TITSER ARESTADO SA RAPE SA ESTUDYANTE

ARESTADO ang isang 36-anyos na guro sa bisa ng dalawang warrant of arrest makaraang matunton ng mga awtoridad sa bayan ng Pavia sa lalawigan ng Iloilo noong Pebrero 13, 2025. Ayon sa natanggap na report ni District Director PCol. Villamor Tullao ng Eastern Police District (EPD), kinilala ang suspek na guro na si alyas “Dodzman”, itinuturing na no. 2 most wanted person ng Eastern Police District at no. 3 naman sa listahan ng most wanted persons ng Pasig City Police Station. Ayon pa sa report, unang naaresto ang suspek sa…

Read More

KATOTOHANAN, ‘DI KASINUNGALINGAN MAGPAPALAYA SA ATIN– SY-ALVARADO

“GAWA, hindi salita; at katotohanan, hindi kasinungalingan ang magpapalaya sa atin.” Ito ang sagot ni dating Bulacan Governor Wilhelmino “Willy” Manucdoc Sy-Alvarado sa mga kalaban sa pulitika na nagpapakalat na hindi siya nakikita ng mga residente sa kanilang lalawigan. Katunayan aniya, lagi siyang may nakahandang tsinelas para ano mang oras, may putik man o wala, mapupuntahan niya ang mga kababayan niyang nangangailangan ng dagliang tulong. Binubuo ang Bulacan ng mga bayan ng Sta. Maria, San Rafael, San Miguel, San Ildefonso, Pulilan, Plaridel, Paombong, Pandi, Obando, Norzagaray, Angat, Balagtas, Baliuag, Bocaue,…

Read More

P48-M SHABU NASABAT SA 5 BIGTIME DRUG DEALERS

TINATAYANG P48 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isinagawang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa limang hinihinalang big time drug dealers. Ayon sa PDEA, nasa pitong kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa ipinatupad na buy-bust operation laban sa hinihinalang high value drug personalities sa Barangay Tikay, Malolos, Bulacan. Isinilid ang mga kontrabando sa pitong foil packs na may Chinese characters. Nakumpiska rin ang non-drug evidence kabilang ang mga cellphone, buy-bust money at ID ng mga suspek. Mahaharap ang limang naaresto sa kasong…

Read More

DINUKOT NA KOREANO, NAILIGTAS NG PNP-AKG

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang 78-anyos na Korean businessman matapos dukutin ng armadong kalalakihan sa kanyang bahay sa Clark Freeport, Mabalacat City sa Pampanga. Ayon kay AKG Director Col. Elmer Ragay, noong Pebrero 9, 2025 nang pwersahang pinasok ng tinatayang sampung kalalakihan ang bahay ng biktima at nagpanggap bilang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) dala ang isang pekeng warrant of arrest upang palabasin na lehitimo ang kanilang operasyon. Subalit agad na itinanggi ng NBI at…

Read More

BILANG NG MAHIHIRAP NA PAMILYA SA BATANGAS UMAKYAT

SA kabila na kilala bilang isa sa maunlad na lalawigan sa Region 4A o CALABARZON, tumaas pa rin ang bilang ng mahihirap na pamilya sa Batangas. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Enero 2025, nadagdagan ang bilang ng mahihirap na pamilya sa Batangas ng 7,200 mula sa 32,300 noong 2021 patungong 39,500 noong 2023. Tumaas din ang poverty incidence rate ng Batangas mula 4.3 percent noong 2021 patungong 4.9 percent noong 2023. Kung ikukumpara sa ibang lalawigan sa rehiyon, bumaba ang bilang ng mahihirap na pamilya sa…

Read More

NUCLEAR POWER GUSTO NI PACQUIAO, RENEWABLE ENERGY NAMAN SI BINAY

(TRACY CABRERA) LUNGSOD NG TAGUM, Davao del Norte — Sa problema ng bansa ukol sa supply ng elektrisidad, magkaiba ang solusyong isinusulong ni dating senador Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at Makati City mayor Mar-len Abigail ‘Abby’ Binay-Campos. Para kay Pacquiao, mas magiging mainam kung gagamit ng enerhiyang nukleyar habang minamataan naman ni Binay ang renewable energy bilang alternatibong source ng elektrisidad sa buong kapuluan, partikular na sa rehiyon ng Mindanao. Ito ang pahayag ng magkapartidong kandidato para sa pagkasenador ng tanungin ng lokal na media sa pagdalaw nila sa Tagum City.…

Read More

FPJ PANDAY BAYANIHAN UMARANGKADA SA PANGASINAN

SINAMAHAN ni Senador Grace Poe ang anak na si Brian Poe Llamanzares, first nominee ng FPJ Panday Bayanihan party-list sa kick off rally sa Pangasinan. Sa kanilang motorcade ay sumama rin ang action star na si Coco Martin at inikot nila ang mga bayan ng Calasiao, Sta. Barbara, Dagupan City, Pasista at nagtapos sa San Carlos City para sa grand rally sa Brgy. Roxas open ground plaza. Makikita naman ang mainit na pagsalubong sa kanila ng mga Pangasinense. (DANNY BACOLOD) 280

Read More

KHONGHUN: DUTERTE DYNASTY, PRO-CHINA IBASURA

HINDI na dapat suportahan ng mga Pilipino sa paparating na eleksyon ang mga personalidad mula sa nakaraang administrasyon upang maprotektahan ang bansa laban sa kontrol ng dayuhan, ilegal na droga, POGO, criminal syndicates, katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan. Nagbabala si Zambales Rep. Jay Khonghun na ang pagpayag na muling makontrol nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Vice President Sara Duterte ang pulitika ng bansa pagkatapos ng 2025 ay muling bubuhay sa mga kapalpakan ng nakaraang administrasyon tulad ng impluwensya ng China sa ating katubigan, state-sponsored killings, ilegal na operasyon…

Read More

DS Suarez sa ‘noisy minority’: BOSES NG SAMBAYANAN SA BENEPISYO NG AYUDA PROGRAMS, PAKINGGAN

“TAMA na ang paninira. Makinig kayo sa sambayanang Pilipino.” Ito ang sinabi ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng Quezon nitong Huwebes kasabay ng kanyang pagbasura sa “noisy minority” na naninira sa ayuda program ng pamahalaan at ayaw kumilala sa suportang ibinibigay dito ng sambayanan. Tinukoy ni Suarez ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia, kung saan 80 hanggang 90 porsiyento ng mga Pilipino ang kumikilala sa benepisyo ng social welfare programs gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Ayuda sa Kapos ang Kita Program…

Read More