LAPID NAIS PANATILIHIN ICONIC TRADITIONAL JEEPNEY

IGINIIT ni reelectionist Sen. Lito Lapid na dapat mapanatili ang iconic traditional jeepney sa pagmo-modernize ng public utility vehicles. “Kaya naman natin na gawing modernize ang mga traditional jeepney natin, maging aircon para maging komportable ang pagsakay ng ating mga pasahero, at ‘yung iba pa nga pinapatakbo na ng kuryente,” ayon sa senador. Dapat umanong suportahan at bigyan ng subsidiya ng gobyerno ang mga local manufacturer ng traditional jeepney na gumagawa na ng makabagong sasakyan alinsunod sa public transport modernization program (PTMP). “Habang nire-review ang implementasyon nito, tulungan natin ang…

Read More

REKLAMO NG ABSENTEE VOTERS ‘DI DAPAT BALEWALAIN NG COMELEC

Kabayan party-list Rep Ron Salo

KINALAMPAG ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang Commission on Election (Comelec) na huwag balewalain ang reklamo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na iba ang lumalabas na pangalan sa mga ibinoboto nila. Ginawa ni Kabayan party-list representative Ron Salo ang pangangalampag matapos magreklamo ang isang OFW na nasa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia sanhi ng resulta ng kanyang mga boto sa senatorial at party-list group. “I am extremely disappointed with my experience casting my vote online. I selected only five candidate of the Senate and Kabayan partylist, but when…

Read More

KASAPI NG LAWLESS ELEMENT GROUP, PATAY SA SAGUPAAN

PATAY ang isang kasapi ng notoryus na organized crime group matapos piliing huwag magpahuli nang buhay sa ikinasang joint law enforcement operation ng military at pulisya sa Sitio Dulayap, Barangay Panggao, Barira, Maguindanao del Norte noong Lunes ng umaga. Ayon sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Marines, kinilala ni Lt. Col. John A. Dela Cruz, commanding officer ng Marine Battalion Landing Team-2 (MBLT-2), ang napatay na si Kamlon Manardas Ragundo, 34-anyos, at residente ng nasabing lugar. Ayon sa ulat, layunin ng Criminal Investigation and Detection Group –…

Read More

‘ALYANSA’ MAGBABALIK SA VOTE-RICH BULACAN PARA SA MALAKING CAMPAIGN RALLY SA MALOLOS

MAGBABALIK sa lalawigan ng Bulacan para manligaw muli ng mga botante ang administration-backed Senate slate na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa isang malakihang campaign rally sa Malolos City sa Mayo 7, Miyerkoles. Target pa rin ng ‘Alyansa’ na patatagin ang suportang makukuha mula sa isa sa vote-rich province sa bansa upang palakasın ang kanilang kandidatura sa nalalapit na midterm elections sa Mayo 12 at i-promote ang paglago ng ekonomiya at mga plano pa ng administrasyong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa buong bansa. Ikalawang pagsugod na ito ng koalisyon…

Read More

OMBUDSMAN MARTIRES BINANATAN SA SUSPENSYON NG CEBU GOV.

UMANI ng batikos si Ombudsman Samuel Martires matapos isiwalat ng mga dokumento ang mga iregularidad sa suspensyon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia. Taliwas sa mga naunang pahayag, ang reklamo ay isinampa noong Abril 21—hindi Abril 19—at agad namang naghanda ng resolusyon si Martires noong Abril 23 na siya ring lumagda nang mag-isa sa sumunod na araw. Lalong naging kontrobersyal ang desisyon dahil ito’y inilabas nang walang pormal na imbestigasyon o rekomendasyon mula sa isang panel. Dahil isinabay ang suspensyon sa panahon ng eleksyon, umani ito ng malawak na pagbatikos sa…

Read More

VOTE BUYING SA BULACAN MAS LUMAWAK

ILANG araw na lang bago ang halalan, lumawak pa ang panunuhol o pagbili ng boto ng mga lokal na kandidato, partikular sa bayan ng Bustos. Nabuking ang diskarte ng tinaguriang “Big Four” na sina alyas “MA”, “TA”, “PM” at “SS” nang makita sila na gumagapang na sa mga piling lugar sa Bustos upang mamili ng boto sa halagang P2,000 bawat isa. Nangako ang ‘Big Four’ sa mga botante na dodoblehin ang kanilang bayad kung ang “manok” nila sa lokal at mataas na opisyal sa kapitolyo ang kanilang iboboto. Ayon sa…

Read More

MINDANAO LEADERS BITBIT SI ERWIN TULFO SA MAY 12 POLLS

DADALHIN ng karamihan ng mga Gobernador sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Northern at South Central Mindanao, at Zamboanga del Norte province si LAKAS-CMD senatorial candidate Erwin Tulfo sa kanilang senatorial lineup para sa May 12 elections na gaganapin sa darating na Lunes. Ayon kay Sultan Kudarat Gov. Pax Ali Mangudadatu, maraming naitulong si Cong. Tulfo sa Mindanao lalo na noong ito ay Kalihim pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). “Hindi na kailangan tawagan o lapitan siya. Siya na mismo ang pupunta at…

Read More

TARLAC MAYOR SINITA NG COA SA KWESTYONABLENG P50-M MEDICINE PURCHASE

PINUNA ng Commission on Audit (COA) si Mayor Maria Cristina C. Angeles ng Tarlac dahil sa mga iregularidad sa pagbili ng mahigit P50 milyong halaga ng gamot at medical supplies, na ayon sa COA ay “gross violations of procurement laws and regulations”. Ayon sa Fraud Audit Report No. 2025-003, bumili ang pamahalaang lungsod ng P843,900 na halaga ng gamot na hindi kasama sa Philippine National Formulary (PNF), taliwas sa Executive Order No. 49, s.1993 at DOH Administrative Order 2012-0023 na nag-aatas ng eksklusibong paggamit ng PNF sa lahat ng gamot…

Read More

Bago pa magamit sa target practice NAVY WARSHIP TARGET NG BALIKATAN 2025 WAR DRILL, KUSANG LUMUBOG

NAPILITANG kanselahin ang nakatakdang Balikatan 40-2025 Maritime Strike war drill nang kusang lumubog ang gagamiting target vessel sa karagatang sakop ng San Antonio, Zambales. Ayon sa ulat, pinasok ng tubig ang decommissioned Philippine Navy’s BRP Miguel Malvar (PS-19) habang ipinoposisyon ito bago pa magamit na target ng joint RP-US forces bandang alas-7:00 ng umaga nitong Lunes. Ang decommissioned World War II-era corvette ay palulubugin sana sa gaganaping Balikatan 25 MARSTRIKE o maritime strike event na inaasahang sasaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Philippine Navy spokesperson, Capt. John…

Read More