LALAWIGAN NG QUEZON NAIPASA ISO 9001:2015 CERTIFICATION AUDIT

NAIPASA ng Pamahalaang Panlalawigan ang ISO 9001:2015 Quality Management System Certification Audit nitong ika-25 ng Marso 2025. Ito ay matapos ang mahabang paghahanda at dalawang araw na masusing pagsusuri ng Certification Partner Global (CPG) FZ LLC. Ang Certification Partner Global (CPG) ay isang nangungunang certification company na nakatuon sa pagbibigay ng mga serbisyong pagsasanay at sertipikasyon tungkol sa sistema ng pamamahala sa mga Industriya, Komersyo, at Gobyerno. Matatandaan na nitong nakaraang Enero 16, taong kasalukuyan ay nakapasa ang Provincial Government of Quezon sa Stage 1 Initial Audit ng naturang certification…

Read More

CAMPAIGN SORTIES NG ALYANSA NGAYONG LINGGO, IPINAGPALIBAN

IPINAGPALIBAN ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang kanilang mga aktibidad ngayong linggo upang bigyang-daan ang mga imbitasyon sa mga kanilang senatorial bets sa mga local proclamation rallies. Ipinaliwanag ni Alyansa Campaign Manager at Cong. Toby Tiangco na dahil magsisimula na ang pangangampanya sa local elections sa Biyernes, Marso 28, ilan sa kanilang senatorial bets ang naimbitahan sa iba’t ibang lugar sa bansa. Nakatakda sanang magsagawa ng campaign rally ang Alyansa sa Malolos, Bulacan sa araw ng Biyernes. Una namang napostpone ang nakatakda sanang campaign sortie ng grupo sa lalawigan…

Read More

ILOILO NEGO-KART APRUB SA TRABAHO PARTY-LIST

PINURI ng TRABAHO Party-list ang Department of Labor and Employment at pamahalaan ng Lungsod ng Iloilo sa pagkakaloob ng negosyo karts o nego-karts sa 133 katao. Sinabi ni Atty. Mitchell Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Party-list, na ang inisyatiba ay isang mahalagang hakbang upang matulungan ang mga walang hanapbuhay na malampasan ang mga pinansyal na hamon, at magbibigay-daan sa kanila upang makapagsimula ng kanilang maliliit na negosyo. Sang-ayon din sa kanilang plataporma na mabigyan ng upskilling opportunities ang mga Pilipino, ikinatuwa rin ng TRABAHO na ang mga nakatanggap ng nego-karts ay…

Read More

TUGBOAT AT PANAMIAN CARGO VESSEL NAGBANGGAAN; 1 PATAY, 1 MISSING

PATAY ang kapitan ng isang Philippine tugboat vessel matapos na makabanggan ang isang Panama registered cargo vessel nitong Martes ng madaling araw sa dagat sakop ng Maasim, Sarangani Province. Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may nasawi sa banggaan ng barko at tugboat sa Sarangani subalit hindi kaagad inilabas ang pagkakakilanlan nito. Ayon sa PCG, nangyari ang insidente bandang alas-4:20 kahapon ng umaga sa karagatang sakop ng Maasim, Sarangani. Sa ibinahaging ulat ng Philippine Coast Guard na nakabase sa nasabing bayan, patay ang kapitan ng M/Tug Sadong 33, isang…

Read More

PULIS, 3 PA HULI SA 20 KILO NG SHABU

ARESTADO ang isang police officer at tatlo pang hinihinalang bigtime drug personalities sa hilagang Luzon makaraang mahulihan ng 20 kilo ng umano’y shabu sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Baguio City. Ayon sa inisyal na ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General, Usec. Isagani Nerez, tinatayang P136 milyon ang halaga ng umano’y shabu na nakumpiska mula sa apat na high value target, isa rito ay police personnel, na kanilang nahuli sa isinagawang buy-bust operation. Batay sa ulat, bandang alas-11:02 ng umaga nitong Martes, inilunsad…

Read More

4 CHINESE NAT’LS ARESTADO SA FRAUD, SMUGGLING

APAT na Chinese national na sinasabing pawang sangkot sa fraud at smuggling, ang naaresto sa isinagawang joint law enforcement operation ng militar at pulisya sa Barangay Nueva Vida, M’lang, Cotabato. Kinilala ang mga nadakip na sina Liu Dezhen, Tang Zhongyi, Tianpei Wu, at Wang Lian Xu. Una rito, isang dragnet operation ang inilatag sa pakikipagtulungan ng Bureau of Immigration (BI), National Bureau of Investigation Region 12 (NBI-12), Philippine Drug Enforcement Agency Region 12 (PDEA-12), at Philippine National Police (PNP-M’lang MPS), na suportado ng AFP Joint Task Force Central at 6th…

Read More

16 TEXT BLASTERS KUMPISKADO NG ACG-PNP SA TARLAC

CAMP Olivas, San Fernando, Pampanga- Labing-anim na text blaster equipment ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP) at Tarlac PNP sa ikinasang entrapment operation noong Lunes sa Burgos Street, Barangay Poblacion Norte, Paniqui, Tarlac. Isang alyas “Ray”, 28, residente ng Paniqui, Tarlac, ang arestado ng nabanggit na mga operatiba matapos mahuling nagbebenta online ng nasabing 16 SIM-based text blasters o international mobile subscriber identity (IMSI) catchers. Ang suspek ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Philippine Radio Control Law, SIM Registration Act, Data…

Read More

CAMILLE VILLAR NAGPAPASALAMAT SA SUPORTA NG CAVITEÑOS

NAGPASALAMAT si Camille Villar sa suporta ng mga taga-Bacoor, Cavite. Nagbigay ng suporta kay Villar sina Bacoor Mayor Strike Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola sa flagraising ceremony noong Lunes sa Bacoor. Sa sandaling mabigyan ng pagkakataong maglingkod sa Senado, nangako si Villar na uunahin ang mga proyekto at batas na magtataguyod ng mga small-and-medium na negosyo, reproductive at maternal health at de-kalidad na edukasyon, bukod sa iba pa. (Danny Bacolod) 220

Read More

P8-M SHABU NASABAT SA CENTRAL LUZON

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Mahigit sa P8 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa kampanya laban sa ilegal na droga at naaresto ang maraming high value individuals (HVIs) sa serye ng mga operasyon sa loob ng tatlong araw. Noong Marso 23, 2025, bandang alas-4:45 ng hapon, ang pinagsamang anti-illegal drug operation, sa pangunguna ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Police Stations 4 at 6, Angeles City Drug Enforcement Unit (ACDEU), at City Intelligence Unit (CIU), ay nagresulta sa…

Read More