2 TERORISTA NAPATAY SA SAGUPAAN SA SAMAR

DALAWANG miyembro ng Communist Terrorists Group (CTG) ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army habang iba’t ibang war materials ang nasamsam sa serye ng sagupaan na naganap sa liblib na bahagi ng Barangay Sto. Niño, Paranas, Samar, ayon sa ulat ng militar kahapon. Ayon sa 8th Infantry Division, nagkasa ng focused military operation ang kanilang tropa kasunod ng sumbong mula sa mga residente hinggil sa presensya ng armadong kalalakihan na nagsasagawa ng extortion activities sa nasabing barangay. Nangyari ang unang sagupaan bandang alas-5:00 ng umaga nang masabat ng Army…

Read More

MARTSA PARA SA KALIKASAN NILARGA SA PAGBILAO

HIGIT 2,000 katao na binubuo ng mga taga-simbahan, environmentalists, estudyante, at grupo ng mamamayan ang lumahok sa “Lakad Dasal ng PAG-ASA para sa Kalikasan” na nagsimula sa simbahan ng Pagbilao, Quezon, para tutulan ang mga aktibidad na sumisira sa kalikasan sa kanilang bayan. Ang martsa ay inorganisa ng Mamamayan Laban sa Korapsyon at Quarry (MLQ) at naglalayong ipanawagan ang pagtigil sa mapanirang quarrying, korupsyon sa pamamahala ng likas na yaman, at ang paggamit ng fossil fuels tulad ng coal. Sa kanilang pahayag, binanggit ng MLQ ang Laudate Deum ni Pope…

Read More

MANDANAS INAKUSAHANG DESPERADO, GUMAGAMIT NG PEKENG SURVEY FIRM

PINARATANGAN si Batangas Gov. Hermilando Mandanas ng kanyang mga kritiko na desperado at gumagamit na ng pekeng survey company para palakasin ang kanyang kandidatura bilang vice governor ng lalawigan. Sa survey ng One Research Philippines Inc. (ORPI), malaki umano ang lamang ni Mandanas sa karera sa pagka-bise gobernador. Pero sa pagsasaliksik, lumilitaw na walang kahit anong detalyeng makikita sa internet tungkol sa ORPI. Ang Facebook page nito ay ginawa lang noong Enero 18 at hindi naman mabuksan ang kanilang website na http://www.oneresearchphinc.com/. Malayong-malayo ito sa ibang survey firms gaya ng…

Read More

Pulis vs pulis MISTER PATAY KAY MISIS

PATAY ang 43-anyos na pulis nang barilin ng kanyang misis na isa ring pulis sa garahe ng kanilang bahay sa Brgy. Cuayan, Angeles City noong Lunes ng gabi. Kinilala ni PMajor Dexter Ebbat, chief of police ng Angeles City Police Office (ACPO), ang biktimang si Police Chief Master Sergeant Jayson Mariano, miyembro ng PNP na nakatalaga sa City Investigation and Detection Management Unit ng ACPO, residente ng nasabing lugar. Kinilala naman ang suspek na si Police Staff Sergeant Karen Mariano, 34, misis ng biktima, miyembro rin ng PNP na nakatalaga…

Read More

Kotse ng 2 doktor, engineer unang inatake NEGOSYANTE BAGONG BIKTIMA NG BASAG-KOTSE

CAVITE – Makaraang mabiktima ang dalawang doktor at isang engineer, isa namang negosyante ang naitalang biktima ng basag-kotse sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si alyas “Michael”, 28, residente ng Barangay Sta. Rita, Olongapo City, Zambales habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek. Ayon sa ulat, ipinarada ng biktima ang kanyang Ford Everest na may plakang CAI 2062, sa parking lot sa harap ng isang commercial center complex sa Paliparan Road, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, upang dumalo sa TESDA seminar. Habang nasa seminar, narinig niyang…

Read More

BABAE NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY

QUEZON – Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang sa ilalim ng tulay sa Barangay Pulo, sa bayan ng San Antonio sa lalawigan noong Martes ng umaga. Ayon sa ulat ng San Antonio Police, bandang alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay na nakabulagta sa gilid ng ilog sa ilalim ng tulay sa Barangay Pulo. Napag-alaman sa imbestigaston ng pulisya, natuklasan ang mga sugat nito sa noo at mukha na maaaring sanhi ng pagkahulog mula sa tulay. Nabatid naman mula sa ilang nakasaksi, nakita ang babae na naglalakad…

Read More

BARANGAY CAPTAIN NAIPIT SA MINAMANEHONG ROAD GRADER, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang barangay captain matapos na maipit ng kanyang minamanehong road grader sa Barangay Calantas, sa bayan Rosario sa lalawigan noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Barangay Captain Rudy Manongsong Endencio, ng Barangay Antipolo, Rosario. Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang soil grader sa barangay road pababa sa bahaging may tulay nang mawalan umano ng preno ang heavy equipment. Iniwas ito ng kapitan sa mga batang estudyante na naglalakad sa kalsada, at itinalon sa gilid ng daan. Para sa kanyang kaligtasan, tumalon din ang…

Read More

NEGOSYANTE PINATAY NG AKYAT-BAHAY SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang negosyante makaraang barilin ng hindi nakilalang suspek na nanloob sa kanilang bahay sa Brgy. Malabanban Sur, bayan ng Candelaria noong Lunes ng madaling araw. Base sa report ng Candelaria PNP, binaril ng mga suspek ang biktimang negosyante na si Willy Sy, 59-anyos, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang matuklasan nito ang dalawang lalaking armado ng baril sa loob ng kanilang bahay. Batay sa imbestigasyon, nang makapasok ang mga suspek, niyapos ng isa sa mga ito ang anak na babae ng biktima. Tinangka namang agawin ng…

Read More

MAGPINSANG RIDER PATAY SA TRUCK

CAMARINES SUR – Patay ang magpinsang estudyante matapos masalpok ang sinasakyang motorsiklo ng isang truck sa Rolando Andaya Highway ng Brgy. F. Simeon, sa bayan ng Ragay sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Brex Villa, 19, at Jamaica Kim Moreno, 16, kapwa residente ng Brgy. Lower Omon, Ragay. Camarines Sur. Ayon sa ulat ng Ragay Municipal Police, bandang alas-5:20 ng hapon, pauwi na ang magpinsan at minamaneho ni Villa ang motorsiklo sa southbound direction ng highway nang nasalpok sila ng kasalubong na wing van truck…

Read More