanao del Norte…

Read More

PUGOT NA ULO NATAGPUAN

BULACAN – Isang pugot na ulo ng lalaki ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang irrigation canal sa Barangay Salapungan sa bayan ng San Rafael sa lalawigan. Ayon sa San Rafael Municipal Police Station, wala pang pagkakakilanlan ang nasabing biktima. Subalit malaki ang posibilidad na ang ulong pugot ay sa bangkay ng isang lalaking walang ulo na nakitang palutang-lutang noong Lunes ng hapon sa ilalim ng tulay malapit kung saan natagpuan ang ulo. Natagpuang palutang-lutang ang isang bangkay ng isang lalaking walang ulo sa ilalim ng tulay sa Barangay Salapungan.…

Read More

PRO3 HANDANG-HANDA NA SA PAGTUGON SA KALAMIDAD

BUONG giting na ipinamalas ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna sa isinagawang Simultaneous Showdown Inspection of the PNP Disaster Response Equipment Capabilities sa Camp Capt. Julian Olivas, San Fernando City, Pampanga noong Mayo 21. Ang aktibidad ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na layong paigtingin ang kakayahan ng mga ahensiya ng pamahalaan, partikular ng Philippine National Police (PNP), sa pagtugon sa mga kalamidad at krisis, bilang bahagi ng kanyang programang Bagong Pilipinas. Pinangunahan ni Police General Rommel Francisco…

Read More

‘TRIGGER HAPPY’ BINITBIT SA SELDA

CAVITE – Arestado ang isang 58-anyos na lalaki makaraang ireklamo dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bayan ng Indang sa lalawigan noong Martes ng gabi. Nahaharap sa kasong alarms and scandal at paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election Code ang suspek na si alyas “Rodolo”, binata, residente ng Indang, Cavite. Ayon sa reklamo ng ilang residente sa Purok 5, Brgy. Calumpang Cerca, Indang, Cavite, nabulabog sila sa katahimikan ng gabi dahil sa walang habas na pagpaputok ng baril ng suspek bandang alas-11:55 ng gabi. Agad namang…

Read More

TONE-TONELADANG BASURA NAHAKOT SA ‘OPLAN BAKLAS’

ISANG linggo matapos ang eleksyon, humarap ang mga pulis sa CALABARZON sa gawaing pagbabaklas, o pagtatanggal ng ginamit na election campaign materials. Matagumpay na isinagawa ng PNP CALABARZON ang “Simultaneous Oplan Baklas” noong Martes ng hapon, at tone-toneladang basura ng kampanya ang kanilang nahakot. Kaugnay ito sa utos ng PRO 4A sa lahat ng mga istasyon ng pulisya sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon na lumahok sa “Oplan Baklas” pagkatapos ng eleksyon. Malinaw ang layunin ng nasabing kautusan, ang alisin ang lahat ng natitirang campaign materials, lalo na ang…

Read More

MALACAÑANG NAMIMILI NA NG IPAPALIT KAY NI PNP CHIEF GEN. MARBIL

MALAKI ang posibilidad na sadyang hindi makatutulong ang pinalutang na panibagong extension ng termino ni Philippine National Police chief PGeneral Rommel Francisco Marbil. Bunsod ito ng pahayag ng Malacañang na namimili na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng posibleng ihahalili kay General Marbil. Sinasabing ihahayag agad ng commander-in-chief ang magiging kahalili ni Gen. Marbil na nakatakdang mapaso ang extension bilang hepe ng pambansang pulisya ng bansa sa Hunyo 7. Kabilang umano sa mga ikinokonsidera sina PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.; PNP chief directorial…

Read More

MOBILE ENERGY SYSTEM IBINIGAY NG U.S. SA PALAWAN

MISMONG si United States Ambassador MaryKay Carlson ang nanguna sa isinagawang turnover ng tatlong U.S.-government donated mobile energy systems (MES) na nagkakaloob ng ligtas, maaasahan at sustainable electricity para sa mga liblib na lugar sa Palawan. Kasama ni Ambassador Carlson sa ginanap na turnover ceremony sa National Power Corporation (NPC) Irawan Switching Station sa Puerto Princesa City, sina Philippine Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla, NPC President Fernando Roxas, U.S. Agency for International Development (USAID) Philippines Mission Director Ryan Washburn, at DOE Undersecretary Giovani Carlo Bacordo. “The MES are…

Read More