CAMPAIGN kickoff, may kasama pang party, party! Inaasahang buhay na buhay at super bongga ang malakihang kickoff campaign ng administration-backed Senatorial slate na ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ (APBP) na gaganapin sa Laoag City ngayong Pebrero 11, Martes, sa balwarte ng mga Marcos sa Ilocos Norte para sa midterm elections sa darating na Mayo. Tiyak na dadagundong ang Centennial Arena sa pambungad na kampanya ng administration Senate slate dahil magbibigay-kulay at buhay sa kickoff rally ang sikat na rapper at singer na si Andrew E. Makakasama ng rapper ang ilan…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
3 ISRAELI, 174 PALESTINO NAPALAYA SA TULONG NG ICRC
NAMAGITAN ang International Committee of the Red Cross para sa pagpapalaya sa tatlong Israeli at 174 Palestinian detainees at nakabalik na sa kanilang mga lugar. Muli sa kanilang ikalimang humanitarian mission, ay ligtas na napalaya nitong nakalipas na linggo ang tatlong bihag ng Hamas na Israeli mula sa Gaza patungo sa Israel. Sa ligtas na pamamagitan ng ICRC, tuluyang nakalaya ang 174 Palestino na detenido sa detention facilities ng Israel sa Gaza at West Bank. Ang ICRC ay nagsisilbi ngayong tulay at siyang nangangasiwa sa operasyon ng pagpapalaya. Ayon sa…
Read MoreBARIL, BALA ISINUKO NG PRIVATE ARMED GROUP
Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Inihayag noong Linggo ng Police Regional Office 3 (PRO3), ilang loose firearms ang boluntaryong isinuko ng umano’y mga miyembro ng pribadong armadong grupo sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sinabi ni PRO3 Regional Director BGen. Jean S. Fajardo, noong Pebrero 7, 2025, sa Brgy. Papaya, San Antonio, Nueva Ecija, ay matagumpay na isinuko sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), sa pamumuno ni PCol. Ferdinand Germino, ang ilang hindi lisensyadong baril mula sa umano’y miyembro ng isang pribadong armadong grupo. Ang matagumpay na…
Read MoreSa kabila ng kakulangan sa military assets PROTEKSYON SA SOBERANYA NG PH TINIYAK NG AFP, PCG
TINIYAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine at maging ng Philippine Coast Guard (PCG), na hindi hadlang ang kakulangan ng mga asset para bantayan ang karagatan ng bansa at igiit ang karapatan sa mga inaangking teritoryo. Ayon kay AFP Public Affair Office chief, Col. Xerxes Trinidad, nanatiling matatag ang kanilang paninindigan na ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas at protektahan ang territorial integrity ng bansa, gamit ang anomang kagamitan na mayroon sila, nang naaayon sa international law. “Even with limited resources compared to other foreign powers, the AFP, together…
Read More30 PAMILYA SA BACOOR, NASUNUGAN
CAVITE – Tinatayang 30 pamilya ang nawalan ng tirahan nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-5:15 ng umaga nang nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Tabing Dagat, Brgy. Maliksi 2, Bacoor City hanggang sa nadamay ang katabing mga bahay na pawang gawa sa light materials at umabot sa ikalawang alarma. Mabilis namang nagresponde ang iba’t ibang pamatay-sunog at nang humupa ang apoy ay tinatayang 20 kabahayan ang nadamay. Idineklarang fire-out ng Bacoor City Bureau of Fire Protection…
Read MorePOLICE CORPORAL, TINAMAAN NG BALA SA FIRING RANGE?
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police kung aksidenteng tinamaan ng bala ng baril ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) habang nagsasagawa ng pagsasanay sa gun proficiency sa mga kadete sa isang firing range sa loob ng kampo sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa Tagaytay Medical Center ang biktimang si Police Corporal Renante Marolina y Sino, 29, tubong Digos City, Davao Del Sur at nakatira sa PNPA Tactics Male Barracks sa Brgy. Tartiara, Silang, Cavite dahil sa sugat sa…
Read MoreNAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS SA BULACAN, BINALAAN
NANAWAGAN si Vice Governor Alex Castro ng Bulacan na dagdagan ang pagbabantay at seguridad laban sa fake news para matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa lalawigan. Sa kanyang privilege speech sa Sangguniang Panlalawigan Session noong Pebrero 6, binigyang-diin ni Castro ang pangangailangan na palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng takot at kaguluhan. Hinimok niya ang publiko na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon, tinitiyak na tama, napatunayan, at hindi nakapanlilinlang. Pinaalalahanan ng bise gobernador ang mga Bulakenyo tungkol sa kahalagahan…
Read More30 PAMILYA SA ROSARIO, CAVITE NASUNUGAN
CAVITE – Tinatayang 30 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang lamunin ng apoy ang kanilang kabahayan nitong Biyernes ng madaling araw sa bayan ng Rosario. Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Sitio Halayhay, Isla Bonita, Brgy. Silangan 1, Rosario bandang alas-12:10 ng madaling araw hanggang gumapang sa ibang mga kabahayan. Ayon sa Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO), umabot sa 1st alarm ang sunog na tumupok ang 14 na kabahayan na pawang mga gawa sa light materials. Bandang alas-1:15 ng madaling araw nang tuluyang naapula ang apoy…
Read MoreMAHIGIT 1K DRUMS NG LANGIS NAALIS NA SA SAN PEDRO CITY RIVER
LAGUNA – Mahigit sa isang libong drum ng langis ang natanggal na mula sa ilog ng San Isidro sa San Pedro City matapos ang oil spill na dulot ng sunog sa mga warehouse ng Kengian Complex noong Enero 24. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), katuwang ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Biñan, PENRO San Pedro, at Harbor Star, tuloy-tuloy ang kanilang clean-up operation sa lugar. Sa pamamagitan ng oily waste collectors na Clean Leaf International Corporation at JM ECOTECH, ang nakolektang langis at maging ang tubig na…
Read More